[BOLCT-THIRTY]

3K 86 0
                                    

[BOLCT-THIRTY]

STILL MARINEL'S POV

*****

Mag-isa akung namasyal kahit gabi na. Naupo ako sa isang sulok kung saan wala masiyadong napapadaan. Napapaisip ako sa mga nararamdaman at naging reaksyon ko nitong mga nakaraang araw. Masiyado akung naaapektuhan sa mga nakikita ko. Mukhang dapat ko na yatang aminin sa sarili ko na gusto ko na siya, na mahal ko na siya. Mukhang tama nga si Veronica, maling-mali na tinulungan ko pa si Enzo na magkalapit silang muli ng pinsan ko. Tumayo na ako at pumunta na sa kwartong tinutuluyan namin. Didiretso na sana ako ng pasok sa kwarto namin pero bahagya akung natigilan. Kitang-kita ko ang mabilis na pagyakap ni Moana kay Enzo, kasabay din ang paghalik niya sa labi nito. Para yatang sasabog ang dibdib ko. Agad akung umalis sa pwesto ko at pumasok na sa kwarto.

"Nel bakit?" Malungkot na tanong bigla sakin ni Nica at bumaba ng kama.

"Huh? Anong bakit?" Taka ko din namang tanong. Bigla naman niya pinahiran ang pisngi ko.

"Umiiyak ka. Anong problema?" Natigilan ako sa sinabi niya.

Mabilis kung pinahiran ang luha ko. Bakit 'di ko man lang napansin na naiyak na pala ako kanina.

"Wala 'to Nica. Ito naman..." Sagot ko at nilagpasan siya at naupo na sa kama. Umupo din siya sa tabi ko.

"Nel, huwag mo nga akung bolahin sa mga palusot mo. Anong problema?" Pangungulit niyang tanong ulit.

Hindi ko na napigilan ang sarili kung humagulhol at yumakap sa kanya.

"Nica, ang sakit! Ang hirap! Bakit sa kanya pa!" Umiiyak kung sabi.

"Tahan na Nel. Umayos ka nga Naguguluhan ako eh." Kumalas ako ng yakap sa kanya.

"Alam ko, pinagsabihan mo ko na iba ang mangyayari pero hindi ako nakinig sa'yo..." Humihikbi kung sagot.

"Mahal mo na?" Malungkot nitong tanong sakin.

Mapait akung napangiti at napatango. Narinig kung napabuga ito ng hangin.

"Gusto kitang sigawan, sabunutan, sisihin ka pero 'di ko magawa kasi mahal kita Nel. Alam ko, nagkamali ka, hindi ka nakinig sa ipinayo ko. Lagi mo sinasabi sakin, but only love can tell kung kailanman darating ang para sa iyo. Ngayong dumating siya, naging kumplikado naman." Nahinto ito sa pagsasalita at pinahiran ang magkibilang pisngi ko.

"Ngayon Nel, ako naman ang magsasabi sa'yo. Only your love can tell if it's worth loving him or is it worth fighting for what you feel." Pinipigilan kung mapahikbi.

"Nel, ito tatandaan mo. Lahat ng taong nakikisampid sa pagmamahalan ng dalawang tao ay laging talunan Nel. Pero, maliban nalang kung may pagtingin na siya sa'yo."

Para akung binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Ayaw ko ng ganoon, ang makihati sa iba. Tumayo na ito at bahagyang inayos ang buhok kung nagkagulo.

"May event ngayon sa pool. Ako na bahalang magdahilan kapag hanapin ka nila. Magpahinga ka na muna Nel." Sabi pa ni Nica sakin at tuluyan ng lumabas ng kwarto namin.

Buong pwersa kung ibinagsak ang katawan ko sa kama. Ang bigat ng pakiramdam ko dahil sa mga sinabi sakin ni Nica. Ayaw kung humantong ako sa ganoong sitwasyon, ang maging sampid, nakikihati, mang-aagaw at kung ano pa. Bakit kasi nahulog pa ako sa kanya. Sa kaibigan ko pa na may mahal na iba.

*****

Kinabukasan...

Maaga ulit kaming nagising dahil pupunta na naman kami ng La Trinidad. Palabas na sana ako ng kwarto pero bigla akung pinigilan ni Veronica.

"Isuot mo 'yan. Nagmumukha kang zombie sa itsura mo eh!" Sabi pa niya sabay bigay sakin ng sunglass niya.

Napatakbo ako pabalik sa harap ng salamin. Diyos ko! Para nga akung sinasiban sa itsura ko.

"Ito, lagyan mo din ng concealing cream para hindi talaga mapuna." Dagdag niya.

Napanguso ako at sinunod ang utos niya. Pagkatos ay sabay narin kaming lumabas ng kwarto. Pagkarating sa sasakyan, para na namang pinipiga ang puso ko. Mukhang mapapasubo ako nito. Magkasama si Nica at Andy sa unahan. Si Enzo at Moana naman, nasalikuran at mukhang mauupo ako sa kaliwang side ni Enzo. Napainhale-xhale pa ako bago tuluyang pumasok sa kotse. Gaya nga ng nangyari, napagpapagitnaan namin si Enzo.

"What's with that sunglass cousin?" Puna pa ni Moana sakin. Nagpapanggap na naman siyang mabait sa harapan ni Enzo.

"For fashion." Walang gana kung sagot.

Kinuha ko ang isang unan sa likod at isinandal sa may tagiliran ko, saka ko din naman isinandal ang ulo ko.

BUT ONLY LOVE CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon