[BOLCT-TWENTY-TWO]
STILL MARINEL'S POV
*****
Heto kami ngayon sa klase, gumagawa ng activity. Simula kanina pa ay walang imik si Enzo matapos ang practice namin kanina sa pool. Kahit na si Andy ay tahimik din.
"Sorry nga pala." Pukaw sa matinding katahimikan.
"You are doing great, Nel. There's nothing to apologize." Sagot niya.
"Oo nga naman, Nel. Perpect routine naman 'yong ginawa niyo kanina." Segunda pa ni Andy at naupo sa tabi ko.
"Nag-away ba kayo para pag-initan ka niya?" Pang-uusisa pa ni Andy.
"Hindi naman..." Pagsisinungaling ko.
"Quit asking Andy." Sita pa ni Enzo kaya pareho kaming napatikom nalang ng bibig ni Andy. Pasimple ko siyang sinusulyapan. May problema kaya siya? Napabuntong-hininga nalang ako at itinuon na ang atensiyon ko sa activity namin.
*****
Matapos ang klase namin, nagpaalam na ako ng maaga kina Andy at Enzo dahil may pasok pa ako sa trabaho ko. Pagkarating ko sa coffee shoppe, diretso na ako agad na nagpalit ng uniform ko.
"Kabwesit talaga 'yang mga epal!" Pagpaparinig na naman ni Aira sakin.
Napabuga nalang ako ng hangin at hindi nalang siya pinansin pa. Simula ng malaman niyang magkaklase kami ni Enzo ay mas lalo pang lumala ang pagkayamot niya sakin. Napailing nalang ako at lumabas na ng kitchen area.
"Can I have cheese cake, please? And a choco moist coffee." Salubong na saad pa nito sakin.
"Andy!?" Gulat kung sambit.
Nakangisi lang ito sakin. May kasama siyang lalaki at hindi ko pa makita ang mukha nito dahil natatakpan ng diyaryo na binabasa nito.
"Apple pie and plain coffee, please?" Narinig kung sambit nito.
"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko kay Enzo.
"Regular ako dito, maliban sa kanya." Nakangisi pang sagot nito sakin at ngumuso, na para bang tinuturo si Andy.
"Masama bang dalawin ang Ms. Universe ni---uhmp!" Hindi natuloy na sabi ni Andy dahil tinakpan na ni Enzo ang bibig nito.
"Pakikuha nalang ng order namin, Nel." Sabi pa ni Enzo sakin kaya tumango nalang ako at tipid na ngumiti.
Minadali ko agad na kunin ang order nila sa counter desk.
"Nel, anong shampoo ba gamit mo? Rejoice? Pantene? Palmolive? Haba ng hair!" Paulit-ulit nilang asar sakin.
"Tigilan niyo ako." Saway ko sa kamahan ko at kinuha na 'yong order nila Enzo.
Pagkarating sa mesa nila, ang seryoso nilang mag-usap. Napatigil lang nang tumapat na ako sa pwesto nila.
"Enjoy." Tipid akung nangiti at itinuloy na ang trabaho ko.
Panay din ang sulyap ko kina Andy at Enzo. Sobrang seryoso ng mga mukha nila. Sa itsura ni Andy, para ba itong nag-aalala ng matindi. Nahuli naman ako ni Enzo na nakatingin sa kanila kaya agad akung nag-iwas ng tingin. Inabala ko nalang sarili ko sa pag-asikaso sa mga costumers.
*****
Hindi ko na namalayan at napuna sila Enzo kung kailan ito nalabas ng coffee shoppe. Abala din naman kasi ako dahil sa dami naming costumer. Napasulyap ako sa relo ng kasamahan ko.
"Una na ako." Paalam ko sa kahera namin.
Lagpas trenta minutos na pala ang takdang oras ng labas ko sa trabaho ko.
"Ingat ka, Nel." Pahabol ni Mely sakin, ang kahera namin.
Matipid lang akung ngumiti at nagpalit na ng damit. Matapos kung iligpit ang gamit ko at makapag-ayos ng sarili ay lumabas na ako agad ng shoppe. Alas dyes ang labas ko sa trabaho ko at nakakagutom narin. Kumakalam na ang sikmura ko. Habang binabaybay ko ang daan patungo sa sakayan ng Jeep bigla namang may humablot sa kamay ko. Napahinto ako at nag-angat ng tingin.
"Oh? Enzo, bakit?" Taka kung tanong.
"Hatid na kita." Bahagya naman akung natigilan sa alok niya.
"Ha?" Nakatanga kung sagot. Nginitian niya lang ako at hinila na.
"Teka--" Awat ko.
"Gabi na, Nel. I can't afford just by
looking at you going home alone even if I can do this, ang ihatid ka." Para namang uminit ang magkabilang pisnge ko dahil sa sinabi niya.
Napatahimik nalang ako at nagpatianod na maisakay ako sa kotse nito.
"Ahm..." Nag-aalangan kung sabi at napapakamot sa may sentido ko.
"What is it Nel?" Napapikit muna ako bago sumagot.
"Bakit mo 'to ginagawa?" Lakas loob kung tanong. Napatawa naman ito at pinaandar na ang kotse.
"Because you are so kind to me, Nel. Kahit sa ganito man lang makabawi ako sa'yo." Paliwanag niya.
"Okay lang, mas lang malaki ang naitulong mo sakin. Ako pa nga ang dapat magpasalamat sa'yo." Sabi ko pa. Napailing naman ito ng kunti.
"I owed you a lot, Nel." Sagot naman niya at hinawakan ang kamay ko.
Pakiramdam ko ay may kung anong bagay ang umiikot dito sa loob ng tiyan ko. At aminado akung gusto ko itong nararamdaman ko.
*****
Pagkarating namin sa bahay ko, agad din naman akung bumaba.
"Ang hilig mo talagang kunin sakin ang pagiging isang gentleman ko." Nakanguso niyang sabi sakin at napapakamot pa sa batok nito. Napatawa ako ng mahina sa itinuran niya.
"Pasensya po." Sagot ko na lamang.
"Oh? By the way Marinel. Bukas na 'yong presentation natin. See you tomorrow." Nakangiti pang pahabol nito sabay kindat sakin, saka tuluyang sumakay sa kotse nito at umalis na. Para naman akung mahihimatay sa ginawa niyang iyon.
"Hoy!"
"Ahh!" Tili ko.
Hinila naman niya ang buhok ko at napapasimangot.
"Makatili parang sinulsi 'yang bibig mo ano? Parang nakawala lang sa hawla eh." Saway pa sakin ni Veronica. Sa sobrang tuwa ko ay napalundag ako sa kanya.
"Ano ba! Ang bigat mo!" Nakanguso nitong sita sakin.
"I love you Nica, salamat at naging kaibigan kita." Niyakap ko siya ng mahigpit. Ibinaba na niya ako at niyakap din pabalik.
"Ayaw kung nasasaktan ka Nel. Okay nang ako nalang, huwag lang ikaw Nel." Sabi nito. Napangiti ako.
Masaya sa pakiramdam na kahit 'di man kami magkapatid, tinatrato naman niya ako bilang kapatid at masaya na ako doon.
BINABASA MO ANG
BUT ONLY LOVE CAN TELL
ChickLitBut Only Love Can Tell. Kayanin kaya niya ang lahat ng dagok na darating sa buhay niya? Kakayanin kaya niyang tanggapin ang ang salitang.... "I can't be with you...anymore." Kakayanin niya kayang tanggapin na kailanman hindi na mababago ang lahat? O...
