[BOLCT-FORTY]

3.2K 90 0
                                    

[BOLCT-FORTY]

STILL MARINEL'S POV

*****

"Akin nga muna 'yang Health Assessment Of Nursing." Baling ko pa kay Enzo pero napanganga ako sa nakita ko.

Hindi siya nag-re-review, nagbabasa lang ito nang newspaper. Hinablot ko iyong hawak niya.

"Nandito tayo para mag-review at hindi para magliwaliw." Inis kong sabi.

Napangiti naman ito at napalumbaba.

"I'm reviewing." Anito.

Napanguso ako.

"Ewan ko sa'yo." Nasabi ko na lamang.

Inabala ko nalang ulit ang sarili ko sa pagbabasa. Pansin ko namang may naghila ng silya sa tabi ko dahilan para mapalingon ako. Pinaningkitan  ko siya ng mata. Ngumiti lang ito at kinuha pa ang isang librong nasa mesa. The Essentials Of Anatomy And Physiology ang naisipan niyang basahin. Iniusog ko itong inuupuan ko. Naiilang pa rin talaga ako sa kong ano'ng meron kaming dalawa. Napagkaisahan pa ako ni Andy at Nica. Hindi man lang ako na-inform na alam na pala ni Enzo iyong balak ko.

"Nel..." Untag nito sakin at ibinaba ang hawak kong libro pero pinatayo niya ito ulit. Kumuha din siya ng isa pang libro at pinatayo din para matakpan nang tuluyan ang mukha naming dalawa. Napakunot-noo ako.

"Mahal kita..." Anito.

Naistatwa ako sa sinabi niya. Napatungo nalang ako. Nahihiya akong sagutin siya pabalik. Napakadali lang kasi sa kanyang sambitin iyon gayong kakahiwalay lang nito sa pinsan ko.

"Nel..." Pukaw nito sakin ulit.

"Nagdududa ka ba sa pagmamahal ko?" Napatakip ako ng mukha gamit ang dalawang palad ko at kalaunan ay sinalubong ko din siya ng tingin.

"Magagalit ka ba kong sasabihin kong, oo?" Nag-aalangan ko pang  tanong.

Ngumiti ito ng malapad at ginagap ang kamay ko.

"Ipapakita ko sa'yo na talagang mahal kita. Iyong walang pag-aanlilangan." Masuyo nitong ani.

Napasinghot ako. Napaluha na pala ako sa sinabi niyang iyon. Masuyo din naman niyang pinahiran ang luha ko.

"Mahal kita, Nel." Bulong nito.

"Mas mahal kita." Sa wakas ay tugon ko.

Kinuha ko ang panyo ko at pinahiran ang namumuong pawis nito.

"Pinagpapawisan ka ng husto. Tumalikod ka nga." Utos ko. Tumalikod naman ito.

Hindi na din ako nag-atubili pang punasan ang likod niya. Kay grabe naman niya ko ng mamawis.

"Lalakasan ko 'yong aircon." Paalam ko sa kanya matapos lagyan ang likod niya ng panyo ko.

Nagpaalam pa ako sa taga-bantay dito sa library para palakasan ang aircon.

"Ma'am, naka-high na po tayo." Sagot nito sabay turo sa aircon.

Nagsalubong ang kilay ko at pasimple na lamang na napatango.

Bumalik ako sa kinaruroonan ni Enzo. Nagbabasa na ito at nagsusulat din sa notes niya. Bakit ganoon nalang ang pamamawis nito gayong naka-high na ang lakas ng aircon. Napansin naman nitong nasa harapan na niya ako kaya napaangat ito nang tingin sakin.

"Ayos ka lang ba?" Aniya.

"Ha? O-oo naman." Sagot ko at naupo na sa tabi niya.

Hindi ko maiwasang magtaka kong bakit ganoon ang nangyayari sa kanya. Kinakabahan tuloy ako, na hindi ko maintindihan.

BUT ONLY LOVE CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon