[BOLCT-SEVENTEEN]

3.3K 85 0
                                    

Marinel

'I REALLY love you Nel'. Natigilan ako sa narinig ko. Ni hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. Pakiramdam ko, nanlalambot ang mga tuhod ko. Ewan ko ba! Parang ang saya ng pakiramdam ko. Oo nga't wala lang iyon pero dito sa loob-loob ko, parang may sumabog na fire works.

"Hoy! Ang astig lang, naka-electric fan ka naman pero mukha mo asuete," asar pa ni Nica sa akin at padapang nahiga sa kama ko.

Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko.

"Mainit lang siguro," pagdadahilan ko.

Ayaw kong aminin na dahil ito sa sinabi ni Enzo. Kinikilig yata ako. Ako na ang abnormal. Ni 'di ko nga alam kung ano ba ang pakiramdam kapag may crush ka.

"Mainit ba o? May nasabi sa 'yo 'yang kausap mo sa telepono," aniya pa at sinulyapan ng tingin ang hawak kong phone. Sapol! Mabilis kong itinabi ang phone ko.

"Wala ah! Aalis na ako." Nagkukumahog akong pumasok agad sa banyo.

Bakit ba napakausisera na niya ngayon? Pinalis ko na lamang sa utak ko ang mga bagay na bumabagabag sa akin.

MAAGA akong nagising dahil sa tindi ng paghihilik ni Nica. Papungas-pungas akong napalapit sa kanya at tinapik siya sa balikat niya.

"Hmm," ungol nito.

"Nica bumangon ka na," sabi ko pa at niyugyog ang balikat niya.

Bumaling naman siya sa ibang direksyon at nagtakip ng unan sa mukha.

"Day off ko. Hatid ko na lang lunch mo mamaya," mahina niya pang sabi.

Nagkibit-balikat na lang ako at nag-ayos na ng sarili ko. Nang matapos ako ay nagmadali na ako agad para makasakay na ng jeep. Laking gulat ko nang may humintong 'di kilalang sasakyan sa harap ko kaya napaatras ako ng konti. Bumaba naman 'yong driver. Napakunot ako ng noo.

"Andy?" gulat kong sambit.

"Hi Ms. Universe," nakangisi niya pang bati sa akin.

"Ms. Universe ka riyan," sabi ko pa at napatawa ng mahina dahil sa biro niya.

"Nah! Hop in. Late na tayo sa school." Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi niya.

"Nako Andy huwag na," tanggi ko pa.

"Sige na Marinel. May gusto rin kasi akong sabihin sa 'yo," aniya at biglang sumeryoso ang mukha nito.

"Sige," sang-ayon ko na lang at pumasok na sa loob ng kotse.

Nagtataka man ako at nag-aalangan pero baka kasi importante ang sasabihin niya.

"Uhurm..." Narinig kong tikhim niya kaya napalingon ako sa kanya.

"Gosh! Ms. Universe ang ganda mo, nakakainggit!" biglang wika ni Andy. Tonong bakla ang pagkakasabi niya. Napahagalpak ako nang tawa.

"Anong nakain mo?" tanong ko pa.

"Nah! Just making the atmosphere smooth. Baka mailang ka kasi sa akin. You know, masungit ako sa school minsan," paliwanag niya.

Sabagay, tama nga siya na medyo naiilang ako. Bakit kay Enzo hindi? Ngumiti lang ako kay Andy.

"Paano mo nga pala nalamang doon ako nakatira?" pang-uusisa ko pa.

Bumaling naman siya sa akin ng tingin at agad na itinuon ulit sa harapan niya.

"Malapit lang naman ang bahay ko sa tinitirhan mo. Two blocks away lang," sagot niya. Napaisip ako saglit.

"Sa inyo ba 'yong bahay na may malaking bakod? Kulay asul ang gate?" mangha ko pang sambit nang maalala ko 'yong sobrang laki ng bahay na lagi kong nadadaanan sa tuwing uuwi ako mula sa trabaho.

"Yup," sagot niya.

Wow! Mayaman din pala siya.

"Nel?" pukaw niya sa akin.

Napabaling ako uli ng tingin sa kanya. Seryoso na ang mukha nito.

"Nel, please stop helping Enzo." Natigilan ako sa sinabi niya.

"You're just making him hopeless Nel. Nasasaktan ako sa tuwing nare-reject siya palagi ng pinsan mo."

Sinulyapan niya ako saglit at nakikita ko sa mga mata niya ang matinding awa. Parang pinipiga rin ang puso ko dahil sa mga sinabi niya.

"Gusto kong makitang masaya ang kaibigan ko Nel. Please? Don't help him just to win back the past, instead help him to move on." Napatigil naman siya at sinulyapan ako ulit.

"Nakikita kong malapit siya sa 'yo Nel at hindi malabong magkagusto siya sa 'yo."

Napatahimik lang ako lalo sa mga sinasabi niya. Naiintindihan ko ang gustong mangyari ni Andy pero ayaw kong pangunahan din si Enzo. Mahal na mahal niya ang pinsan ko. Napabuga ako ng hangin. Narinig ko naman ang pabukas ng pinto sa gilid ko. Agad akong lumabas.

"Nel, nakikiusap ako sa 'yo," pagsusumamo ni Andy sa akin.

"Susubukan ko Andy," sagot ko na lang.

Napauna na ako nang lakad papunta sa klase ko. Pansin kong nakasunod lang si Andy sa akin. Wala ako sa isip ko. Iniisip ko kung tama ba na tumulong pa ako? O ang ilayo ng tuluyan si Enzo sa pinsan ko. Pero alam kong mali ito. Hindi tama na ilayo ko ang isang taong ganoon na lang katindi ang pagnanasang maibalik pa ang kung anong mayroon sila dati. At wala akong karapatang ipagkait 'yon sa kanya.

"Uhmp!" impit na ungol ko nang mabangga ako sa kung anong bagay.

Pag-angat ko ng tingin, halos hindi ko magawang makaalis agad sa posisyon namin. Halos magkalapit na ang mga mukha namin at malapit ng maglapat ang aming mga labi. Napalunok ako at pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko.

"Okay ka lang ba?" pukaw na tanong niya sa akin.

Napaatras ako agad nang mapagtanto ko kung ano ang nangyari.

"Enzo... Ayos lang ako," nagkanda putol-putol kong sagot. Ngumiti naman siya ng sobrang lapad.

"You sure? Wala ka sa isip mo," aniya.

"Oo n-naman," sagot ko habang napapatango.

"Aakyat na ang langgam kapag hindi pa kayo pumasok," natatawa pang bungad ni Andy sa amin at sa gitna pa siya mismo dumaan.

Makahulugan din niya akong sinulyapan saglit at tuluyan nang pumasok sa loob. Napabuntong-hininga ako. Siguro ay tungkol na naman ito sa napag-usapan namin kanina.

"Tara na Nel," gayak sa akin ni Enzo at hinila pa ako. Pareho na kaming umupo sa puwesto namin.

BUT ONLY LOVE CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon