[BOLCT-SIXTEEN]

3.3K 81 1
                                    

AGAD akong bumaba ng kotse. Ni hindi ko na hinintay na pagbuksan niya pa ako.

"Salamat sa paghatid Enzo," nakangiti kong wika.

Kumaway lang naman din siya sa akin. Nang makapasok ako sa loob ng bahay. Nanghihina ang mga tuhod ko. Para bang pagod na pagod ang pakiramdam ko. Panay din ang pagkirot dito sa dibdib ko sa tuwing naiisip ko siya.

"Nel? Ayos ka lang ba?" bungad sa akin ni Veronica.

Napatango ako. Umupo ako sa sofa.

"Nel? May nangyari ba? Mukhang 'di yata maganda ang lakad mo," dagdag niya pa.

"Oo naman. Napagod lang ako sa kanila. Ang hirap pa lang mag-match make pero ayos na rin. Nga pala, may alam ka bang restaurant o kaya magandang hotel. Dinner date raw e," wika ko. Inirapan naman niya ako.

"Kung para diyan sa pinsan mo. 'Wag na!" Napanguso ako.

"Bitter ka?" asar ko pa at napatawa ng mahina. Tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Hindi naman pero kasi 'yang pinsan mo, ang drama lang. Iniwan niya si Enzo ng walang dahilan. Dapat lang na 'di na niya pagtuunan ng pansin ang babaeng 'yon!" inis niya pang sabi. Napakunot-noo ako.

"Totoo ba talagang iniwan niya ng walang dahilan? Saan mo naman nasagap 'yan?" nagtataka ko pang tanong.

Wala rin naman kasing nababanggit si Enzo tungkol sa hiwalayan nila.

"Korek! At sa mga katropa ko nalaman 'yan dahil kaibigan niya ang pinsan mo. Huwag mong sabihing hindi mo alam?" Napailing naman ako.

"Tsk! Ang akin lang naman Nel, payuhan mo rin naman si Enzo na tigilan na ang pagpapakabaliw niya sa pinsan mo. Guwapo naman siya, for sure marami ang magkakagusto sa kanya," litanya pa ni Veronica. Napabuga ako ng hangin.

"Mahal niya Nica," tipid kong sagot.

Madaling sabihin na magmahal ng iba pero mahirap namang gawin.

Calvin Enzo

NAKALUMBABA si Andy nang maabutan ko ito sa unit ko. Umupo ako sa harap niya.

"Kumusta ang lakad?" tanong niya.

"So far not so good," sagot ko at napahilot sa sintido ko.

"Sabi na e! Iyong bahay ko, kulang na lang maging garden sa kasasauli ng mga bulaklak na pinapadala mo," nakanguso niya pang balita sa akin.

"Pasensya ka na Andy," sagot ko.

Napatayo naman siya at agad na napatakbo sa kusina at bumalik din naman agad. Namumutla pa siyang lumapit sa akin at agad na hinawakan ang ulo ko saka nilagyan ng tissue ang ilong ko. Inigaw ko 'yong tissue.

"Fuck!" mura ko ng mahina.

"Huwag ka nga magpagod tol! Nag-aalala ako sa 'yo e."

"Yeah. I'm okay." Napatayo ako at dumiretso sa lababo at naghilamos para maalis 'yong dugo sa ilong ko.

"Tol baka..."

"Sa init ng panahon 'to Andy. Stop thinking those things," singit ko agad dahilan para maputol ang kung ano mang sasabihin niya.

"Okay. Order lang ako ng dinner natin," paalam ni Andy sa akin.

I just nod at pinunasan ang mukha ko. I grab my phone and dialed Moana's number.

"Hey? It's me Enzo," I heard some noises in the other line.

"Napatawag ka? I thought napag-usapan na natin ito," Moana said.

"Yeah. I know but I just wanted to invite you tomorrow evening. Please?" sumamu ko.

"Alright. Just pick me up at 6pm," Moana said.

"Thanks!" Ibinaba ko na 'yong tawag.

Napatalon ako sa sobrang tuwa. Finally pumayag din siya, although she tried to refused to me every time. Nang mag-usap kami sa park kanina, she told me to stop wasting my time just to get her back. Kaibigan na lang ang kaya niyang ibigay sa akin. I said yes and pretended to agreed on it but no way. I won't still give up. I really love her.

I flip my phone at tinawagan si Marinel.

"Nel!" masayang-masaya ko pang sambit sa pagtawag sa kanya.

"Oh? Napatawag ka Enzo?" Umupo ako sa couch.

"Pumayag na siya Nel. So arrange it all tomorrow evening. Ako na bahala sa payment. Okay?" I said.

The other line was silent.

"Nel?" tawag ko.

"Ah? Pasensya ka na Enzo, may kinuha ako saglit pero narinig ko 'yong sinabi mo. Text na lang kita bukas," sagot niya.

"Aw! Great! I really love you Nel. Thanks!" nakangiti ko pang sabi at ibinaba na 'yong tawag ko.

Pumasok na ako sa kuwarto ko at napahiga agad sa kama ko. I hope she will come.

BUT ONLY LOVE CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon