[BOLCT-THIRTY-SIX]
MARINEL'S POVNagtatawanan kami ni Nica sa mga old memories namin. Naki-join din si Andy sa kakulitan naming dalawa. Ngunit kahit anong gawin kung pagtawa at pag-ngiti, nando'n pa din 'yong sakit. Muntik ko ng yakapin si Enzo kanina ng malaman kung may nangyari sa kanya. Ang tanga ko lang!
"Nel, mag-usap tayo." Biglang sulpot ni Enzo sa harapan namin.
"Naku Nel, may iniutos pa samin si Doc. Arellano!" Sabi bigla ni Veronica sabay kaladkad kay Andy.
"Oy! Bakit pati ako?" Angal pa ni Andy.
Kinutusan nalang siya ni Nica at tuluyan ng lumayo samin. Mabilis naman akong hinila ni Enzo pasakay ng kotse. Nasaktan ako sa ginawa niyang paghawak sa braso ko pero hindi ako umimik. Tahimik naming binagtas ang daan. Kinakabahan ako sa kanya.
"Nel, ano bang ginawa mo? Bakit nagawa mo 'yon?" Pagpipigil ng pagtataas ng boses nito.
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan ko pang tanong. Pinalo niya 'yong manibela ng malakas kaya mas lalo akong nagulat at nagtaka.
"Will you please tell me! Ano ba ang problema mo!" Bulyaw nito. Umakyat ang kulo ng dugo ko sa iniasta niya.
"Si Moana na naman ba!" Bulyaw ko din.
"Of course it's her!"
Bwesit!
"Ibaba mo ko!" Utos ko.
Natigilan naman siya.
"Hindi puwede!" Mas lalo akong nagalit sa ginawa niyang pagtanggi.
"Talagang tatalon ako kapag hindi mo 'to inihinto!" Pagbabanta ko.
Labag sa loob niyang inihinto ang sasakyan. Agad akong bumaba at nagsimula ng maglakad palayo. Doon na nag-unahang tumulo ang mga luha ko.
"Nel, ano ba!" Pigil nito sakin at sapilitan akung iniharap sa kanya.
"Tinatanong mo ko kung ano problema ko? Ikaw ang problema ko!" Singhal ko. Nalukot ang mukha nito.
"What?! You're the problem! Bakit mo sinampal si Moana and worst pinagbintangan mo pa siyang tumulak sa'yo sa pool." Paratang niya.
Napanganga ako sa bintang niya. Isang malutong na sampal ang binigay ko sa kanya.
"Ang kapal ng mukha niya para pagbintangan ako!" Umiiyak kung sabi at muling lumakad na ulit pero pinigilan na naman niya ako.
"Tell me why you are acting like this!" Itinulak ko siya. Sakto namang bumuhos ang malakas na ulan. Ang malas ko nga naman talaga!
"Bakit!? Kasi mahal kita! Alam mo ba kung gaano kasakit sakin 'yon! Paano ko siya kakausapin kung mahal na kita! Kailanman ay hindi ko iyon gagawin! Hindi ko siya kinausap o magmakaawa na balikan ka niya! Noong tinanong mo ko kung bakit ako umiiwas, kasi mahal na kita! Kasi nasasaktan ako sa tuwing kasama mo siya! Na dapat ako 'yong nandoon eh! Ako ang laging nasa tabi mo pero iba naman ang hinahanap mo! Iyon ang mas masakit!" Paglalabas ko ng sama ng loob. Tahimik lang siyang nakikinig sakin. Parang pilit nitong iniintindi ang mga hinaing ko.
"Alam mo ba kung gaano kasakit ang umasa, na sana ako nalang! Umasa akung makakalimutan mo siya, kasi sabi mo kakalimutan mo na siya, 'di ba? Pero nagkamali ako! Dahil sa isang simpleng pagsisinungaling niya lang nadala ka na agad! Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon! Gusto kung sabihin sa'yo na nagsisinungaling lang siya pero sa tuwing nakikita kitang masaya, nakokonsensya ako!"
Nanatiling nakatitig lang si Enzo sakin. Hindi ko maintindihan kung ano din ang nararamdaman niya sakin dahil blangko ang mukha niya. Napahikbi ako. Pakiramdam ko ay kinakapos ako ng hininga.
"Ngayon alam mo na kung anong problema ko. Layuan mo na ako." Huling salita ko bago tuluyan ng umalis. Kakalimutan na kita Enzo, kahit mahaba pa ang proseso nito, kakayanin ko.
BINABASA MO ANG
BUT ONLY LOVE CAN TELL
ChickLitBut Only Love Can Tell. Kayanin kaya niya ang lahat ng dagok na darating sa buhay niya? Kakayanin kaya niyang tanggapin ang ang salitang.... "I can't be with you...anymore." Kakayanin niya kayang tanggapin na kailanman hindi na mababago ang lahat? O...