[BOLCT-FORTY-TWO]

3K 95 5
                                    

[BOLCT-FORTY-TWO]

STILL MARINEL'S POV

*****

Kinabukasan...

Wala akong nagawa kung 'di panoorin na lamang ang paghahakot ni Nica sa mga bagahe niya para maisakay sa taxi. Napabuntong-hininga ako. Wala na nga talaga akong pagpipilian.

"Siya nga pala Nel, mas mabuti iyong na kina Enzo ka ng 'di na bumalik iyong pinsan mo. Sinugod ako kahapon no'n ah!" Ani Nica.

"As in? Baliw na nga talaga siya. Ano daw sabi?" Pang-uusisa ko naman.

Sumakay na ito sa loob ng taxi.

"Wala daw forever!" Sagot niya nang umandar na iyong taxi at napahagalpak ng tawa. Aba't!

"Gaga! Pasalubong ko Nica!" Sigaw ko. Tumango ito at nag-flying kiss sakin.

"I love you Nel! Ingat si Enzo sa'yo!" Sigaw din nitong paalam sakin habang nakadungaw sa bintana ng taxi.

Pasaway talaga! Kumaway na lamang ako hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin ko. Ano naman kaya ang sinabi ni pinsan? Napakibit-balikat na lamang ako nang bigla namang may kamay na tumakip sa mga mata ko.

"Enzo?" Hula ko at inalis ang kamay nito.

"Good morning!" Masiglang bati nito sakin at hinalikan ako sa aking pisngi.

Nahihiya akong napatango at parang mapupunit na ang mga labi ko dahil sa lawak ng  ngiti ko.

"Morning. Masaya ka yata?" Napahalukipkip naman ito at hindi mapalis-palis ang ngiti nito sa labi niya.

"Ang ganda kasi ng Ms. Universe ko at natutuwa ako dahil araw-araw na kitang makakasama." Napatawa ako sa sagot niya.

"Gusto mo lang ng may maasar ka." Sagot ko.

Hinawakan naman niya ang dalawa kong kamay.

"Mahal kasi kita." Ako na ang mahaba ang buhok. Nangiti na lamang ako. Pinagtulungan naming dalawa na ipasok sa kotse ang mga gamit ko ng bigla nalang napakapit si Enzo sakin.

"Enzo, ayos ka lang?" Nag-aalala kong tanong. Ngumiti naman ito.

"Maayos ako Nel." Aniya at ipinagpatuloy na ang pag-aayos.

Napakunot ako ng noo. Kinabahan kasi ako bigla. Pakiramdam ko ay may inililihim si Enzo sakin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman kong kaba sa tuwing napapansin ko ang mga ganoong eksena sa kanya. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero iba talaga ang pakiramdam ko.

"Nel..." Untag nito sakin.

"Ha?"

"Tara na." Yaya pa nito. Tumango lang ako at sumakay na sa front seat.

ENZO'S POV

God! Muntik na ako kanina lang. I'm glad nakayanan ko pang itago iyon. I am so much nervous that maybe Nel might noticed it. Mabuti nalang at hindi na niya pa ako inusisa. Hindi kakayanin ng kunsensya ko sa oras na malaman niya ang totoo. Masasaktan ko lang ang babaeng pinakamamahal ko at ayaw ko iyong mangyari. Gagawin ko ang lahat maitago ko lang ito sa kanya.

"Enzo..." Pukaw sakin ni Nel habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe. Pumaling ako sa kanya at muling napatingin sa daan.

"Hmm?" She intertwined her left hand to my right hand.

"Mahal na mahal kita." My heart melts by her magic words.

"I do love you very much Nel." I responsed.

"Enzo, may gusto lang sana akong hilingin sa'yo."

"Name it Nel." Sagot ko.

"No more lying and keeping secrets. Alam ko, wala akong karapatan para sabihin ito pero---"

"I am cool with it." Kampante kong sagot.

