[BOLCT-FORTY-FOUR]

3K 83 2
                                    

[BOLCT-FORTY-FOUR]

STILL MARINEL'S POV

Bumukas naman ang pinto ng kuwarto ni Enzo. Napatakbo ako palapit sa kanya at inalalayan ito.

"Ba't ka ba tumayo? Magkakasakit ka niyan lalo, eh!" Napatawa ito ng mahina.

"Okay na magkasakit, huwag lang masunog ang condo ko." Nakangiting wika nito. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Diyos ko! Iyong niluluto ko!"

Nabitawan ko si Enzo sa pagkataranta at kumaripas sa kusina. Pinatay ko agad iyong kalan. Diyos ko naman Nel! Muntik na maging sinaing ang aroskaldo ko. Napangiwi na lamang ako at nilagyan ulit ito ng tubig, hinalong muli para bumalik ang saktong itsura nito, amoy sunog nga lang. Naghain ako ng kaunti matapos kong marimedyohan ito. Dinala ko ito sa sala at inilapag sa lamesita.  Nakaupo naman si Enzo sa sofa at bahagyang nakapikit pa ang mga mata nito. Tumabi ako nang upo rito at pinunasan ang pawis niya sa noo gamit ang kamay ko. Bahagya itong napadilat at isinandig ang ulo nito sa balikat ko.

"May bisita ka ba kanina?" Mahinang usal nito.

"Ha? Wala! Nakaligtaan ko lang sa sobrang pag-aalala sa iyo." Pagsisinungaling ko.

"Lagnat lang ito, Nel." Anito.

Sinapo ko ang leeg at noo niya. Nakapagtataka na wala na itong lagnat gayong kanina lang ay para na itong kinukumbulsyon.

"Magaling ka na?" Tanong ko pa rito.

"Nagugutom ako." Anito sa halip na sagutin ako.

"Sige..." Naisagot ko na lamang.

Sinubuan ko siya at animo'y para itong batang paslit sa sobrang cute nitong pagmasdan.

"Amoy sunog..." Nakasimangot nitong wika.

Napanguso ako at ngalingali siyang hinampas sa braso niya ngunit mahina lamang.

"Loko! Halos maubos mo itong laman bowl. Kainis ka!" Panghihinampo ko. Hinila naman niya ako at ginawaran ng mabilis na halik sa noo ko.

"Masarap pero amoy sunog. Nagtampo ka naman agad." Aniya.

Kinurot ko siya ng kaunti sa braso.

"Mahilig ka talaga mang-asar." Ani ko. Bigla namang sumeryoso ang anyo nito.

"Nel, kuntinto ka na ba sa ganito? Iyong hindi kita tinatanong man lang kong ano ang meron tayo." Napaayos ako sa pag-upo.

"Importante ba ang status sa dalawang tao na nagmamahalan?" Balik kong tanong. Bahagya itong napaisip.

"Oo, puwede din na hindi." Sinuklay ko ang buhok nito gamit ang mga daliri ko.

"Wala akong karanasan sa ganito Enzo. Kaya masasabi kong ayos lang na wala tayong status na pinagbabasihan. Ikaw na din  mismo ang nagsabi na subukan natin iyon. Parang tayo pero para ding hindi." Napahugot ito ng malalim na hininga.

"Paano kong mawala ang pagmamahal mo sakin Nel. Kasi nga wala tayong rate o status na pinanghahawakan. Lalabas ako na walang karapatan para pigilan ka." Napanguso ako.

"Alam mo Enzo, parang malabo mangyari iyon, eh." Kinuha ko ang kanang kamay niya at itinapat sa dibdib ko.

"Ito lang ang makakapagsabi kong anong oras o kailan ito hihinto sa pagmamahal ko sa iyo." Napangiti ito at niyakap ako nang mahigpit.

"Only your love can tell..." Anito. Napangiti ako ng malapad.

*****

Makalipas ang tatlong oras...

Magaling na nga talaga si Enzo at sa nakikita ko, mukhang hindi ito galing sa sakit. Kanina niya pa kasi ako inaabala sa pagre-review.

"Enzo, awat na." Napipikon ko ng sita sa kanya.

"Ayaw ko." Napanguso pa ito habang pilit na iniaalis iyong libro na nasa mesa. Nakadantay kasi ang dalawa kong siko rito.

"Akin na kasi..." Pamimilit niya.
Sa pagkainis ko, ibinigay ko iyong libro at hindi na umimik pa. Sinusundut-sundot niya pa ang tagiliran ko dahil sa hindi ko pag-imik.

"Galit ang Ms. Universe ko?"

Umirap lang ako. Bigla naman niya ako binuhat at pinaupo sa ibabaw ng mesa.

"Enzo..." Mahina kong sita sa kanya.

"Huwag ka na magtampo. Mahal kita." Nguso pa ito at kinindatan ako.

Gusto kong mangisay sa sobrang kilig at napatungo.

"Mahal din kita..." Napatawa naman ito ng kaunti.

"Heto, ito nalang gamitin mo. Na-compile ko na iyan." Wika niya sabay bigay sakin ng folder. Laman nito ang mga summary sa lesson namin.

"Saan mo nakuha 'to?" Mangha kong tanong.

"Sinulat ko." May halong pagmamayabang sa tono nito.

"As in? Ang dami kaya nito." Napanguso naman siya at napakamot sa batok nito.

"With the help of the teachers..." Piningot ko siya.

"Loko ka talaga, pero salamat dito." Nakangiti kong sabi. Niyakap niya naman ako bigla at pansin kong mabibigat ang paghinga nito.

"Enzo bakit?" Napailing naman ito.

"Nel..." Mahinang usal nito.

"I can't breath..."
Hinawakan ko ang mukha nito. Sobrang putla nga niya. Napababa ako agad sa mesa at pinaupo siya. Napatakbo ako agad sa kuwarto nito para kumuha ng air bag sa kit. Nangingilid na din ang mga luha ko sa sobrang pag-aalala. Natataranta akong kumaripas ng takbo pabalik kay Enzo at pinagamit sa kanya iyong air bag.

"Inhale... Exhale..." Instruct ko.

Sinunod naman niya ako  at nakahinga ako na ako ng maluwag. Kalmado na kasi ang paghinga nito. Bahagya pa niya pinunasan ang luha ko. Sobrang pag-alala at kaba ang nararamdaman ko ngayon.

"Dadalhin kita sa hospital." Nanginginig kong wika.

"Wag na Nel. Ayos na ako." Napatiim-bagang ako.

"Hindi puwede!" Padabog akong napatayo at tumawag ka=
y Andy.

"Nel, okay lang ako." Anito sabay agaw sakin sa telepono.

"Enzo naman! Muntikan ka ng mamatay! Sa tingin mo maayos ba iyong ganoon." Napahikbi na ako. Muntik na iyon kanina kong hindi ko iyon naagapan. Kinabig naman niya ako at niyakap.

"Tahan na Nel. Ayos lang ako." Napahikbi ako lalo.

"Hindi ka okay! Bakit ka kinakapos ng hininga gayong wala ka namang ginawa kanina kundi lang kulitin ako." Hinawakan naman nito ang mukha ko at pinahiran ang luha ko. Ginawaran niya ako ng halik sa magkabilang pisngi ko.

"I'm okay, got that?" Napasinghot ako at labag sa loob na napatango. Niyakap ko siya ng mahigpit. Alam kong may itinatago ka sakin Enzo at patawarin ako ng Diyos sa pagsuway ko sa iyo.

BUT ONLY LOVE CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon