[BOLCT-TWENTY-NINE]
MARINEL'S POV
Gusto ko nang sabunutan si Nica. Nauna pang sumakay sa kotse at tumabi pa talaga kay Andy. Iba na talaga saltik niya.
"Nel..." Pukaw sakin ni Enzo na katabi ko ngayon, bale nasa unahan kasi si Andy at Nica naupo. Bumaling ako sa kanya.
"Bakit Enzo?" Sagot ko din naman. Napahugot ito ng malalim na hininga.
"Tama bang umasa pa ako sa kanya?" Seryosong ani niya pero pabulong.Bahagya akung nakaramdam ng kirot dito sa dibdib ko. Ang akala ko ba ay kakalimutan na niya ang pinsan ko. Bakit pakiramdam ko ay umaasa pa din siya.
"Walang masama kung umasa ka. Wala ding masama kung nagugulahan ka din ba. Nasa sa'yo pa rin naman ang desisyo, Enzo." Sagot ko.
Pakiramdam ko ay naghihirap ang kalooban ko.
"I hope this is will be better." Nakangiti niyang sagot.
Napabuntong-hininga ako. Bakit ba lagi nalang akung nagkakaganito.
*****
Nang makarating kami sa paboritong resort ni Andy ay agad kaming nagkanya-kanya na ng pagkuha ng mga kwarto. Gaya nga din nga ng sabi ni Enzo, libre niya lahat ang expenses namin. Siya na ang mayaman!
"Oh my god! Nel! Ang ganda ng kwarto natin!" Masayang sambit ni Nica.
"Talaga lang huh!?" Inis ko pang sagot.
Magkatabi kasi kaming matutulog at paniguradong mapupuyat na naman ako nito. Sobrang daldal ba naman kasi kaya minsan natutulugan ko na siya.
"Guys! Time for dinner!"
Tawag samin ni Andy mula sa labas ng kwarto.
Agad namang napababa ng kama si Nica at kumaripas ng lakad palabas ng kwarto namin. Napatampal nalang ako sa noo ko. Pambihira talaga! Nagpalit nalang muna ako ng damit bago sumunod sa kanila. Nasa isa sa mga cottage na daw sila malapit sa may pool, sabi pa sa text ni Nica. Agad din naman akung nagtungo sa pwestong ibinigay niya. Nang umabot ako, halos pagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa nakikita ko. Ano na naman kaya ang ginagawa niya dito? Nakikipagharutan ang pinsan ko kay Enzo. Pakiramdam ko ay parang sobrang masakit sa mata.
"Nel!" Kaway pa sakin ni Enzo.
Tipid lang akung ngumiti kahit na napipilitan lang ako. Mabibigat ang mga hakbang ko habang lumalapit sa cottage. Naupo ako sa tabi ni Nica.
"Pakabusog ka Nel." Makahulugang kalabit ni Nica sakin.
"Oo naman." Pilit kung pinapakalma ang boses ko at napatungo ulit.
"Hi pinsan! Sorry, hindi kita nasabihan. Inimbitahan ako ni Enzo na dito nalang magpalipas ng gabi." Paliwanag niya.
"Masaya 'yon..." Sagot ko at pilit na ngumiti.
Napatungo ako ulit at pakiramdam ko ay maluluha na ako. Pinakalma ko ang sarili ko at kumain na. Pansin kung mukha namang hindi nila ako napansin na ganun nalang ang itsura ng mukha ko. Paano din nga ba nila ako mapapansin kung puro sila abala. Si Nica, nakikipaglandian kay Andy. Si Enzo naman nakikipagkwentuhan kay Moana. Sa itsura palang ni Enzo, talagang nakikita kung masaya siya habang nakikipagkwentuhan. At ako? Pakiramdam ko ay isa akung nilalang na hindi nag-e-exist sa mundo. Napabuntong-hininga ako at agad ng tinapos ang pagkain ko. Nagpaalam na din ako sa kanilang mamamasyal muna.
![](https://img.wattpad.com/cover/33909443-288-k249815.jpg)
BINABASA MO ANG
BUT ONLY LOVE CAN TELL
ChickLitBut Only Love Can Tell. Kayanin kaya niya ang lahat ng dagok na darating sa buhay niya? Kakayanin kaya niyang tanggapin ang ang salitang.... "I can't be with you...anymore." Kakayanin niya kayang tanggapin na kailanman hindi na mababago ang lahat? O...