[BOLCT-THIRTY-FOUR

3.2K 92 0
                                        

[BOLCT-THIRTY-FOUR

MARINEL'S POV

Tatlong oras na akong nakatanga at  nakatingin lang sa kisame. Halos wala na din akong mailuha na. Ganito pala ang pakiramdam kapag unang beses mong ma-in love sa isang tao. Iyong tipong nasasaktan ka ng todo dahil lang sa may nararamdaman ka sa taong 'yon. Ang masaklap pa, may mahal itong iba. Akala ko puro saya ang isang pagmamahal, 'yon pala kapag natuto ka na, diyan na magsisimula ang kalbaryo mo.

"Nel..." Narinig kung tawag ni Nica sakin sa labas ng aming kwarto.

"Pasok..." Namamaos kung sagot. Maluha-luha ang mga mata nito at niyakap ako agad.

"Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong nito.

"Parang pinapatay. Gusto ko ng mag-move on." Sagot ko pa. Bigla niya naman akong binatukan.

"Move on-move on ka diyan! Paano ka mag-mo-move forward kong hindi naman kayo." Napatawa ako sa sinabi niya. Tama din nga naman. Iyon ang masakit dahil nga walang 'kami'. Napasandal ako sa headboard ng kama.

"Nica, ayaw ko ng ganito. Iyong pakiramdam na ganito." Sabi ko pa.

"Alam mo, Nel? Kay hirap magmahal lalo pa at may iba din naman siyang minamahal." Saad nito at pabagsak na nahiga sa kama.

"Minsan talaga ang hirap din intindihan ng pag-ibig. Alam mong masasaktan ka pero sumugal ka pa din. Sa estado mo ngayon, paano mo siya kakalimutan kung lagi naman kayong nagkikita." Dagdag nito.

"Lumayo ka sa kanya Nel kung gusto mong mawala ang sakit na 'yan." Napasinghot ako.

"Kakayanin ko kaya?" Malungkot kung sabi.

"Ako ang bahala. Magpapalipat ka sa ibang branch ng caffe. Sa school naman, kakausapin ko si Doc. Arellano na bigyan ka ng early test para mag accelerate ka agad. Kukuha ka ng maagang diploma at matatapos mo ang kurso. Tapos ipapasabay kita sa board exam for license next month." Sunod-sunod na paliwanag nito.

"Talaga bang effective?" Nag- aalangan kung tanong sa kanya.

"Oo naman, kung kakayanin mo talaga." Sagot nito at napabangon.

"Sabihin mo nga sakin ang totoo Nel. May ginawa ka bang maling desisyon?" Biglaang tanong nito sakin.

Mariin akong napakagat ng labi. Gusto kung sabihin sa kanya 'yong ginawa ni Moana pero alam kung magkakagulo lamang kung magsasalita pa ako.

"Wala akong ginawa." Hindi makatingin kung sagot sa kanya. Narinig kung napabuntong- hininga ito.

"Dadalhan nalang kita ng pagkain. Huwag ka ng lumabas pa." Bilin pa nito saka tuluyan ng lumabas ng kwarto namin.

Napabuga ako ng hangin. Daig ko pa ang may nobyo sa sitwasyon ko. Huling araw na namin bukas at parang hindi ko yata naramdaman man lang 'yong saya. Iba pa naman ang inaasahan kung mangyari sa lakad naming ito.

"Nel, nandiyan ka ba?" Nanlaki ang mata ko sa narinig ko.

Kung kailan iniiwasan, siya naman mismo ang lumalapit! Agad akong napahiga at kunwaring nagtulog-tulugan. Narinig kung pumihit ang pinto at rinig ko ang mga yabag nito
palapit sakin at ramdam ko ang pag-upo nito sa tabi ko. Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang masuyong paghaplos nito sa mukha ko.

"I am so worried about you, Nel." Mahinang saad nito.

"All day I've been thinking if is it right to continue this, even if I knew from the start I can't be with..." Sabi nito pero napatigil din naman.

"This is crazy! I'm talking alone." Inis pa nitong sabi sa sarili niya.
Ano kaya ang gusto niyang ipahatig.

"I really love you, Nel..." Sabi  nito bigla na ikinagulat ko at mas lalo kong ikinagulat ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.
"...as a friend." Muling sabi nito at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Tuluyang umagos ang luha ko. Paulit-ulit sa utak ko ang mga sinabi niya. Mahal niya ako bilang kaibigan. Parang tinutusok ang dibdib ko sa sobrang sakin. Bakit kailangan niya pang sabihin iyon, gayong kitang-kita ko naman na may iba talaga siyang gusto. Tama nga si Nica, mukhang kinakailangan ko nang kalimutan siya.

*****

Last day of Medical Mission.

Gaya ng nakagawian simula ng pumunta kami dito, kanya-kanya na kami ng trabaho. Gaya nga din ng payo ni Nica sakin ay panay pa din ang pag-iwas ko kay Enzo. Ayaw ko ng umiyak, kahit nasasaktan ako sa nakikita ko, na palagi silang sweet sa isa't isa. Palaging masaya at nagtatawanan. Palaging magkahawak ang kamay at paminsan-minsan ay lumalayo para magkasarilinan.

"Andy! Bwesit! Iyong request ko!" Biglang tawag ni Veronica kay Andy na nasa 'di kalayuan lamang. Padabog na lumapit si Andy kay Nica.

"Busalan ko kaya 'yang bibig mo! Excuse me!" Sabi pa ni Andy at umirap pa.

Lumapit naman ito sakin at may iniabot na envelope.

"Para saan 'to?" Taka kung tanong.

"Reviewer mo, puwede ka nang hindi pumasok. Next week, sa sabado na 'yong exam." Paliwanag niya. Sa sobrang tuwa ko ay agad akung napayakap kay Andy.

"Andy, salamat." Niyakap niya rin ako.

"Sorry talaga Nel." Bakas sa boses nito ang lungkot. Bahagya ko lang hinagod ang likod nito at kumalas na ng yakap. Simula na nga ng paglimot ko kay Enzo.

BUT ONLY LOVE CAN TELLMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon