[BOLCT-FORTY-SEVEN]
STILL MARINEL'S POV
*****
Lumipas ang dalawang oras at kalahating minuto ay unang natapos sa pagsagot si Enzo. Manghang-mangha ako sa bilis niya. Naupo ito sa tabi ko at pinagmasdan nito ako.
"Huwag mo ako tingnan ng ganyan." Sita ko rito.
Bukod sa hindi ako makapag-concentrate dahil sa hirap ng exam. Iniisip ko din iyong nangyari kanina. Ano nga kayang pabor ang tinutukoy ng magaling kung pinsan!
"It's easy Nel. Just fucos." Cheer up pa nito sakin.
Pinaikot ko lang ang mga mata ko at sumagot ng muli. Tatlong tanong nalang ang hindi ko masagutan dahil hindi ko naman na-review ang patungkol sa mga Heart deases. Isa pa naman ito sa mga importante. Para na akong mahihimatay sa kakaisip kung ano ang isasagot ko.
"Capital A, C, D." Napalinga ako kay Enzo na kinakagat-kagat ang eraser ng lapis.
"A, C, D." Ulit nito. Napangiwi ako. Bobo na kung bobo pero parang sagot yata iyong binibigkas niya.
"Times up! Papers up!" Nanlaki ang mata ko sa announce ng examiner namin.
Mariin akong napakagat-labi at sinagutan na ang mga huling tanong. Bahala na nga lang! Sasapukin ko nalang itong si Enzo kapag nagkamali ako. Kinuha na ng examiner iyong mga test booklets.
"The result will be posted at the bulletin board. Near at the FEU guidance office. Good luck!" Announce ulit ng examiner namin.
Napalunok ako. Sana naman pumasa ako. Bigla naman akong hinalikan ni Enzo sa kaliwang pisngi ko.
"So? Let's have a dinner date later." Nakangiti nitong wika. Napangiti ako.
"Kapag mali iyon may punishment ka sakin." Ang tinutukoy ko ay iyong sagot na ibinigay niya sakin.
Itinaas naman nito ang dalawang kamay at nagpipigil pa sa pagtawa.
"I swear. It's the right answer."
"Oo na!" Sagot ko na lamang at iniligpit na ang mga gamit ko.
"Akin na..." Kinuha nito ang bag ko at siya na mismo ang nagdala ng mga gamit ko. Magkahawak kamay kaming muli na lumabas ng exam room.
"Babe! How's the exam?" Napangiwi ako sa biglaan na naman ang pagsulpot ng pinsan ko. Makatawag 'to ng 'Babe' para namang sila pa.
"I told you stay away from us Moana." Seryosong saad ni Enzo rito.
"Fine! Marinel, do you know that---"
"Enough!" Bulyaw ni Enzo at hinawakan ito sa braso.
"Wait for it! So knock it off!" Nagtagis ang mga bagang ni Enzo dahil sa pagpipigil ng galit niya.
Hinaplos ko ang likod nito para kumalma. Para namang nagulat at natakot ang pinsan ko. Nag-walk out ito sa harapan namin.
"Ano ba kasi ang pinagtatalunan niyo?" Napailing naman ito.
"Wala 'yon Nel. Tara na." Nauna itong naglakad sakin.
Laglag ang balikat ko ng sumunod ako sa kanya. Puro nalang wala ang sagot niya at naiinis na ako doon! Mabilis akong naglakad para makasunod rito. Hinawakan niya ang kanang kamay ko pero tinabig ko iyon. Nilagpasan ko lang siya. Naiinis na ako ng sobra sa ginagawa niyang pag-iwas sa mga tanong ko. Ayaw ko ng ganito!
"Nel!" Narinig kung pagtawag ni Enzo sakin. Hindi ako nakinig sa kanya.
"Nel, ano ba!" Pigil nito sakin nang maabutan niya ako. Tinabig ko ulit ang kamay niya.
"What the hell is wrong with you, Nel!?" Tila galit na galit na ito pero pinipigilan niya lang.
"Ikaw ang problema ko! Naiinis na ako ng sobra! Lagi ka nalang umiiwas sa mga tanong ko! Puro ka wala! Batang paslit ba ako para hindi ko maintindihan kung ano man iyon!" Hindi ko na napigilan ang emosyon ko rito.
"Then fine! Moana is so desperate to seperate us! She blackmailed me! Is that enough!" Tila galit na galit na rin siya. Napa-ekis ako ng aking braso.
"Ano na naman ang ipinangtakot niya sa iyo, aber?" Inis kong tanong rito.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero wala akong pakialam. Dahil sa tindi ng galit ko ngayon ay malakas ang aking loob na makipagtalo kay Enzo sa harap ng maraming tao. Natigilan ito at bakas sa mukha nito ang matinding alinlangan.
"It's nothing Nel, just please quit asking and trust me. Will you?" Naningkit ang mga mata ko dahil haya na naman ang mga paliguy-ligoy niyang sagot sakin.
"Puwes huwag mo akong kausapin kung hindi ka lang naman din magsasabi ng totoo!" Singhal ko at lumakad na palayo kay Enzo. Nakakaasar! Napasabunot ako sa sarili ko.
Sinasabi niyang blackmail pero hindi naman niya masabi ang rason! Nakakabuwesit iyong ganito na pinagmumukha akong tanga. Inis na inis akong napauwi sa condo ni Enzo.
*****
Pabagsak akong napatihaya sa kama nito at amoy na amoy ko pabango nito sa kama niya. Napabuga ako ng hangin. Medyo kumalma na ang pakiramdam ko. Hindi ko naman gustong magalit sa kanya pero nahihirapan kasi ako sa tuwing nagsisinungaling ito sakin. Napatihaya ako at napatitig sa kisame. Mababagot at maiinis ako ng husto kung 'di ko rin siya makakausap. Ugh! Ang gulo! Napababa ako ng kama at impit akong napatili dahil sa pagkadulas ko.
"Ang malas ko talaga!" Mabuti nalang at mahina lang ang bagsak ko.
Kinuha ko 'yong bag na dahilan ng pagkadulas ko. Bakit nga ba nasa sahig 'to? Maliit na purse lang naman 'to pero panglalaki. Wala sa loo ko na inusisa ang laman nito. Mga bote ng gamot. May isang pakete ng syringe na mukhang gamit na dahil wala na itong laman. May pain killer vial pa. Pero hindi iyang ang pumukaw sa atensyon ko. Isang pakete ng supot na puno ng methotrexate. Iba't ibang uri ng methotrexate na gamot ang narito. May nakalagay pang mga araw kung kailan iinumin. Natutup ko ang aking bibig. Nanginginig at naluluha akong napaupo. Nanghihina ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung maglulupasay ba ako sa nalaman ko o kung ano man. Ang sikip nang dibdib ko. Panay na ang pagtulong luha ko. Hindi puwede 'to! Para na akong mamatay sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ito ba ang dahilang kung bakit kailangan niyang magsinungaling! Bakit Enzo!
![](https://img.wattpad.com/cover/33909443-288-k249815.jpg)
BINABASA MO ANG
BUT ONLY LOVE CAN TELL
Chick-LitBut Only Love Can Tell. Kayanin kaya niya ang lahat ng dagok na darating sa buhay niya? Kakayanin kaya niyang tanggapin ang ang salitang.... "I can't be with you...anymore." Kakayanin niya kayang tanggapin na kailanman hindi na mababago ang lahat? O...