EPILOGUE

6.8K 145 46
                                    

EPILOGUE

*****

Napamulat ako agad ng maramdaman ko na wala si Enzo sa tabi ko. Pasado alas-dos na ng madaling araw nang tumingin ako sa relo ko. Nakalimutan naming kumain ng hapunan. Ang haba din nang naitulog ko. Siguro ay dahil sa matinding pagod sa kakaiyak mula pa kahapon. Bumaba ako sa kama at hinanap si Enzo sa buong kuwarto pero wala siya dito. Lumabas ako ng kuwarto at laking gulat ko na may nagkalat na kandila sa paanan ko.

"Enzo..." Tawag ko sa kanya.

Napayakap pa ako sa sarili ko dahil sa lamig ng hangin. Sinundan ko ang mga kandilang nakahilera at natagpuan ko ang aking sarili sa isang maliit na cottage. Napangiti ako sa nakita ko. Isang dinner o breakfast date ba itong matatawag. May dalawang bonfire din sa paligid ng cottage. Ang cute ng setting niya. Kinuha ko ang puting rose at inamoy pa ito.

"Nel?" Napalingon ako sa likuran ko.

"Enzo, 'di ba bawal sa'yo ang magpagod." Sabi ko pa at lumapit sa kanya.

"Akala ko mamaya ka pa gigising." Nakangiti nitong ani.

Hinila naman ako paupo.

"Ipinagluto kita ng palabok..." Panimula niya at ibinigay sakin iyon bowl na may takip pang foil.

"With the help of Andy." Dagdag niya. Napangiti ako at binuksan ang takip ng bowl.

"Galing! Ito na ang pinaka-the best na date ang ibinigay mo sakin. Bowl pa talaga." Natatawa kong sabi.

Kinindatan niya lang ako at bahagyang nangiti. Sinimulan ko nang kainin ang palabok na niluto niya. Umakbay ito sakin at hinalikan ako sa noo.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong ko pa.

"Kumain na ako, kanina pa Nel." Mahinang sagot nito.

"Ahurm! Ito na tol." Bungad ni Andy samin.

Halata sa mukha nito na parang kakagaling lang sa pag-iyak. Napaayos ako ng upo at inilapag 'yong bowl sa mesa.

"Salamat dito tol." Sagot naman ni Enzo at kinuha ang envelope na hawak ni Andy.

Nang makuha ito ni Enzo, bigla namang kumaripas na nang takbo si Andy.

"Ano'ng nangyari do'n?" Taka kong tanong. Marahan namang napatawa si Enzo.

"Wala lang iyon, Nel." Anito.

Kumikit-balikat nalang ako at kumain na ulit. Puna ko naman na inilabas na ni Enzo ang laman ng envelope.

"Ano 'yan?" Tanong ko pa. Ngumiti ito ng malapad.

"It's our promise vow." Natigilan ako sa isinagot niya.

Inilapag ko ang bowl na hawak ko at kinuhaang hawak niya. Isang blangkong papel na makapal ng kaunti ito. Binaliktad ko ito at pansin kong may pirma na ito ni Enzo sa ibaba. Pero nagtataka ako ay kung bakit Enzo Villaraza lang ang nakalagay na pangalan niya, gayong Calvin ang first name nito.

"Pirmahan mo na." Anito.

"Sigurado ka? Pirma lang natin ang nalagay dito. Wala namang nakasulat ng mga pangako natin sa isa't isa." Sabi ko pa.

"Ayaw mo ba?" Malungkot nitong tanong.

"Hindi. I mean, pipirma na ako." Kinuha ko ang ballpen na hawak niya at pinirmahan ito sa dulo.

"Pirmado na." Nakangiti kong sabi.

Isinilid niya naman iyong papel sa sobre at itinabi iyon. Umakbay itong muli sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Nel, ipangako mo sakin na tatapusin mo ang pag-aaral mo." Itinaas ko pa ang kaliwang kamay ko.

"Pangako." Inalis nito ang kamay na nakaakbay sakin at hinawakan ang mukha ko.

"Promise me, you will become a registered nurse. You'll work in big hospital, help to save people lives." Napatango-tango ako.

Bumigat ang paghinga nito.

"Mahal na mahal kita Nel. Ipangako mo sakin na kakalimutan mo ang pagmamahal mo para sakin." Nagsimula nang tumulo ang luha ko. Napailing-iling ako.

"Ipangako mo sakin na magmamahal ka ng iba, nang higit pa sa pagmamahal mo para sakin. Bumuo ka ng isang pamilya na kailanman ay hindi mo naranasan." Tinabig ko ang kamay niya.

"Tama na! Huwag ka nga magsalita na para bang nagpapaalam ka na!" Hinila naman niya ako at niyakap ng mahigpit.

"Ipangako mo Nel." Napahagulhol na ako.

"Hindi ko kaya, Enzo."

"Kakayanin mo Nel. Kaya mo! Patawarin mo ko Nel kung binigyan kita ganito kabigat na pasanin. Patawarin mo ako sa gagawin ko Nel. Para din naman sa'yo lahat ng ito." Napakapit ako damit nito.

"Enzo naman!" Angal ko.

Pinaupo niya akong muli at saka umupo din. Nahilig ito sa may balikat ko. Iniakbay ko ang kanang braso sa kanya. Panay na din ang pagtulo ng luha ko. Sobrang sakit! Ramdam ko ang braso nito na ipinulupot sa beywang ko.

"Nel..." Untag nito sakin.

"Ipangako mo sakin..." Mahinang usal nito. Hinalikan ko siya sa noo.

"Pangako..." Mas lalong bumigat ang paghinga nito.

Mas akong napahagulhol ng matindi. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

"Enzo naman, huwag ganito. Hindi pa ako ready. May two months ka pa, 'di ba? Madami pa tayong gagawin. Madami pa tayo kailangang gawin." Halos hindi ko na kayang magsalita pa. Halos hindi na ako makahinga.

"Nel...mahal na mahal kita..." Mahina nitong usal.

"Mahal din kita ng sobra!" Isiniksik nito ang mukha sa leeg ko.

"I'm sleepy..." Napatango ako.

"Sunset na Enzo..." Nilingon ko ito at hinaplos ang pisngi nito.

Lumawag ang pagkakayakap nito sakin. Wala na din akong maramdamang hininga sa leeg ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon. Kasabay ng pagsikat ng araw ay ang pagkawala ng pinakamamahal ko. Marahan ko itong dinampian ng halik sa kanyang labi.

"Ang daya mo, nagsinungaling ka na naman na may dalawang buwan pa tayo...." Napahikbi ako at napahugot ng malalim na hininga.

"Pangako Enzo, gagawin ko lahat ng sinabi mo. Mahal na mahal kita." Huling ani ko.

Hindi nga tayo para sa isa't isa pero ikaw naman ang nag-iisang may malaking puwang dito sa puso ko.

~WAKAS~

BUT ONLY LOVE CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon