[BOLCT-ONE]

15K 223 12
                                    

[BOLCT-ONE]

Marinel

"AH!" tili ko.

"Miss are you okay?" pukaw niya sa akin.

Napabangon ako sa pagkakadapa ko. Dakilang tanga Marie! Nabangga niya kasi ako.

"Miss?" balik pa niyang untag sa akin.

Inayos ko 'yong sarili ko at pinagpagan ang damit ko na puno ng buhangin. Napaangat naman ako ng tingin sa kanya pagkatapos.

"Okay lang... Abs! Esti ako," sagot ko sabay todo iling habang pinagliliwaliw ang mga mata ko sa ganda ng view.

Ang tanga! Mali! Ang ganda talaga ng view!

"Miss, are you sure?" nag-aalala niya pang tanong ulit.

Napapanganga ako habang umiiling. Putakte! Ang macho!

"Sorry about that. I got to go," paalam niya pa.

Wala sa katinuan naman akong napatango. Pinagmamasdan ko lang siya na naglalakad papuntang dagat para mag-surf boarding. Grabe! Hindi lang siya macho, sporty man pa.

"Gaga!" Biglang batok sa akin ng kaibigan ko.

"Ay! Makabatok naman 'to!" angal ko habang napapakamot sa parte ng aking ulo kung saan niya binatukan.

"Kung sino-sino 'yang pinagmamasdan mo. Dapat 'yong mga bata ang inaatupag mo."

Napangiwi ako sa litanya niya. Nakapamaywang akong humarap sa kanya. Tinuro ko 'yong lalaking nakabangga sa akin kanina.

"Iyon ang tinitingnan ko," sabi ko pa ulit.

Bigla naman siyang namula. Napailing na lang ako. May pasita-sita pa siyang nalalaman. Inirapan ko na lang siya at bumalik na sa event hall ng hotel dito sa resort. May seminar kasi akong dinaluhan, at the same time naman ay nagvo-volunteer din ako sa orphanage.

"Ate nurse!" tawag sa akin ng mga bata.

Nagkataon din kasing may field trip ang mga batang 'to kaya 'di na ako nagdalawang-isip pa na samahan sila. Nagkataon din naman kasing pareho lang ang lugar na pupuntahan namin. Tutal din naman kasi ay tapos na ang seminar na dinaluhan ko.

"Oh? Gusto niyo ba ng candies?" nakangiti kong alok sa kanila.

Agad naman silang nagsitakbuhan palapit sa akin. Inabot ko 'yong bag ko at kinuha ang isang supot ng candy at ibinigay sa kanila. Nagsisitalon naman sila sa tuwa.

"Marie?" tawag sa akin ni Sister Carmen.

Napayakap ako agad sa kanya. Siya ang itinuring kong ina simula nang lumaki ako sa Angels Orphanage. Nasa twenty-one years old na ako ngayon. Maaga akong bumukod sa ampunan at natutong mamuhay ng mag-isa. Mahirap mang tanggapin na wala akong kinagisnang magulang pero dahil na rin kay Sister Carmen ay medyo naibsan ang pangungulila ko. Umupo kami ni Sister Carmen sa bakanteng cottage.

"Kumusta ka na anak?" malumanay na tanong nito sa akin habang banayad na hinahaplos ang buhok ko.

"Maayos po ako 'nay. Heto, nagsisikap na makatapos ng pag-aaral," nakangiti kong sagot.

"Manghang-mangha ako sa katibayan ng loob mo anak. Ang trabaho mo, kumusta naman?"

"Maayos naman ho, 'nay. Alam niyo naman pong scholar ako, 'di ba? Kaya 'yong suweldo ko sa coffee shoppe ay sapat na sa pang-araw-araw na gastusin ko. May ibinibigay din naman po na allowance ang scholarship program. At dahil 'yon sa lahat ng tulong niyo," maluha-luha kong sagot.

"Sadyang mabait lang si Maggie at ang asawa niyang kay pagkaguwapo na nilalang." Napatawa ako sa itinuran ni Nanay.

"Seryoso po, 'nay? Nanay talaga puro biro." Umiling-iling naman siya.

"Aba batang 'to oh. Kapag naka-graduate ka aba'y dadalo ang bagong founder ng orphanage. Kailangan mo rin ng perma ng mag-asawang 'yon para sa clearance. Aba'y kapag dumating ang araw na iyon. 'Wag na 'wag kang mamumula sa harapan ng asawa ni Maggie."

Napatawa ako ulit.

"Bakit naman ho, 'nay?" Napanguso naman siya.

"Aba? Huwag mo akong tawanan. Kay guwapo ng asawa niya. Mabait naman ang batang 'yon, kay gaspang lang ng ugali kapag kinalaban mo o kaya naman ay pagdating na sa asawa niya. Nako!" Napangiwi ako.

Kahinaan ko pa naman 'yong mabait na, may itsura pa.

"Nanay talaga!" nakasimangot kong wika.

Napatawa naman siya.

"Ipinagmamalaki kita anak." Maluha-luha akong yumakap kay Nanay.

"Salamat, Nanay. Kung wala kayo, wala rin po ako sa kinalalagyan ko ngayon," matapat kong ani.

"Oh siya sige. Mauuna na kami ng mga bata anak," paalam sa akin ni Nanay.

"Ingat ho kayo pauwi ng Maynila 'nay. Baka mamayang hapon pa ho ang uwi ko," sabi ko pa habang inaalalayan siyang bumalik sa hotel.

"Mag-ingat ka sa pag-uwi mo anak."

Tumango naman ako. Pagkarating sa hotel, agad akong tumulong sa pagbitbit ng mga gamit ng mga bata para maisakay sa sasakyan.

"Bye!" masayang paalam ko.

Masisigla naman din silang tumugon at kumaway sa akin.

BUT ONLY LOVE CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon