[BOLCT-FORTY-NINE]

3.6K 84 5
                                    

[BOLCT-FORTY-NINE]

MARINEL'S POV

Halos madurog ang puso ko sa narinig ko mula sa kanya. Napailing ako ng matindi. Todo na din ang aking pag-iyak na para bang walang ng bukas.

"Gagaling ka pa..." Halos namamaos ko ng wika rito. Mapait itong napangiti at naupo sa kama.

Hinila niya ako at kinandong. Niyakap niya ako ng mahigpit at isiniksik ang mukha nito sa leeg ko. Doon na ito umiyak ng matindi habang mahigpit na napapayakap sakin.

"I can't be with you anymore, Nel." Halos pabulong na nitong wika sakin. Nahihirapan na din akong huminga dahil sa sikip at sakit ng dibdib ko. Hindi ko kakayanin!

"Magpa-test tayo ulit..." Muling usal ko kahit halos hindi na kami magkarinigan dahil puro iyak nalang kaming dalawa.

"Gusto kitang makasama Nel. Even if only just a few days left." Napahagulhol akong muli sa sinabi niya.

"Ang unfair mo naman eh! Kung kailangan gra-graduate na tayo, saka ka naman bi-biyahe sa langit. Madami ba pasyente doon?" Biro ko pa kahit hindi ko na kaya ang tumawa o ngumiti man lang. Hinalikan naman niya ako sa noo.

"Si Sanpedro ang una kong pasyente." Natatawa at naiiyak nitong sagot. Napahilig ito sakin at panay pa din ang pag-iyak nito.

"Mahal na mahal kita, Nel." Napatingala ako at huminga ng kay bigat.

"Mahal din kita ng sobra." Masuyo kong hinaplos ang pisngi nito na basang-basa na sa kakaiyak.

Umalis ako sa pagkakandong rito at hinila siya mahiga sa kama na katabi ko. Inunan ko ang braso ko sa ulo niya.

"Tatagal ka pa..." Nahihirapan kong wika. Ramdam ko ang bawat paghinga nito sa leeg ko.

"Saan mo gustong pumunta?" Tanong nito sa halip na sagutin ang sinabi ko.

"Enzo naman..." Pumantay ito sakin sa paghig at ang kanyang braso naman ang iniunan sakin. Halos gusto nang pumikit ng mga mata ko dahil sa sobrang maga nito.

"Gagawin kong best ever bucket list ang natitira ko pang buhay para sa iyo Nel." Napaiyak na naman ako ng husto.

Sa sobrang sakit isipin na mawawala siya sakin ay hindi ko matanggap. Hindi ito ang inaasahan ko sa relasyon namin. Ginagap nito ang kamay ko at masuyong dinampian ng halik.

"Wala tayong forever." Naisambit ko. Mapait itong napangiti sakin.

"You do have Nel, but not with me. Only your love and disteny can tell it." Ikinulong ako nito sa mga bisig niya.

"Kaya ba wala tayong status kasi ganito ang mangyayari?" Napahagulhol na naman ako ng matindi.

"It's better to be that way Nel. You won't take any burden and pain in your heart too much." Napasinghot ito.

"Ang...unfair..." Kinakapos na hininga kong ani.

"Life is always unfair Nel." Aniya.

"Paano ang parents mo?" Maluha-luha kong ani.

"They knew it Nel. It's quite not too surprising for them to know that I am sick again but they are always ready to let go of me." Kung ganoon ay matagal na nilang tanggap. Napapikit ako ng mariin.

"Enzo huwag kang matutulog. Huwag muna." Pakiusap ko.

"I won't Nel."

Buong oras kaming magkayap na para bang ito na ang huling araw namin sa isa't isa. Napakasakit isipin na kung kailan ay nakahanap na ako ng magmamahal sakin, saka pa naman kukunin agad ng Diyos. Masakit isipin na mawawalan na naman ako ng minamahal. Para yatang napakalaki ng galit ng poong maykapal sakin at kinukuha niya lahat ng minamahal ko. Napaka-unfair ng Diyos.

*****

Pasado ala-sais na ng hapon ng magising ako. Ganoon pa rin ang ayos naming dalawa ni Enzo. Nakayakap pa din ito sakin at payapang natutulog. Ingat na ingat kong hinaplos ang mukha nito at heto na naman ang mga luha ko. Ilang araw ko nalang masisilayan ang mukha nito at napakasakit iyon sakin. Mas masakit ito kumpara sa makipag-agawan sa pinsan ko.

"Masama akong titigan." Biglaang wika nito at dahan-dahan na napadilat.

"Ano ba ang mangyayari?" Kunwari ko pang tanong at pinahiran ang aking luha.

"Mawawala ako na parang bula." Nahampas ko ito sa braso niya nang hindi kalakasan.

"Huwag ka nga magsalita ng mga ganyan. Masakit eh! Sobra." Muli na naman akong napaluha at siya na din ang nagpahid nito.

"Bawal umiyak ng sobra sa isang oras, alam mo ba iyon?" Napatango ako.

"Tahan na." Napabangon ito at hinila din niya ako.

Muntik na itong matumba, mabuti nalang at nahawakan ko siya agad sa braso.

"Kung dati kayang-kaya ko ipakita sa'yo na maayos ako. Ngayong alam mo na, parang ang katawan ko na mismo ang nagsasabing hindi ko na kaya." Natatawa pa niyang sabi. Pinipigilan kong mapahagulhol sa sinabi nito.

"Kaya mo, nandito ako." Pagpapalakas ko ng loob sa kanya.

Tumunog naman ang cellphone nito.

"Sandali..." Paalam ko saglit at kinuha ang cellphone niya na nasa sala.

Nakapatong ito sa center table at patuloy ito sa pag-ring. Dinampot ko ito at bahagyang pinindot ang screen. Natutup ko ang bibig ko at pinipigilan ang sariling mapahikbi. Oras na ng gamot niya. Napalunok ako at inayos ang sarili ko. Pumasok akong muli sa kuwarto niya. Nakasandal na ito sa headboard ng kama habang nakapikit. Kinuha ko ang mga gamot niya at iniisa-isa itong tinanggal sa pakete. Pumunta din ako sa kusina para kumuha ng tubig.

"Enzo..." Pukaw ko rito. Napadilat ito at napangiti. Kahit may sakit ay nagagawa niya pa din ang ngumiti.

"So, I have a new nurse." Turan nito. Napanguso ako.

"Ako lang at walang sinuman ang puwede." Sagot ko.

Kinuha nito ang mga tabletas sa kamay ko, pati na ang tubig na hawak ko at ininom itong lahat.

"Gusto mong kumain sa labas?" Yaya nito bigla.

"Masama na sa'yo ang lumabas." Napailing naman siya at napatawa ng kaunti.

"Wow? Ang dami ko na palang bawal ngayon."

Hindi ko napigilan ang mapaiyak muli. Nahihirapan ako sa nakikita ko. Napaubo naman siya bigla. Kinuha ko ang tubig at muli siyang pinainom pero wala iyong epekto. Ubo pa rin siya ng ubo hanggang sa natigilan na ako sa nakita ko. Umubo na ito ng dugo.

"Enzo!" Mabilis akong napatayo at kinuha ang cellphone nito.

Hinablot ko ang kumot nito at itinakip sa bibig niya. Tinawagan ko na din si Andy. Nakailang ring pa bago ito sagutin ni Andy.

"Andy! Si Enzo...ka-kailangan ko ng ambulansya!" Nangingig kong sabi rito.

Hindi na nakuha pa ni Andy ang makipag-usap sakin. Narinig ko nalang sa kabilang linya ang pagkaripas nang takbo nito.

"Nel..." Napabaling ako kay Enzo.

"Wala lang 'to Nel..." Nanghihina nitong wika. Napailing ako.

"Dadalhin ka namin ni Andy sa hospital." Umiling-iling naman siya.

"Okay ako---" Bumukas naman ang pinto ng kuwarto ni Enzo at bumungad samin si Andy.

"Ano'ng nangyari Nel!?"

"Andy tulong!" Umiiyak kong sabi rito.

Binuhat niya agad si Enzo para madala namin sa hospital.

BUT ONLY LOVE CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon