[BOLCT-THIRTY-NINE]

3.4K 85 5
                                        

[BOLCT-THIRTY-NINE]

MARINEL'S POV

Gusto ko nang huwag pang malayo sa kanya. Gusto ko makasama nalang siya araw-araw. Makita ko siyang katabi ko palagi.

"Hoy!" Pukaw ni Veronica sakin.
"Ano! Panira ka ng moment!" Inis kung sagot.

"Sus! Kulang nalang umapoy 'yang si Enzo sa kakatitig mo." Nakahalukipkip nitong asar  sakin.

Nasa kotse pa kasi si Enzo at Andy, naglalabas ng mga gamit namin ni Nica. Kakauwi lang namin galing Baguio at aminado akung masaya sa kabila ng mga nangyari.

"Masaya lang ako." Sagot ko at ibinalik ang atensyon ko kay Enzo.

"Wow! Iyon 'yon eh! Parang walang nangyari ah? Iyong me paiyak-iyak ka." Asar niya.

"Ha-ha-ha!" Plastik kung tawa.

"Masaya ako kasi narealized niya ding ako ang mahal niya at hindi ang pinsan ko." Ani ko.
"Hindi ka ba nagtataka?" Makahulugan nitong saad.

"Sa alin?" Taka ko din namang sagot.

"Masiyadong madali ang lahat Nel. Iba ang nararamdaman ko." Seryosong saad nito.

"Nagiging manghuhula ka na ba, Nica? Ewan ko sa'yo." Nasabi ko na lang.

Natapos na din naman sila Enzo. Napangiti ito ng makita akong nakatunghay sa kanya kaya agad akung umiwas.

"You look so cute." Anito nang makalapit sakin. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Bolero!" Nahihiya kung sagot.

"See you tomorrow, Nel." Nakangiting saad nito.

"Sig---" Napasinghap ako at natigilan.

Bigla niya nalang kasi akong hinalikan at hind ko 'yon napaghandaan. Napatungo ako matapos niya akong mahalikan. Napatakip ako ng mukha ko at napapadyak. Grabe! Humagalpak naman siya ng tawa.

"I love you, Nel. See you." Huling saad nito at tuluyan ng umalis.

Para akong tanga na napapangiti na lamang. Kumaway pa ito bago sumakay ng sasakyan. Nang makasakay ito, nakuntinto nalang akong papmasdan ang paglayo ng sasakyan ni Enzo. Ang saya ko lang! Kahit hindi ko alam kung anong merong estado kami ni Enzo ay masaya ako at hindi ako nagrereklamo. Ang importante sakin ay mahal namin ang isa't isa.

*****

Maaga akong naging dahil sa pambwe-bwesit sakin ni Nica!

"Yoho! Ms. Universe gising na! Diyos ko naman Nel! Nagkaporeber ka lang ang tagal mo ng gisingin! Aba Nel! Baka gusto mo namang magshare---" Napabangon ako na may dalawang unang nakatakip sa magkabilang tainga ko.

"Ano oras daw ba shift mo, pinapatanong ni Andy!" Inis kung putol sa talak niya.

"---oh talaga? Tatawagan ko siya. My god! This is it!" Tili niya at kumaripas na sa sala.

Kaasar! Tumunog naman ang message alert tone ng phone ko. Padabog kong kinuha ito sa drawer. Sobrang antok pa ang nararamdaman ko kaya may pa pikit-pikit pa ako.

"Nel, I'm picking you up. Coming. I love you, Nel. Morning my universe." Basa ko sa text niya.

Grabe! Nanlaki mata ko sa nabasa ko. Pambihira! Hindi pa ako nakaayos. Kumaripas ako agad ng takbo sa banyo. Diyos ko naman! Bakit ba kasi ang aga niya. Minadali ko agad ang pag-aayos ng sarili ko. Nagbibihis pa lang ako ng sumigaw na si Nica.

"Nel! Nandiyan na si Enzo!" Sigaw nito.

Kaasar! Nagsusuot pa ako ng jeans ko.

"Teka, pakisabi saglit lang!" Sagot ko pabalik.

Matapos kong maisuot ang jeans, ni hindi na ako nakapagsuklay at lumabas na agad ng kwarto ko.

"Hi?" Naiilang ko pang bati kay Enzo na nakaupo sa sofa at todo kong makangiti sakin.

"You look...fine." Aniya.

Napangiwi ako at napakamot sa  batok ko.

"Maganda ka pa din. Sa kotse ka na magsuklay." Sabi pa nito at inakay na ako palabas ng bahay. Sobrang nakakahiya!

"Ingat Nel!" Mapang-asar na paalam ni Veronica sakin.

Umirap lang ako. Nang makasakay kami sa kotse, pareho kaming tahimik lang ni Enzo pero nakangiti naman ito. Napalingon ito sakin bigla at huling-huli akong nakatitig sa kanya. Agad akong nag-iwas ng tingin at napatungo. Napatawa ito bigla.

"Pakiramdam ko tuloy ay may dumi ako mukha." Saad nito.

"Ha? Wala! Ano...sorry." Napahagalpak ito ng tawa, na ikinasimangot ko.

"Ang cute mo talaga. Magsuklay ka na, para naman mas gumanda kang lalo." Sabi pa niya sabay kindat sakin.

Diyos ko mahabaging langit! Namumula yata ang pisngi ko. Napatahimik nalang ako kahit gusto ko pang umangal sa sinabi niya.

*****

Gulo-gulo pa din ang buhok ko kahit na kanina pa ako nagsusuklay. Binuksan ko kasi ang bintana kanina ng kotse kanina. Kahit papaano din kasi ay hindi ko pa din maiwasan ang mailang sa kanya.

"Nel?" Pukaw nito bigla sakin.

"Oh?" Taka ko din namang sagot.

"Matutunaw na ako." Natatawa nitong saad. Napangiwi ako.

"Ay ewan!" Naisambit ko na lamang at nagpatiuna na nang paglakad.

Nakakahiya! Diretso ako nang lakad sa library. Dito kasi ang magiging tambayan ko muna sa pagre-review para sa early exams. Naglibot ako para kumuha ng mga gagamiting libro.

"Hmm? Ano kaya magandang basahin?" Narinig ko sa kabilang shelves.

Sumilip ako at laking gulat ko ng sumilip din siya. Nahulog tuloy ang mga librong hawak ko.

"Enzo!" Inis kong tawag sa kanya.

Humagalpak ito ng tawa. Iyong napapahawak pa talaga sa tiyan niya.

"Did I scared you?" Tanong niya pa.

"Malamang oo! Bakit wala ka pa sa klase?" Saad ko.

Bigla naman niya akong hinapit sa beywang. Idinikit din nito ang noo niya saking noo.

"So, ito ang paraan mo para kalimutan ako." Aniya. Napalunok ako.

"Da-Dati iyon...kasi...ano..." Napalunok ako.

"Paano 'yan, sabay na tayong magre-review ngayon." Nakangiti nitong sambit.

Napakunot-noo ako.

"Di nga?" Maang ko pa. Napatawa naman siya.

"Naayos na ni Andy lahat kaya wala ka ng takas sakin." Aniya.

Nagsalubong ang dalawa kong kilay. Mukhang wala na nga akong pagpipilian. Padabog kong isiningit sa gitna ng mukha namin ang librong hawak ko. Naiilang ako sa mga titig niya, bagkus ay kinakabahan din.

"So, mag-review na tayo." Sabi ko pa. Malutong itong napatawa.

"Sinabi mo, eh." Anito.

Nagpatiuna ako ng upo sa mesa at agad na nagbuklat ng mga librong babasahin. Naiilang ako sa sitwasyon naming dalawa. Oo nga't umamin na kami sa isa't isa pero hindi ko pa din maiwasang mailang dito.

BUT ONLY LOVE CAN TELLMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon