[BOLCT-TEN]

3.7K 107 4
                                        

[BOLCT-TEN]

ILANG oras lang nang pag-aayos ay pareho kaming hapong-hapo ni Enzo na nakasalampak nang upo sa sofa.

"Buti na lang pala at nakasando ako, ang init," reklamo pa niya at panay ang pagtaas-baba sa laylayan ng damit niya.

Diyos ko pinagpala! Ang pandesal! Walang ano pa'y panay na ang paglunok ko.

"Nel?" pukaw niya sa akin.

"Ah oh?"

Tama ba sagot ko? Tumawa naman siya nang pagkalakas. Hagalpak talaga! As in! Napahampas ako sa balikat niya.

"Ano'ng nakakatawa ha?" nayayamot ko pang tanong.

Laking gulat ko nang hawiin niya ang buhok ko at isinukbit sa likod nang tainga ko.

"Because you are cute," nakangisi niya pang sagot.

Napaatras naman ako at napagapang.

"Ha-ha-ha! Ano... Mainit nga!" natataranta kong wika.

Pakiramdam ko, para akong nasa drum contest. Panay ang paglakas nang tibok ng puso ko, na kahit sa tanang buhay ko ay ngayon ko pa lang naramdaman ang ganitong pakiramdam.

"Nel, can I have some water please?"

"S-sure."

Bakit ba ako nauutal? Kumuha na ako ng tubig at ibinigay sa kanya.

"Salamat nga pala sa ginawa mo kanina kahit ayoko talaga. Promise! Babayaran ko 'yan," sabi ko pa.

E sa nakakahiya naman talaga 'yong nangyari kanina. Inilapag naman niya 'yong baso sa lamesita no'ng wala na itong laman.

"No. It's just a money Nel. Ang importante may matutuluyan kayo ng kaibigan mo." Napataas naman ako ng kilay.

"Hindi ako papayag na free lang 'yon. Every drop of it is important Enzo. Pinaghirapan din 'yan at ayoko ng ganyan," matapat ko pang dipensa.

"But at least pansamantala kayong hindi mamumroblema sa upa. Come on Nel, I am not really helping you just for a change." Napahilot na lang ako sa sintido ko.

"Ah! Basta, babayaran kita, okay? Hindi man pera dahil ayaw mong tanggapin. In other way na lang. Okay?" sabi ko pa.

"Okay," tipid niyang sagot.

"Wanna come with me mamaya?" yaya niya sa akin bigla.

Huh? Ano 'to? Date? Asa naman!

"Saan?" tanong ko pa.

"To be a cheerer. May laro si Andy ng basketball mamaya." Bahagya pa siyang napasulyap sa sports watch niya na sa tantsa ko ay mamahalin din kahit na ang simple lang ng design.

"Around six," dagdag niya sa naunang paliwanag.

"May trabaho ako mamaya at ayoko mag-absent," sagot ko.

"Hindi na ba puwede..."

Ikinumpas ko ang kamay ko dahilan para mapatigil siya. Nagkibit-balikat naman siya.

"Every drop of it is a treasure," sabi niya pa.

"Nadali mo," segunda ko.

"I have to go Nel," paalam niya pa.

Nakasunod lang ako sa kanya habang papalabas kami ng apartment.

"Bye Nel," nakangiti niya pang paalam sa akin nang matapat na ito sa kotse niya.

Tumango lang ako at matipid na ngumiti. Nakamasid lang ako sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Napasandal ako sa pinto matapos ko itong isinirado. Gusto ko mang sumama pero alam kong hindi tama at hindi dapat. Alam kong masiyadong mabilis ang mga pangyayari at pati ako ay naguguluhan sa takbo nito. Wala namang masama kung maging magkaibigan kaming dalawa. Bukod kasi sa kung anong mayroon siya ay sadyang likas na siguro sa kanya ang pala kaibigan kahit sa maikling panahon lang. Pero may kung ano rito sa loob ko ang hindi mapanatag sa nabubuo naming pagkakaibigan ni Enzo. Para bang may kung anong bagay ang pumipigil sa akin.

"Ugh Nel! Kalma! Ang dami mong iniisip," naibulong ko sa sarili ko.

Umayos na ako nang tayo at tumungo na sa kuwarto ko para makapag-ayos. May pasok pa kasi ako ngayon sa trabaho.

BUT ONLY LOVE CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon