[BOLCT-TWENTY-ONE]

3.3K 90 0
                                    

[BOLCT-TWENTY-ONE]

MARINEL'S POV

Pasimple ko lang na sinusulyapan si Enzo sa tabi ko. Nakikipagkulitan siya kay Andy at para bang walang nangyaring hindi maganda sa kanya kagabi. Katulad nga ng sinabi niya kanina, kakalimutan na niya ang pinsan ko. Pakiramdam ko, para akung nawalan ng mabigat na pasanin dito sa dibdib ko. Mabuti nalang at nagbago na ang isip niya. Matipid nalang akung napangiti at binuklat ang memo ko. Halos mapaangat ang pwetan ko sa pagkakaupo dahil sa tindi ng gulat. Para na yata akung sasabog dahil sa sobrang kaba. Nakalimutan ko! Ngayong araw na ito ang practice namin.

"Nel, I forgot. Proceed tayo sa pool area today. Tara na." Hila bigla sakin ni Enzo. Putik! Ito na nga ba 'yong sinasabi ko eh!

"Ito ang tinatawag na no sweat pogi points! Yes! Libre kiss!" Narinig ko pang masayang saad ni Andy sa likuran ko. Kiss!? Diyos ko mahabaging langit!

Tawa naman ng tawa si Enzo at panay sapok kay Andy. Napatigil ako na siya ring dahilan para mahinto din silang dalawa.

"Ah..." Kinakabahan kung panimula.

"Call of nature o iwas halik nature?" Nakakalokong tanong ni Andy sakin.

Napalunok ako. Si Enzo naman parang naghihintay sa kung ano man ang sasabihin ko.

"Kasi--teka lang!" Nagkandabuhol-buhol kung sabi ng bigla nalang akung kabigin ni Andy at kinaladkad na papasok sa swimming club pool.

"Ugh! Bwesit!" Reklamo ko at kinutusan si Andy.

"Aw! Masakit ah! Daming arte kasi! Takot mo lang malapa 'yang..." Putol na saad nito at ngumuso pa. Pumagitna naman agad si Enzo saming dalawa.

"Kiss my palm bro!" Sabi pa ni Enzo sabay landing ng palad nito sa mukha ni Andy. Napatawa ako ng mahina.

"Okay guys! I'll leave you with Ms. Gomez for the practice. Make it perfect everyone." Bilin pa ni Prof. at agad ng umalis.

Napahilot ako sa sentido ko. Sa lahat ba naman ng coach para sa CPR dry run practice na ito ay ang pinsan ko pa. Magaling siya sa ganitong bagay dahil narin sa mga nakikita kung awards sa palakasan nang unang beses na dumalaw ako sa kanila. Masusi kung pinuna ang reaksiyon ni Enzo. Bahagya lang itong sumulyap at bumalik nang makipag-asaran kay Andy. Dati ay kapag nasa harap niya ito, sing bilis ng kidlat ito kung makalapit sa pinsan ko pero ngayon, mukhang seryoso na siya. Pinuna ko din ang mga kilos ng pinsan ko. Parang wala lang din sa kanya pero taliwas sa mga nakikita ko sa mga mata niya. Para bang  nalulungkot ito. Pinilig ko ang ulo ko. Masiyado lang siguro akung praning.

"Nel, time to change up." Pukaw sakin ni Enzo.

"Sige..." Tipid kung sagot. Agad kaming nagtungo sa shower room.

Nagkahiwalay lang kami ng landas ni Enzo saglit dahil sa panlalaking shower room siya magbibihis. Pumasok narin ako sa shower room at nagpalit ng damit. Matapos kung magpalit at lumabas ay sumalubong sakin ang pinsan ko. Nanalamin ito at inaayos ang buhok. Bahagya ko lang siyang sinulyapan at nag-ayos din ng buhok ko.

"Mukhang close kayo masiyado ni Enzo." Biglang saad nito sakin.

Pinakalma ko ang sarili ko kahit na ang totoo ay naiinis ako sa kanya dahil sa ginawa niyang hindi pagsipot kagabi sa date nila.

"Magkaklase kami sa lahat ng subjects kaya hindi malayong maging malapit kami..." Sagot ko. Sumeryoso naman bigla ang anyo nito.

"Lumayo ka sa kanya, Nel." Saad nito. Napaismid ako.

"Bakit ko naman gagawin 'yan?" Nagtataka kung tanong.

"I'm just protecting you, Nel." Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata ko.

"Sabihin mo nga sakin ang totoo. Concern ka ba talaga sakin o mas concern ka na baka mabaling sa iba ang atensiyon niya." Matapang kung sagot. Halata namang natigilan ito at napakuyom ng kamao.

"I am older than you! Dapat mo akung sundin dahil pinsan mo ako!" Galit nitong saad.

Tinapos ko ang pagtirintas ng buhok ko at humarap sa kanya.

"Nabuhay ako ng wala ka at ang pamilya mo kaya wala kang karapatang utusan ako dahil ni isang sentimo, wala akung tinanggap mula sa'yo. Ni kahit ang nilalamon kung pagkain sa araw-araw ay wala kayong naiambag sakin. So, excuse me." Matapang kung buwelta at tuluyan ng lumabas ng shower room.

"Why so late, Nel?" Puna pa ni Enzo sakin.

"Hindi ko masara 'tong damit." Pagdadahilan ko.

Bahagya naman siyang umikot sa likuran ko at itinaas 'yong zipper.

"Better, now let's swim." Gayak ni Enzo sakin. Matipid lang akung napatango at sabay na kaming napalusong.

Padabog naman na bumungad samin ang pinsan ko.

"Now let's start!" Sabi pa nito at pasimple akung sinulyapan na para bang nang-gagalaiti sa pagkainis sakin. Nag-iwas nalang ako ng tingin at lumapit kina Andy at Enzo.

"With your partner, now!" Utos ulit ni Moana.

Siguro nga dapat ko ng itigil ang pagtawag ng 'ate' sa kanya. Maiinis lang ako sa tuwing maiisip kung magpinsan kami.

"Ano ba! Magtalas! Mali 'yan!" Biglang sigaw nito sakin.

Napakunot-noo ako. Tama naman ang ginagawa kung pagkuha kay Enzo habang nakalutang ito sa tubig.  Bigla naman akung hinapit ni Enzo sa beywang ko.

"Your doing it better, Nel. Don't mind her." Pagpapagaan pa ng loob ni Enzo sakin. Sinimulan na naming gawin 'yong routine at pansin kung panay ang pagsita sakin ni Moana. Nakakapikon na! Umahon naman bigla si Enzo at pati ako ay pinaahon niya rin.

"Excuse me, Ms. Gomez but we have to leave now. We still have classes to attain to." Sabi pa ni Enzo.

Pinaningkitan naman ako ng mata ng pinsan ko. Mataman ko lang din siyang sinalubong ng tingin. Hindi na hinintay pa ni Enzo na makasagot ang pinsan ko dahil hinila niya ako agad papuntang shower room.

BUT ONLY LOVE CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon