[BOLCT-TWENTY]

3.3K 87 2
                                    

SA HOTEL na rin kami mismo nagpalipas ng gabi. Si Enzo naman parang walang buhay, walang sigla ang mga mata niya. Nakaupo lang ito sa couch habang malalim ang iniisip. Umupo rin ako sa kabilang couch.

"Enzo, tama na," pakiusap ko. Napaangat naman ito ng tingin sa akin.

"I love her," tipid niyang sagot.

Para namang tinarak ang kaloob-looban ko dahil sa sagot niyang 'yon.

"Mahal? Kung mahal ka niya e 'di sana sumipot siya, 'di ba? Hindi ka na niya mahal! Naiintindihan mo ba 'yon?!" puno ng hinanakit kong sagot.

"You don't know what I felt! You don't know anything!" pagtataas ng boses nito sa akin. Napatayo ako.

"Oo nga! Wala nga akong alam sa ganito. Hindi ko alam kung gaano kasakit ang magmahal. Pero isa lang ang alam ko, hindi kailanman mapipilit ang isang tao para mahalin ka ulit o para ibalik pa ang pagmamahalan na kahit ang totoo, matagal na itong tapos," sagot ko pabalik at kinuha ang mga gamit ko.

Lumabas ako agad ng suite namin at patakbong tinungo ang elevator. Pagpasok ko, doon na tuluyang kumawala sa mga mata ko ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kalaki ang epekto no'n sa akin. Mahal ko na yata siya. Ganito ba magmahal? Pinilig ko ang aking ulo at inayos ang sarili ko.

"Wala kang gusto sa kanya Nel, ni hindi mo rin siya mahal, Nel," kontra ko sa sarili ko.

Pagkabukas ng elevator, dumiretso na ako agad sa sakayan ng jeep at umuwi sa apartment namin ni Veronica. Wala lang itong nararamdaman ko. Awa lang ito para sa kanya at wala ng iba pa.

Calvin Enzo

PABAGSAK akong nahiga sa kama. Hindi ko dapat sinabi 'yon kay Nel. Dahil lang 'yon sa galit ko kanina. Alam kong mali na umasa pa ako sa date na 'to pero gusto ko lang namang subukan. Moana told me earlier that she can't come but I insisted to wait. Napahugot ako ng malalim na hininga. Mabilis akong napatayo at nag-ayos na. Umuwi ako sa condo ko para makapagpahinga na. Bukas ko na lang kakausapin si Nel. I need to say sorry and I should stop loving Moana from now on. Marinel is right. I should stop loving her even if it's hard to forget but I will try my best.

MAAGA akong nagising at nag-ayos. Maaabutan ko pa si Nel ngayon. Kinuha ko 'yong phone ko at tinawagan siya. Nakailang dial din muna ako bago niya ito tuluyang sinagot.

"Nel?" panimula ko.

Narinig ko siyang napatikhim muna bago sumagot.

"Morning, napatawag ka?" Umupo ako sa edge ng kama ko.

"Puwede ba kitang sunduin?" pagpapaalam ko.

"Sige," tipid na sagot nito.

"See you later, Nel," masayang paalam ko at ibinaba na 'yong tawag ko.

Kumilos ako agad at nagmadali nang pinuntahan ang sasakyan ko. Pagkasakay ko ay agad na pinaharurot ko ito nang takbo. Pagdating ko sa inuupahang bahay nila, naabutan ko siyang nakasandal sa pinto habang nakatungo. Mukhang hindi niya napansin na dumating na ako. Mabilis akong bumaba agad ng kotse ko at lumapit sa kanya. Niyakap ko siya agad.

"I am so sorry, Nel. It's really my fault," I said.

"Hindi ako makahinga," she said and slightly laughed at me. Napabitiw ako agad.

"Sorry," paumanhin ko.

"Naiintindihan naman kita kaya okay lang. Hindi mo naman kailangang mag-sorry sa nangyari," sagot niya. Kumalas ako at iniangat ang mukha niya.

"Thanks Nel. You're really a great friend." Matipid niya lang akong nginitian.

"Shall we?" paanyaya ko pa. Pinagbuksan ko na siya ng pinto ng kotse ko at iginiya papasok. Pumuwesto na rin ako sa harap at nag-drive na.

"Nel?" pukaw ko sa kanya. Bahagya naman niya akong nilingon.

"I guess, you are right Nel. I should stop loving your cousin. I should've live a new life again without her," seryoso kong sabi.

She seems surprised to what I've said.

"E 'di... Ano... Mabuti," pahinto-hinto niyang sagot sa akin.

Nginitian ko na lang siya at itinuon na ang atensyon ko sa pagmamaneho. Alam ko, mahirap gawin ang bagay na 'to. Mahirap kalimutan ang isang taong minsan mo ring minahal ng lubusan. But I should move on now and start a new one.

NANG makarating kami sa school, pinagbuksan ko siya agad ng pinto. Ang hilig pa naman niyang balewalain ang pagiging gentleman ko.

"Tol! Kumusta pakiramdam mo ha!? Nagbabad ka raw sa ulan!?" salubong ni Andy sa akin habang hawak ang mukha ko.

"Itigil mo 'yan at baka sabihin nilang bakla ka," pagbibiro ko.

Napabungisngis naman si Nel sa sinabi ko. Si Andy naman biglang natigilan at bumitiw sa akin.

"Yuck! Over my hot dead body! P'we!" nandidiring sambit niya. Binatukan ko na lang ang mokong.

"Tara na Nel," hila ko sa kanya papasok sa hallway.

Bahagya akong natigilan nang mapadaan sa gawi namin si Moana at napatingin sa kamay kong nakahawak sa kamay ni Nel. Sinalubong ko lang siya ng tingin at nilagpasan na. Kakalimutan na kita, even if it was hard to do that. Pareho na kaming nagsiupo sa upuan namin. Andy are just talking shit again at the back seat. He never changed.

BUT ONLY LOVE CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon