[BOLCT-THIRTY-EIGHT]
MARINEL'S POV
Naalimpungatan ako dahil sa malakas na pagkatok sa pinto ng kwartong okupado ko.
"Nel! Lumabas ka diyan!" Napakunot-noo ako dahil sa narinig ko.
Ano na naman kaya problema nitong magaling kung pinsan! Lumapit ako agad sa pinto para buksan ito.
"Ano---"
Napahawak ako agad sa pisngi ko dahil sa sampal na natanggap ko mula sa kanya.
"Malandi ka!" Paratang nito sakin.
"Hindi ako malandi!" Matapang na sagot ko.
"Talaga lang huh!? Sinira mo ang pag-asang maging kami ulit! Anong klaseng pinsan ka!" Para yatang sasabog na ako dahil sa mga paratang niya.
"Ako pa ngayon ang mali? Sino ba ang nagsinungaling sa atin? Sino ba ang palaging tumutulak sa kanya palayo! Sino ba ang pinagmukha siyang tanga at pinaasa! Hindi ba't ikaw lahat ay may gawa ng iyon. Kaya huwag mo kung sumbatan na parang ikaw nalang ang laging tama. Hindi sa'yo umiikot ang mundo!" Bwelta ko.
Akma na naman niya sana akung sasampalin pero nasalag ko iyon.
"Huwag mo kung piliting patulan ka dahil baka hindi kita kilalaning pinsan ko." Banta ko. Binawi naman niya ang kamay niya.
"Hindi pa tayo tapos! Hindi ako magpapatalo sa isang gaya mo!" Huling ani nito bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Paano niya kaya nalamang nandito ako. Nanlulumo akung napaupo sa kama. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para lumaban sa kanya. Ang nararamdaman ko lang ngayon ay para akung nabunutan ng tinik. Pakiramdam ko ay malaya na akung gawin ang mga bagay na gusto ko. Bumukas naman ang pinto at iniluwa nito si Enzo na may dalang pagkain.
"Ayos ka lang ba?" Tanong agad nito.
"Ha? Oo naman." Sagot ko agad.
"Tara, kumain na tayo." Yaya nito sakin.
"Sige." Matipid kung sagot.
Halos wala kaming imikan ni Enzo habang kumakain. Hindi pa rin ako makapaniwalang nasa harapan ko lang siya ngayon, na kung dati hinihiling ko lang ito sa Diyos.
*****
Kinabukasan...
Sa sobrang sarap iyong ganito parang ayaw ko ng bumangon pa. Magkatabi kaming natulog ni Enzo. Pansin ko lang na nagiging mas sweet ito lalo sakin. Iyon bang parang ayaw na niyang mahiwalay pa sakin.
"Gising na lovebirds! Mahuhuli na tayo sa biyahe!" Tawag ni Andy mula sa labas ng kwarto namin. Napaungol naman itong si Enzo at dahan-dahang napadilat ng mata.
"Morning..." Nakangiting bati nito sakin.
"Morning..." Tugon ko din naman.
"Kamustang tulog mo?" Aniya.
"Kumportable kahit nahihiya ako sa'yo." Tapat kung sabi. Napatawa naman ito.
"Kunwari ka pa, gusto mo lang akong katabi." Asar niya.
"Hindi ah!" Maang ko. Napahagalpak ito ng tawa at tuluyan ng bumangon.
"Una na ako sa banyo." Biglang paalam nito.
Tumango lang ako at tumayo na rin. Inayos ko ang mga gamit ko ng bigla nalang akong nakarinig ng kalabog sa banyo. Napatayo ako at napalapit sa pinto. Kinatok ko si Enzo sa loob.
"Enzo, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko.
"Nel, pakitawag si Andy. Please..." Narinig kung utos ni Enzo sakin mula sa loob ng banyo.
"Okay, sandali lang." Kumaripas na ako ng takbo kay Andy na nasa parking lot na at bigla din akong kinabahan.
"Oh Nel, may problema ba?" Salubong sakin ni Andy. Huminga muna ako ng kaunti.
"Si Enzo kasi, nasa banyo...tapos ikaw hinahanap." Kinakapos hininga kung paliwanag.
Napatakbo naman agad si Andy pabalik sa loob ng Hotel. Kinakabahan na talaga ako. Diyos ko po, sana naman ay maayos lang siya.
ENZO'S POV
Oh god! Please not now! Bigla nalang kasing nanghina ang mga tuhod ko at pati na ang katawan ko. Napaupo na ako sa sahig ng banyo dahil sa sobrang panlulumo ng katawan ko. Isama mo pa ang biglaang pagsakit ng katawan ko.
"Tol! Nandito na ako! Buksan mo ang pinto!" Andy said. Thank god he's here. Pinilit kung pagbuksan siya ng pinto. This pain is really killing me!
"Pain killer..." Nanghihina ko ng sabi.
Mabilis akung binuhat ni Andy at pinahiga sa kama. My eyes are starting to get blurry. Gusto kung sumigaw sa sobrang sakit pero pinipigilan ko. Andy started to get panic. He's teary-eyed too.
"Tol, sandali lang." I heard Andy said.
Pinilit kung idinilat ang mga mata ko. Nakita ko na nakaturok na sakin 'yong pain killer.
"Andy! Enzo! Ayos lang ba kayo diyan!" Tawag ni Nel mula sa labas.
"Iwan mo muna kami Nel, may pag-uusapan pa kami." Andy answered.
Narinig ko ang mga yabag ng paglayo nito.
"Nel..." Mahinang tawag ko. Paulit-ulit ko na tinatawag ang pangalan ni Nel hanggang sa mawalan na ako ng malay.
*****
"Nel!" Biglang naisambit ko.
"Sshh..." Senyas niya sakin.
Nakahiga ako sa lap niya at
panay ang paghaplos nito sa buhok ko.
"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong nito sakin.
Napabangon ako at umayos ng pag-upo. Nasa biyahe pa din pala kami. Tulog na tulog din si Andy at Veronica.
"Enzo..." Bumaling ako kay Nel.
"Okay lang ako." Nakangiti kung sagot.
"Bakit hindi mo sinabing may anemia ka. Kinabahan ako kanina ng sobra." Aniya.
Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Anong anemia?
"Who told you?" Naguguluhan kung tanong.
"Si Andy, binuhat ka pa niya kanina. Akala ko talaga may nangyaring masama sa'yo." Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo niya. Hinayaan niya lang ako na yakapin siya.
"Mahal na mahal kita, Nel." Naisambit ko. Ramdam ko ang pagkapit niya sa damit ko.
"Mahal din kita, Enzo." I will undergo whatever it takes.
BINABASA MO ANG
BUT ONLY LOVE CAN TELL
ChickLitBut Only Love Can Tell. Kayanin kaya niya ang lahat ng dagok na darating sa buhay niya? Kakayanin kaya niyang tanggapin ang ang salitang.... "I can't be with you...anymore." Kakayanin niya kayang tanggapin na kailanman hindi na mababago ang lahat? O...
