[BOLCT-NINETEEN]

3K 94 4
                                    

PAGKATAPOS ng klase, umuna na ako agad dahil may gagawin pa pala ako.

"See you later, Nel!" pahabol pa ni Enzo sa akin kaya kumaway na lang ako. Kailangan kong ayusin 'yong event place para sa date nila. Ipinahiram muna rin kasi ni Enzo sa akin 'yong credit card niya. Kinuha ko 'yong phone ko at tinawagan si Veronica.

"Ayos na ba? Nakahanap ka?" Ang tinutukoy ko ay 'yong lugar na pagdadausan ng date nila ni Enzo at ng pinsan ko.

Narinig ko namang napamura si Nica. Ayaw niya talaga itong ginagawa ko.

"Oo! Sa Eastwood, text ko sa 'yo 'yong address mamaya," sagot niya.

"I love you best friend! Salamat!" sabi ko pa at ibinaba na 'yong tawag ko.

PAGKARATING ko sa address na sinabi ni Veronica ay agad kong kinausap 'yong receptionist ng hotel para sa setting theme ng date, kung saan sa isang pribadong garden ng hotel ito gaganapin. Binayaran ko na rin lahat ng nagamit sa date nila. Nang matapos sila, agad din naman nila itong ipinakita sa akin. Gusto kong mainggit sa ganda ng pagkakaayos nila. Ang dami pang rose petals na nagkalat sa mismong red carpet nito. Sa ginta naman ay mala paraiso ang setting theme ng mesa. Sa itsura pa lang kasi nito, parang pakiramdam mo, nasa isang pribadong isla ka.

"You like it, ma'am?" pukaw na tanong sa akin ng staff.

Napakagat-labi ako ng mariin at pilit na ngumiti.

"Oo. Salamat po," tipid kong sagot.

Ang suwerte ng pinsan ko, pero hindi man lang niya makita 'yon. Tumunog naman 'yong cell phone ko kaya mabilisan ko itong sinagot.

"Nel! How was it?" masayang tanong pa ni Enzo sa akin na nasa kabilang linya.

"Okay na ang lahat," sagot ko rin naman at napasulyap sa relo ko.

"Okay I am on my way now," sagot niya pa at ibinaba na 'yong tawag.

Itinago ko na 'yong phone ko at naghintay na sa lobby ng hotel. Ilang minuto rin akong nagpabalik-balik nang lakad nang bigla akong lapitan ng receptionist at iniabot sa akin ang resibo. Nginitian ko lang siya at tiningnan 'yong resibong hawak ko.

"Ano!?" gulat ko pang sambit na siyang ikinagulat din ng ibang customer ng hotel.

Putik Nel! Agad kong natutop ang bibig ko at napalayo ng konti sa karamihan. Kaya lang naman kasi ganoon ang reaksiyon ko dahil kasi sa umabot ng thirteen thousand mahigit 'yong nagastos para lang sa date na ito.

"Nel!" biglang tawag sa akin.

"Enzo," napalinga pa ako sa paligid namin.

"Ikaw lang mag-isa?" taka ko pang tanong.

Matipid naman siyang ngumiti.

"Yup! Hahabol siya mamaya. May kailangan pa raw silang i-submit," sagot niya pa.

Napatango-tango naman ako pero ang totoo, hindi maganda ang kutob ko.

"Kung ganoon, aalis na ako," paalam ko pa.

"Yeah. Thank you so much for this Nel," sabi niya pa sabay halik sa pisngi ko at lumakad na papunta ng garden.

Para yatang nanigas ang katawan ko sa ginawa niyang 'yon. Para pa akong tangang napapahawak sa pisngi ko kung saang banda niyang hinalikan ito. Ang lakas din ng pagkabog ng dibdib ko. Bakit ba ako nagkakaganito!?

"Ma'am, are you okay?" biglang bungad sa akin ng receptionist.

"Po? Ah! Opo!" agad akong napatakbo palabas ng hotel at napaupo sa bakanteng bench.

Bakit ba nagiging tanga ako nitong mga nakaraang araw? Napapahilot na lang ako sa sintido ko. Bigla namang bumagsak ang malakas na ulan kaya napatayo ako agad at bumalik sa may entrance ng hotel para magpasilong muna. Napasandal na ako sa pader na marmol dahil sa sobrang inip kung kailan titila ang malakas na ulan.

"Manong anong oras na ho?" tanong ko sa gwardya.

"Alas nuebe na ineng."

Napatampal ako sa noo ko. Si Enzo! Mabilis akong pumasok sa loob ng hotel at tinungo ang garden. Sinuong ko na ang malakas na ulan at pinuntahan si Enzo. Laglag ang balikat kong napatingin kay Enzo. Nakaupo ito at hinihintay pa rin ang pinsan ko. Napakawalang kuwenta! Hindi man lang ba siya naawa! Bigla na lang naglandas sa mukha ko ang mga luha ko. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Napatakbo ako palapit sa kanya. Malungkot itong napaangat ng tingin sa akin. Mabilis ko siyang hinila patayo at niyakap.

"Tama na Enzo. Tama na!" paulit-ulit kong sambit.

Narinig ko ang paghikbi niya at niyakap na rin ako pabalik. Sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon. Hindi awa ang nararamdaman ko kundi galit. Ayaw ko siyang nakikitang ganito dahil sa tuwing malungkot siya, pakiramdam ko ay ako iyong naaapektuhan ng husto.

BUT ONLY LOVE CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon