[BOLCT-FORTY-SIX]
STILL MARINEL'S POV
*****
Lumabas ako ng kuwarto matapos kung magbihis pero hindi ko na naabutan si Enzo.
"Nasaan na iyon?" Naitanong ko sa sarili ko.
Bumukas naman ang pinto at iniluwa nito si Enzo na may bitbit na dalawang supot.
"Nagpa-deliver ako ng pagkain sa Steak House." Nakangiti nitong wika.
Pinunasan ko ang aking buhok gamit ang tuwalya at lumapit sa kanya. Busy ito sa pagsasalin ng mga pagkain sa pinggan.
"Bakit 'di mo sinabi? Sana man lang nakapagluto ako ng mas maaga." May panghihinampo kong ani.
"Masiyado tayong matatagalan Nel kaya bumili nalang ako ng ready made. Maupo ka na." Hindi na ako nakipagtalo pa at naupo na sa tabi nito.
"Wala ba si Andy?" Taka kong tanong habang nagsisimula na kaming kumain.
Napapansin ko kasing hindi yata napapauwi si Andy rito gayong sa pagkakaalam ko ay dito 'yon nakatira kay Enzo.
"Mamaya nandito iyon. Busy lang 'yon sa school Nel. Bumagsak kasi siya sa Social Science." Paliwanag nito.
"Oh? Kaya naman pala." Ngumiti lang ito at nagpatuloy na sa pagkain. Tumunog naman ang doorbell at pareho kaming napatingin ni Enzo sa pinto.
"May bisita ka?" Kunot-noo kong tanong. Napailing ito at napatayo para buksan ang pinto. Napakunot ito at lumabas pero sumilip muli sakin.
"Kumain ka na. Sandali lang 'to." Anito.
Napatango ako. Mulin nitong isinara ang pinto. Sino kaya ang bisita nito? Kumikit-balikat na lamang ako at tinapos na ang aking agahan. Napasulyap ako sa wall clock. Halos trenta minutos nang nasa labas si Enzo. Nakapagtataka naman yatang natagalan ito.
"Hayaan mo na Nel at baka may ginawa pa." Nasabi ko sa sarili ko.
Iniligpit ko nalang ang pinagkainan ko at hinugasan ito. Inayos ko na din ang mga gamit ni Enzo para sa exam namin mamaya. Maya't maya akong napapasulyap sa relo ko. Halos isang oras na pero hindi pa din bumabalik si Enzo. Tinakpan ko na lamang ang pinagkainan nito. Kinuha ko ang phone ko sa bag at tinawagan ito. Nakatatlong dial na ako pero walang sumasagot. Bumukas naman ang pinto bigla. Agad akong napalapit kay Enzo.
"Anong nangyari?" Nag-aalala kong tanong.
Malungkot ang anyo nito at para bang may kinaiinisan.
"Nothing Nel. Ready ka na? Dadaan nalang tayo sa drive tru para bumili ng makakain." Anito at dinampot na ang susi ng kotse, pati na din ang gamit namin. Hinila ko ito sa braso ng marahan.
"Ano ang nangyari?" Muling tanong ko. Kinabig ako nito at hinalikan sa noo.
"Nothing too important Nel. Don't worry." Napabuntong-hininga na lamang ako.
*****
Pagkaabot namin sa parking lot ay halos mabali ko na ang hawak kung lapis. Anong ginagawa niya rito!? Napatigil ako sa paglakad dahilan para mapahinto rin si Enzo at napatingin sakin.
"Nel, I will explain later." Hindi ako umimik at diretso lang sa kotse. Naupo ako agad sa front seat na walang kibo.
"Morning pinsan!" Masigla pa nitong bati sakin. Hindi ako kumibo at ibinaling ang aking paningin sa labas ng kotse. Pumasok na si Enzo sa kotse at pinatakbo na ito.
"Good luck sa exam mo, Babe." Malanding cheer ni Moana kay Enzo.
Hindi man ako nakatingin sa kanila ay pansin ko ang hindi pagkibo nito. Mariin akong napakagat-labi. Nayayamot ako! Gusto kong maiyak sa nangyayari ngayon. Ito ba ang tinutukoy niyang hindi importante! Puwes importante ito sakin! Ano na naman kaya ang ginawa niya para hindi makatanggi si Enzo. Napahugot ako ng malalim na hininga. Alam ko, wala akong karapatang umakto ng ganito dahil hindi ko naman lantarang matatawag na nobyo ko si Enzo. Nagkasundo kami na hindi basihan ang status sa pagmamahalan ng dalawang tao. Pero iba pa din iyong may pinanghahawakan. Pinahiran ko ang pisngi ko dahil sa butil ng luha na kumawala sa kanan kung mata. Mahigpit din akong napapakapit sa strap ng bag ko. Naiinis ako, sumatutal ay nagseselos! Biglaan namang kinuha ni Enzo ang kaliwang kamay ko habang nakahinto pa kami dahil sa pula pa ang ilaw ng traffic light. Pahapyaw akong napasulyap rito. Malungkot ang anyo nito at nakakunot ang noo. Napalabi ako. Nakukunsensya ako dahil sa hindi ko pagkibo sa kanya. Karapatan ko din naman ang magtampo dahil sa hindi niya pagsabi sakin ng totoo.
"Mahal na mahal kita." Mahinang usal nito sakin. Hinigpitan ko lang ang paghawak nito sa kamay ko bilang tugon.
*****
Ilang oras din bago ako nakaraos. Hindi talaga ako kumportable na umaaligid ang pinsan ko. Magkahawak kami ng kamay ni Enzo habang binabagtas namin ang daan papunta sa room.
"Babe! Ingat ka ha." Biglang sulpot ni Mocha kasabay ang pag-ingkis sa braso ni Enzo.
"Nagmamadali kami ni Nel. Excuse us." Ani Enzo at inalis ang pagkakaingkis ng kamay nito sa braso niya.
Lumakad na kaming muli at naiwang mag-isa ang pinsan ko. Bahagya akong natuwa sa ikinilos ni Enzo.
"Enzo 'yong usapan natin." Pahabol pa nito. Takang-taka naman akong napabaling ng tingin kay Enzo.
"Anong usapan iyong tinutukoy niya?" Ani ko.
"That? Just a favor para sa exam natin ngayon Nel." Sagot nito.
Napatango ako kunwari pero duda ako sa sagot niya. Nagsisin=
ungaling siya. Bakit ba kailangan mo pa ang mag-sinungaling Enzo. Bakit?"Nel..." Pukaw nito sakin.
Napabaling ako rito at ngumiti ng kaunti. Nang makapasok kami sa room. Magkatabi kaming naupo ni Enzo pero hawak niya pa rin ang kamay ko. Binubuklat nito ang mga review paper. Hindi ako mapakali sa mga ikinikilos niya. Sobrang ding napakatahimik nito. Dumating na ang examiner namin at nagsimula na ding ibigay sa amin ang mga test booklets. Binitawan na ni Enzo ang kamay ko at sa hudyat ng examiner ay nagsimula na ang pagsagot namin sa exam. Nasa trenta katao rin kaming nandito na kumukuha ng early test. Napahugot ako ng malalim na hininga at sinimulan nang sagutin ang mga tanong sa papel. Panay din ang sulyap ko kay Enzo at ganoon din ito sakin. Parang wala lang sa kanya ang exam namin dahil patuloy lang ito sa pag-shades ng mga bilog. Napangiwi ako at itinuon ng muli ang atensyon ko sa papel.
BINABASA MO ANG
BUT ONLY LOVE CAN TELL
ChickLitBut Only Love Can Tell. Kayanin kaya niya ang lahat ng dagok na darating sa buhay niya? Kakayanin kaya niyang tanggapin ang ang salitang.... "I can't be with you...anymore." Kakayanin niya kayang tanggapin na kailanman hindi na mababago ang lahat? O...