[BOLCT-THIRTEEN]
PAGKAUWI ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni Veronica ng isang malagkit na tingin. Inirapan ko lang siya at kumaway kay Enzo bago tuluyang nawala ang kotse nito sa paningin ko.
"Gusto mo ice? Malulusaw na mata mo e," sita ko pa kay Veronica.
"Ha-ha-ha!" sarcastic niyang tawa bigla.
"Ano'ng ibig sabihin nang paghatid niya sa 'yo aber?" Naupo ako sa sofa at tinanggal ang medyas ko.
"Magkaibigan lang kami at isa pa, tutulungan ko siya kay pinsan. Ex-girlfriend niya pala si ate Moana e," paliwanag ko.
Inilapag naman niya sa lamesita 'yong jampong noodles para sa akin.
"Really? At pumayag ka naman? I mean, okay lang sa 'yo?" Napatango ako.
"Nako Marinel ha! Iyang ganyang sitwasyon ay laging palpak!" litanya niya sabay subo ng chips.
"Ba't naman palpak? Gusto ko lang makatulong. Pambayad na rin sa naitulong niya sa atin, 'di ba? At okay lang sa akin, wala naman akong gusto kay Enzo. Bakit ako tututol?" dipensa ko.
Inirapan naman niya ako.
"Wala, huh? Basta ako, hindi ako supurtado sa gusto mo. Ang akin lang naman Nel ay huwag mo sanang pagsisihan ito. Kasi kung mangyari man 'yong araw na kinakatakutan ko, ikaw ang kawawa. Kaya naman, ayaw ko," mahaba niya pang pagtutol at sumubo ulit ng chips. Napangiwi na lang ako sa litanya niya.
"Gusto ko lang naman makatulong e," sagot ko pa at kinain na 'yong noodles.
"Hindi masama ang makatulong pero hindi lahat ng tulong na gagawin mo ay walang magiging kapalit," sabi niya pa sabay irap sa akin at pumasok na sa kuwarto niya.
Napabuntong-hininga ako. Mali ba talaga? O baka naman tama lang? Ay ewan!
Calvin Enzo
"BUSY sa kakaayos a!" biglaang bungad sa akin ni Andy.
Isinuot ko na 'yong t-shirt ko.
"May lakad kami," sagot ko habang panay na inaayos ang pagkakabit ng sintas ng rubber shoes ko.
"Astig! Si Ms. Universe ba?" nakangisi niya pang tanong sa akin. Napakunot-noo ako.
"Not her, it's Moana," pagtatama ko.
Napanguso naman siya at umupo sa kama ko.
"What's with that face?" I asked.
"Hmm? Sa iyo wala, sa akin apektado ako tol! Nanghihinayang ako sa mga bulaklak na ipinapadala mo sa kanya. Tinatapon niya lang e," aniya.
Napapailing naman akong napaupo sa tabi niya at ginulo ang buhok niya.
"I can't give up on her, now that Marinel is trying to help me. At least, I should give it a try," sagot ko.
"Nothing to worry about me. I can surpass this," paninigurado ko.
"Tol naman e! Have a happy life, not like this." Sinuntok ko ng mahina ang balikat niya.
"Haha! Yuck! Alright, I get it. I'll be fine," natatawa kong sagot na lamang.
Tumayo na ako at marahan siyang tinapik sa balikat niya.
"I have to go."
Nagmadali ako agad na bumaba sa unit ko at dumiretso sa kotse ko. I dialed Marinel's number.
"Hey Nel? Where are you guys?" I asked.
"Oh? Nasa park kami ngayon. Ako na bahala magpalusot sa pinsan ko. May binili lang siya sandali e," sagot niya sa kabilang linya.
Napangiti naman ako. I felt so excited.
"Okay, I am on my way now," I said at ibinaba na 'yong tawag ko.
Agad kong tinahak ang daan papunta sa park na sinasabi ni Marinel. I hope this will work out.
![](https://img.wattpad.com/cover/33909443-288-k249815.jpg)
BINABASA MO ANG
BUT ONLY LOVE CAN TELL
ChickLitBut Only Love Can Tell. Kayanin kaya niya ang lahat ng dagok na darating sa buhay niya? Kakayanin kaya niyang tanggapin ang ang salitang.... "I can't be with you...anymore." Kakayanin niya kayang tanggapin na kailanman hindi na mababago ang lahat? O...