Even if inside of me was tearing apart. How will I promise that sweety. How will I?

"Talaga? I mean, okay sa'yo?" Napatango ako.

She gave me a sweetest smile she could ever wear all over in her face. Conscience was hitting me  bulls eye.

*****

Sumalubong si Andy samin nang makarating kami sa condo.

"Welcome aboard, Ms. Universe!" Andy greeted Nel.

Napahampas naman si Nel sa braso ni Andy.

"Tigilan mo nga ako." Napabungisngis pa ito. So nice to see her happy. Inakbayan naman ako ni Andy.

"Hindi biro iyon ha." Anito at napatingin sakin. I raised my brows on him.

"Go inside Nel." Utos ko. She nodded and smiled at me.

"Kamusta nga pala kagabi?" Andy asked me.

"He keeps nagging at me. Nag-away kami kagabi at kasalanan ko iyon." Kwento ko.

"Bakit ba kasi ayaw mong pumayag tol." Medyo bumulong na siya sakin.

"You know the truth Andy. Mas lalala lang kung ipipilit pa niya iyon. Even my parents started to get ready themselves. I know you guys love me, even him, my brother. But the more we try to seek the answers, the more it burdens for me to leave some hopes even if it's useless to fight for. The only thing now that I wanted is to be happy, being with Nel. That's it." Pumasok na ako sa loob at iniwan si Andy. I hate to say that but this is the reality.

"Ganda dito, nakakahiya tuloy." Her face turns into a crimson red. Ginagap ko ang dalawa nitong kamay.

"Ako dapat ang mahiya dahil hindi man lang kami nakapaglinis ni Andy. Look at the kitchen sink, so messy." Napatawa naman ito at bahagyang inayos ang buhok ko.

"Nandito na ako kaya ako na ang maglilinis." I hug her.

Bakit ba napakabait niya. Napatikhim naman si Andy sa likuran namin.

"Food is here. Kumain na tayo ng makapag-review na kayo." Inilapag niya lahat ng supot ng pagkain. Naupo na kaming tatlo sa sofa.

"Ang bigat naman nito Andy." Puna ni Nel sa hawak niyang supot at aakmang bubuksan ito. Nagtataka akong napatingin kay Andy. Napatampal ito ng noo niya.

"Ah! Vitamins ko 'yan!" Anito sabay bawi sa supot.

"Ay sorry." Nel said.

"Wala iyon, kain na tayo." Ani Andy.

Napatiim-bagang ako. Muntik na akong mahuli. Alam na alam pa naman niya ang ganitong klase ng gamot. Napakamot nalang si Andy sa batok niya nang matingnan niya ako.

"Enzo, hindi ka ba kakain?" Nel said.

"Busog pa ako, Nel. Kakain nalang ako mamaya." Pagdadahilan ko.

Ang totoo, wala akong ganang kumain at isa ito sa mga sintomas ng sakit ko. It was like the old times, fighting for it to leave. God gave me a second chance but I guess, third chance now is a little bit hard to get.

"Sigurado ka ba na ayaw mo?" Ani Nel.

"Yeah. Kakain ako mamaya kapag nagutom ako." Sagot ko.

She smiled and continue eating her breakfast. I look at Andy, he was giving me a worried face. I just smiled.

"Nel, ayos lang ba kong matulog muna ako. Medyo napuyat ako kagabi. Take your time to review na lang muna."

"Oo naman, sige." Tumayo na ako at agad siyang hinalikan sa noo niya.

Kinuha ko iyong supot na itinabi ni Andy at pumasok na sa kwarto ko. Kinuha ko iyong mga laman ng supot at ininum na ang mga gamot ko. Itinago ko sa drawer ang mga bote ng gamot at buong puwersa na napahiga sa kama.

"Makakaabot pa kaya ako sa board exam..." I whispered.

BUT ONLY LOVE CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon