[BOLCT-TWELVE]

3.5K 107 4
                                    

[BOLCT-TWELVE]

Pagbalik ko sa kitchen area...

"Bilhin mo nga 'to sa convenience," maarte pang utos sa akin ni Aira sabay tapon ng papel sa akin.

Napailing na lang ako at agad na hinubad ang apron ko. Nang makalabas ako, agad kong binaybay ang daan. Nasa kabilang kalye pa kasi ang convenience store. Sa paglalakad ko, may naringgan akong nagtatalo pero binalewala ko lang 'yon hanggang sa natapat na ako sa kanila.

Napatigil ako sa gulat.

"Babe, please? Come back to me. Let's start again. Pag-usapan natin 'to," pagmamakaawa ni Enzo.

Parang pinipiga ang dibdib ko sa 'di malaman na kadahilanan. Laking gulat ko nang biglang buhusan ni ate Moana si Enzo ng tubig mula sa hawak nitong mineral water.

"Magpalamig ka muna ng ulo. Baka 'yan matauhan ka na 'di ba!? Tapos na tayo!" bulyaw ni ate Moana sa kanya at agad na sumakay sa kotse nito.

Gulat man at wala sa katinuan pero mabilis akong lumapit kay Enzo at pinahiran ang basa niyang mukha gamit ang panyo ko. Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko at agad napayakap sa akin habang umiiyak. Naninikip ang dibdib ko sa bawat paghikbi niya. Para bang pati ako ay nasasaktan. Kaya pala ganoon na lang ang tagpo nila noong nakaraan. Ex-girlfriend pala ni Enzo si ate Moana. Hinagod ko na lang ang likod niya para naman gumaan ng konti 'yong pakiramdam niya. Iyak lang siya nang iyak at hindi ko alam kung kikibo ba ako o kung ano. Unang beses na mangyari ito sa akin. Masakit pa lang makita ang isang lalaki na umiiyak. Para bang gusto kung akuin 'yong sakit na dinadala niya. Hindi man kami nagkakilala ng matagal na panahon pero itinuturing ko na siya bilang isa sa mga kaibigan ko.

ILANG minuto rin bago siya tumigil at kumalas nang yakap sa akin.

"Ka lalaking tao, umiiyak," tipid na asar ko pa at pinahiran ang luha niya sa pisngi.

"Sorry," nakayuko niyang sambit.

Tipid lang akong ngumiti at nagpatiuna na nang lakad habang hawak ang kamay niya. Foots spa! Iyong pinabibili pala sa akin ni Aira. Pasimple akong sumulyap kay Enzo na nakasunod lang sa akin. Mukhang wala talaga siya sa sarili niya. Nang matapat kami sa convenience store ay humarap ako sa kanya.

"May bibilhin lang ako," paalam ko.

Matipid lang siyang tumango. Patakbo akong nagtungo agad sa loob at binili 'yong mga nakalista sa papel. Nang makabalik ako kay Enzo, nakatungo lang siya. Hinawakan ko 'yong kamay niya at hinila na ulit pabalik sa dinaanan namin kanina. Wala pa rin siyang imik. Ewan ko ba, parang natatawa ako sa ginagawa ko ngayon. Para kasi siyang batang inagawan ng candy. Pagkarating namin sa coffee shoppe ay iniwan ko muna si Enzo sa labas at ipinasok 'yong mga dala ko.

"Aba! Hoy ikaw babae ka! Kanina pa kita hinihintay!" galit na salubong sa akin ni Aira.

Sasampalin na sana niya ako nang bigla na lang may kamay na pumulupot sa baywang ko at sumalag sa sampal sana na ibibigay ni Aira sa akin.

"Do it and I will fired you!" mariing banta ni...

"Enzo," anas ko.

"Aira!" singit ni Manager.

"Sorry po, sir Calvin. Nel, samahan mo muna si sir," sabi pa ni Manager sa akin.

"Ah, opo," nauutal kong sagot.

Agad ko namang hinila si Enzo palabas at dinala sa may malapit na park. Umupo kami sa lilim ng puno.

"Salamat pala kanina," panimula ko.

Tipid na tango lang ang nakuha kong sagot sa kanya. Napahugot ako ng malalim na hininga.

"Mahal mo talaga siya?" lakas-loob kong tanong.

"What's the use of keeping that question!? Just fuck! It's useless," inis niyang sagot.

"Kalma lang," sabi ko pa.

Ganito ba talaga kapag nagmahal ang isang lalaki? Sagad na sagad. Napaunat ako.

"Fine! Halata namang mahal na mahal mo ang pinsan ko. Kaya bilang bayad sa pagtulong mo sa akin sa upa sa bahay, sa trabaho ko, tutulungan kita sa pinsan ko," sabi ko pa.

Ewan ko ba! Pero parang labag sa loob ko itong sinasabi ko. Sa kabilang banda naman, ano nga ba ang pakialam ko. Buhay nga naman ay parang life. Bigla naman niya akong iniharap sa kanya.

"Are you serious? I mean, wala akong hinihinging kapalit sa pagtulong ko sa iyo Nel."

Inalis ko 'yong mga kamay niya sa magkabilang braso ko.

"At hindi rin ako nag-iipon ng utang na loob, Enzo," sagot ko.

"Deal or No deal?" hamon ko pa.

"Can I say both?" Sinimangutan ko siya.

"Alright!" sang-ayon din niya kinalaunan.

Tumayo na ako at ganoon din naman siya.

"May lakad kami bukas kaya dapat sasabay ka. Ite-text kita bukas, okay?"

"Thanks," tipid niyang sagot.

Ginulo ko lang ang buhok niya.

"Uuwi na ako. Nag-undertime pa naman ako sa trabaho. Bawas suweldo na naman 'yon," sabi ko pa.

"Nangungunsensya ka?" natatawa niya pang tanong.

"Huh? 'Di ah!" maang ko.

"Alright! Ako na bahala roon," aniya at inakbayan ako bigla.

Tipid lang akong napangiti at hindi ipinahalatang naiilang ako sa pag-akbay niyang 'yon. Kalma Nel! Pakiramdam ko ay pinagpapawisan na naman ako ng malamig. Siguro'y 'di ako sanay na may kaibigang lalaki na ganito ka-close.

BUT ONLY LOVE CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon