[BOLCT-ELEVEN]

3.5K 100 0
                                    

[BOLCT-ELEVEN]

MATAPOS ang ilang minuto ay natapos rin ako. Bigla namang lumitaw si Veronica sa harapan ko at para na itong maiiyak sa isang tapik lang.

"Huwag mo akong artehan diyan," iritado ko pang sabi. Naiinis ako e!

"Wa! Nel, sorry na. Alam ko, mali ako."

Inirapan ko lang siya at itinuon ang atensiyon ko sa paglalagay ng babaonin ko. Napahikbi naman siya.

"Nel... Sorry na..." Napapadyak akong humarap sa kanya.

"Sampung beses mo nang ginagawa 'to at ito ang unang beses na hindi ako nakatulog sa labas habang pinagpapantasyahan ng mga lamok," panimula ko.

"Kailan ka ba magtitino?" dagdag ko.

"Sa makalawa?" nakangiwi niya pang sagot.

"Ugh! Kung 'di lang kita kaibigan malamang sinabunutan na kita e! Iyong bayad sa upa, ibayad mo sa kuryente at tubig. Pagkatapos 'yong natira, ibili mo ng grocery natin tapos 'yong natira pa, ibayad mo kay Aling Lukring," bilin ko habang itinitirintas ang buhok ko.

"Huh? E? Malaki ang babayarin natin kay Aling Lukring 'di ba?" takang tanong niya.

"Binayaran 'yon ni Enzo kaya may utang na loob tuloy ako sa kanya."

Napatili naman siya. Tsk! Kanina lang may paiyak-iyak.

"Really? Oh my gee! So, am I forgiven na? At sino naman 'yang Mr. Enzo na iyan?"

Isinuot ko na 'yong doll shoes ko. Hindi ko na pinansin 'yong pa tungkol sa pang-uusisa niya kay Enzo.

"Linisin mo muna ang bahay. Alis na ako," paalam ko at lumabas na ng bahay. Pumara na rin ako ng jeeep.

"Nel I love you!" ngiting-ngiti niya pang pahabol sa akin.

"Love you more, Nica," tugon ko at tuluyan nang sumakay sa jeep.

PAGKARATING ko sa trabaho, agad akong nagpalit ng uniform ko.

"Tsk! Ang hirap kasi sa mga linta, mabagal kung kumilos," litanya pa ni Aira.

Napabuga ako ng hangin. Kalma Nel. Hindi ko siya pinansin at agad nang lumabas ng kitchen area para magsilbi sa mga customer.

"Nel!" Napalinga ako sa tumawag sa akin.

"Oh? Ate Moana," gulat ako nang makita ko siya pero hindi ko 'yon ipinahalata.

"Napadaan ka po?" segundang tanong ko.

"Kita tayo bukas, linggo naman e."

"May okasyon ba?" tanong ko.

"Wala naman, masama bang makasama ang pinsan ko?" Napatango na lang ako.

"Sige ate, balik na ako sa trabaho ko," paumanhin ko.

Nginitian niya lang ako. Nagtungo ako agad sa kitchen area. Ano kaya ang na kain niya? Sa tagal naming magkakilala bilang magpinsan ay ngayon niya lang ako niyaya. Siguro ay naiilang lang siya sa akin dati. Nagkibit-balikat lang ako.

BUT ONLY LOVE CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon