[BOLCT-FOURTEEN]

3.2K 89 0
                                    

[BOLCT-FOURTEEN]

Marinel

ITINAGO ko agad ang phone ko sa bag nang mapansin kong papalapit na rito sa kinauupuan ko ang pinsan ko.

"Problem?" nakangiti niyang tanong sa akin at inabutan ako ng burger na binili niya mula sa food stall na malapit lang dito sa park.

"Salamat," tipid kong ani.

Kinakabahan ako na ewan! Napatingkayad ako, tinatanaw ko kasi kung nakarating na ba si Enzo dito mismo sa usapan namin.

"Nel? May hinihintay ka ba?" untag sa akin ng pinsan ko.

"Ah? Opo," sagot ko at bumalik nang tanaw sa entrance ng park.

Laking tuwa ko nang matanawan ko ang sasakyan ni Enzo. Huminto ito sa tapat namin. Parang sa paningin ko ay parang huminto ang oras at ang mga taong nakapaligid sa akin. Pagbukas pa lang ng pinto, pati na ang paghakbang ng isang paa niya palabas ay para bang sing bilis ng car racing ang pagtibok ng puso ko. Hanggang sa makababa siya ng tuluyan sa sasakyan. Nakasuot siya ng kulay asul na t-shirt, cargo pants, pinarisan pa ng rubber shoes. Laglag panga pa ang napakaguwapo niyang mukha. Pero hindi sa akin nakatuon ang paningin niya, kundi sa pinsan ko na katabi ko lamang. Para namang pinipiga ang puso ko dahil sa biglaang pagkirot nito. Napapilig ako ng aking ulo.

"Ano ba nangyayari sa 'yo, Nel!" naibulong ko sa sarili ko.

"Nel!?" pukaw sa akin bigla ni ate Moana.

"Po?" sagot ko pa ng wala sa katinuan.

"What the hell is he doing here?!" nagpipigil taas boses pang tanong niya sa akin.

Pinakalma ko ang sarili ko at umakto na para bang wala akong alam tungkol sa kung anong mayro'n sa kanilang dalawa.

"Bakit, ate? May lalakarin kami e, pagkatapos natin dito," pagdadahilan ko. Para naman siyang natigilan.

"Okay," alanganin niya pang sagot.

"Nel?" tawag naman sa akin ni Enzo.

Kumaway ako, saka naman siya napalapit agad.

"Hi?" ngiting-ngiti pang bati ni Enzo sa pinsan ko.

"Hi," tugon din naman ng pinsan ko.

Bakas sa kanyang mukha na napipilitan siyang pakitunguhan si Enzo. At para rin akong tanga na pinipigil na tapunan ng matagal na tingin si Enzo. Baliw na nga yata ako. Umayos ako nang upo.

"Enzo ikaw muna bahala ha? May bibilhin lang ako," pagdadahilan ko para naman magkasarilinan silang dalawa.

Hindi ko na hinintay pang sagutin ako ni Enzo. Agad na akong naglakad palayo. Nang makasigurado akong 'di na sila nakatanaw sa akin ay agad akong nagkubli sa malaking puno. Dito sa puwesto ko ay tanaw ko sila. Mukha pa silang nagkakailangan na dalawa. Pero 'di kalaunan ay nag-uusap na silang dalawa. Napasandal ako sa punong pinagkukublihan ko. Pinipilit kong pinakakalma ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay 'di ako makahinga. Tumunog naman bigla ang phone ko kaya mabilis ko itong dinukot sa bulsa ko.

"Oh? Napatawag ka?" sagot ko kay Veronica na nasa kabilang linya.

"Kumusta ang match maker?" may halong pang-aasar pa sa tono niyang tanong sa akin.

"Tsk! Hayon, mukhang ayos naman silang dalawa," sagot ko sabay silip ulit sa kinalalagyan nila Enzo.

"Sigurado ka ba talaga sa ginagawa mo, Nel?" seryosong tanong sa akin ni Veronica.

"Oo naman," matipid kong sagot. Narinig ko siyang napabuntong-hininga.

"Nel nag-aalala ako sa 'yo. Wala kang karanasan sa ganito. Hindi ka naman si Wonder Woman e. Talaga bang nakinig ka sa ipinayo ko sa 'yo? Hindi lahat ng tulong ay kailangan mong suklian. Minsan, sapat na ang salitang 'pasasalamat'," mahaba niyang lintanya sa akin.

"Nica naman. Hayaan mo na ako rito. Gusto ko lang naman makatulong din," dipensa ko. Rinig ko na parang napapapadyak siya.

"Ay nako! Oh siya sige. Mag-iingat ka riyan. Umuwi ka ng maaga. May klase ka pa bukas," bilin niya.

"Okay po," tipid kong sagot at ibinaba na 'yong tawag. Napahugot ako muli ng malalim na hininga.

BUT ONLY LOVE CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon