[BOLCT-TWENTY-FOUR]

3.2K 80 0
                                    

[BOLCT-TWENTY-FOUR]

STILL MARINEL'S POV

*****

Nang makaabot kami sa bahay ay maigi niya din akung inalalayan. Pakiramdam ko tuloy ay napakaespisyal ko.

"Wala ba si..." Anito na tila nag-iisip pa.

"Si Veronica ba? Nasa trabaho pa." Sagot ko. Inalalayan niya akung makaupo at saka din naman ito naupo sa upuang kaharap ko.

"Okay. Nagugutom ka na ba?" Tanong pa nito.

"Hindi..." Tila nahihiya ko pang sagot. Napatango-tango naman ito.

"Wouldn't you mind if I asked you what happened way back there?" Napabuntong-hininga ako.

"Napulikat lang ako Enzo." Pagsisinungaling ko.

Ayaw ko nang magpaimbestiga pa kung sino man ang maaaring gumawa ng iyon sakin. Ang mahalaga sakin ngayon ay ligtas at buhay ako.

"Are you sure?" Tila pagdududa nito sakin.

"Oo naman." Masigla kung sagot para hindi na ito maghinala pa.

"Are you sure okay lang na iwanan kita dito? Tomorrow na 'yong medical mission natin, since I have excuse ko for what happen today, namove 'yong event for the next day." Mahabang paliwanag nito.

"Enzo naman, malaking abala pa tuloy 'yon. Ayos lang kahit bukas na. Kawawa naman 'yong mga taga Baguio kung hindi tayo matutuloy." Protesta ko.

"Are you sure?" Paninigurado nito. Tumango ako at tipid na ngumiti.

"Then let's go shopping." He grinned at binuhat ako bigla.

"Uy! Enzo!" Awat ko.

"We have to buy stuffs Nel. Three days din tayo doon." Sagot nito ng maipasok ako uli sa kotse niya.

Siya na din mismo ang naglock ng bahay. Kaloka! Para yata akung naistatwa sa ginawa niyang pagbuhat sakin kanina.

"Are you ready?" Tanong pa nito ng makapwesto na ito sa driver seat.

"Ha?" Lutang kung sagot.

Marahan lang nitong pinisil ang tungki ng ilong ko at nagdrive na. Putspa! Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa ere. Ganito ba ang mainlove? Natigilan ako sa naisip kung iyon. Hindi ko pwedeng mahalin siya. Hindi ako dapat mahulog sa kanya. Mali ito Marinel! Maling-mali!

*****

Dahil sa nagpaalam na ako ng maaga na magle-leave muna ako sa trabaho ko ay naging panatag na ang loob ko. Kung ano-ano ang binili ni Enzo sakin kahapon. Magagamit ko raw ang lahat ng ito sa lakad namin ngayon. Nakakahiya mang tanggapin itong mga pinamili niya ay wala akung nagawa. Tanging pasasalamat na lamang ang naibigay ko sa kanya. Wala din ako sa sarili ko kahapon. Iniisip ko parin ang tungkol sa namumuo kung pagmamahal para sa kanya. Paano ko nga ba pipigilan ang sarili ko na huwag mahulog kung napakalapit na namin sa isa't isa.

"Nel, kailan ang balik mo?" Pukaw ni Veronica sakin habang nagbibihis.

"Makalipas ang tatlong araw." Tipid kung sagot at nagsimula ng ayusin ang mga gamit na dadalhin ko. Naupo naman ito sa kama at humarap sakin.

"May problema ba, Nel?" Napatigil ako sa ginagawa ko.

"Wala naman, bakit?" Sagot ko.

"Kung ready ka na, sabihin mo lang. Dadamayan kita, Nel." Paalala pa nito bago lumabas ng kwarto ko.

Napahugot ako ng malalim na hininga. Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko para kay Enzo kaya hangga't maari ay kailangang kontrolin ko ang sarili ko.

ENZO'S POV

I am ready packing my stuffs. Si Andy at Nel nalang ang kulang.

"Oh jeez!" Naisambit ko.

Hinila ko 'yong sleeping bag na nasa sahig.

"Andy wake up!" Niyuyugyog ko ang balikat niya. Gaya nga ng sabi niya, dito na siya nakatira sakin.

"Langya! Natutulog pa 'yong tao eh!" Reklamo niya. Mas lalo kung hinila ang sleeping bag ko.

"Pambihira! Late na tayo sa medical mission!" Inis kung sabi. Mabilis naman itong napabangon ng nakabrief lang.

"Langya tol!" Natatawa kung sabi at binato siya ng unan.

"Aba! Maputi kaya ako pati na ang pang-almusal ko!" Sagot niya pa at nagmodel sa harap ko. Napapahawak na ako sa tiyan ko dahil sa kakatawa.

"Iyan ang gusto ko makita sa'yo tol." Seryosong sabi nito bigla. Binato ko siyang unan at napapailing nalang.

"Hurry up Andy. Nel is waiting." Bilin ko at umuna ng lumabas ng kwarto.

BUT ONLY LOVE CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon