[BOLCT-THIRTY-TWO]

3K 88 0
                                    

[BOLCT-THIRTY-TWO]

MARINEL'S POV

Kanina ko pa gustong maluha pero pinipigilan ko lang. Kitang-kita ko ang paghawak ng kamay ng pinsan ko kay Enzo kanina. At para bang ang saya nilang dalawa. Mas lalo akung nangamba. Paano kung sila na? Paano kung nagkaayos na nga silang dalawa? Napahugot ako ng malalim na hininga. Pansin kung kanina padin nagpipigil ang dalawang 'to sa galit at hindi ko alam kung bakit.

"Nakakabwesit! Diyos ko naman!" Litanya nito Veronica.

"This is ridiculous!" Sabi din naman ni Andy.

"Andy may---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang bumungad si Enzo sa harapan namin. Natahimik naman bigla si Nica at Andy.

"Can I talk to you, Nel?" Aniya. Napatayo ako.

"Oo naman, may sasabihin din ako." Sagot ko.

Gusto ko ng magtapat sa kanya bago pa mahuli ang lahat. Nauna akong naglakad at tumigil sa may harap ng isang kubo. Malayo ng kunti sa mga tao.

"Enzo gusto ko san--" Napatigil ako dahil bigla niya akung niyakap.

"Nel, thank you for doing that to me and I really owed you a lot." Masayang sabi pa niya sakin. Napakunot ako ng noo.

"Para saan?" Nagtataka kung tanong. Hinawakan naman nito ang dalawa kung kamay.

"Para magkabalikan kami ni Moana. Kinausap mo siya, then it work out. Kami na Nel." Aniya.

Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon at kasama na doon ang matinding galit. Kailanman ay hindi ko gagawin 'yon! Pinakalma ko ang sarili ko.

"Congrats!" Nakangiti kung sagot kunwari. Ngumiti lang ito ng malapad.

"Nga pala may gagawin pa ako Enzo."

Tumalikod na ako. Anytime, babagsak na ang luha ko. Ang kapal ng mukha niya para gumawa ng kwento! Pinsan ko nga ba talaga siya!?

"Nel!" Tawag sakin ni Enzo kaya napahinto ako.

"Ano nga ulit 'yong sasabihin mo?" Tanong niya sakin pero nanatili akung nakatalikod.

"Wala 'yon, Enzo." Bahagya pa akung humarap ng kunti at ngumiti.

Nagsimula na akong maglakad palayo sa kanya at doon na tumulo nang tuluyan ang mga luha ko. Para akung mamamatay sa sobrang sakit.

"Nel..." Salubong sakin ni Nica.

Napatakbo ako agad at napayakap sa kanya.

"Sshh..." Alo niya sakin.

"Huli na ako." Humihikbi kung sabi.

"Nel, kaya mo 'yan. Makakalimutan mo din 'yang nararamdaman mo, so soon. Iiyak mo lang 'yan." Napahikbi ako lalo.

Paano ko siya kakalimutan kung araw-araw kami magkasama sa school. Kung araw-araw ko siyang makikita. Paano mawawala ang sakit na nararamdaman ko kong napaka-unfair ng tadhana.

*****

Buong araw akong matamlay at walang gana kung kumilos. Halos namamaga na din ang mga mata ko, mabuti nalang din at nakatulong sakin 'yong sunglass na suot ko.

"Nel, umuna na kaya tayong umuwi? Pahatid tayo kay Andy kung gusto mo." Suhistyon ni Nica na nasa tabi ko lamang buong araw. Napakagat-labi ako at mapait na napangiti ng kunti.

"Huwag na Nica. Malapit na rin naman tayong matapos. Nakakahiya din naman kay Doc. Arellano." Sagot ko.

Napabuntong-hininga ito at marahang tinapik ang balikat ko. Itinuloy ko nalang ang paglilipit para tuluyan nang matapos.

"Nel..." Biglaang sulpot ni Enzo sa likuran ko.

"Ah...ano...Enzo may gagawin pa ako. Mamaya na tayo mag-usap." Agarang salungat ko.

Kinuha ko agad 'yong box ng mga gamot para itago sa tent. Tinalikuran ko na siya at nagsimula ng maglakad palayo. Gusto na namang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko maiwasang masaktan sa tuwing naiisip ko siya habang masaya sa pinsan ko. Dahil sa pesting istoryang 'yon na gawa-gawa ni Moana! Padabog kong inilapag 'yong box.

"Saan ka naiinis, sa pinsan mo o sa kanya?" Biglaang pagsulpot ni Andy sa gilid ko. Napasandal pa ito sa edge ng mesa at napahalukipkip.

"Anong alam mo?" Taka kong tanong.

"Hindi ako bulag at lalong hindi manhid. Alam kung mahal mo na si Enzo. Tanga ang kaibigan ko Nel at alam ko 'yon. Pero sana Nel, ipakita mo sa kanya na masaya ka. Gusto ko lang na makitang masaya ang kaibigan ko." Napaawang ang bibig ko sa mga sinabi niya.

"Nababaliw ka na!" Inis kung sagot at umalis sa harapan niya. Hindi ko maiwasang mabuwesit sa mga sinabi niya.

"Nel..." Biglang pigil ni Andy sakin at pinaharap ako sa kanya.
"Look Nel, I'm sorry. Alam ko, napaka-selfish ko para hilingin sa'yo 'yon. Gusto ko lang na maging masaya si Enzo." Pagsusumamo niya. Hindi ko na napigilang mapaiyak na naman.

"Gago ka ba! Gusto mo akong magpanggap na masaya! Masaya ba 'yong makita siyang may mahal ng iba! Mahirap 'yon Andy! Ang hirap!" Halos mawalan na ako ng lakas sa kakasuntok sa dibdib niya. Ramdam ko ang paghigpit ng yakap ni Andy sakin.

"Nel, I don't want to do this. Gustuhin ko man ding sabihin sa'yo ang dahilan pero hindi pwede." Malungkot nitong sabi.

Mabilis akung kumalas sa kanya. Gusto kung mapag-isa. Hindi ko talaga makuhang intindihin si Andy. Ayaw pumasok sa kukute ang gusto niyang ipagawa sakin at tanging sakit lamang ang nararamdaman ko ngayon. Mabilis akong naglakad palayo. Palinga-linga ako sa paligid ko. Hinahanap ng mga mata ko si Nica. Sana nakinig nalang ako sa kanya kanina. Bakit kasi ang tigas ng ulo ko! Panay ang pagpahid ko sa mga luha ko. Nakatungo na ako habang naglalakad ng may mabunggo ako.

BUT ONLY LOVE CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon