[BOLCT-FORTY-FIVE]

3.1K 80 0
                                    

[BOLCT-FORTY-FIVE]

ENZO'S POV

Here we are at park where me and Nel played skateboard last time when we tried to... You know, when I tried to be an idiot. Nah! Kalimutan na natin iyon. Me and Moana are difinitely done even if she always tries to bug me.

"Enzo!" Tawag ni Nel sakin habang nakasakay sa skateboard.

Kumaway lang ako sa kanya. Bawal na bawal na akong magpagod pero pinapakita ko sa kanya na maayos ako. Kinabahan ako ng husto kahapon dahil nasakto pa na siya ang kasama ko. Natatakot akong malaman niya ang totoo. Guilt is killing me. Making her belive that I am definitely fine is like a dagger that buried inside of my chest. My illness is killing me slowly. Minsan, sinisisi ko ang Diyos kung bakit ganito ang nangyari sakin. Kung bakit ako pa ang nagkaroon nito. Kung bakit kailangang may maiwan ako. Kung bakit napakasakit pa din sakin kahit na matagal ko ng tanggap ito. Maybe it's time for me to settle things now.

"Ayaw mo?" Bungad sakin ni Nel nang mahinto ito sa harapan ko.

"Nag-enjoy akong panoorin ka lang." Nakangiti kong sagot at inalalayan siyang maupo sa tabi ko.

"Ang aga mo akong ginising tapos ako lang pala ang maglalaro nito." Ginulo ang buhok niya.

"Then let's play..." Wika ko.

"Game!" Pareho kaming sumakay sa skateboard at sobrang saya niya.

I wish I could stop the time Nel. I wish I could turn back the days.

"Mahal na mahal kita..." Naibulong ko.

She gave me her sweetest smile. Napahapit ako sa beywang niya ng mahigpit para hindi ito mahulog.

"Saan mo gusto pumunta Nel?" Tanong ko.

"Exam na natin sa lunes." Sagot nito.

"Biyernes pa naman ngayon, ah." Dipensa ko. Napa-break ako upang mahinto kami sa pagtakbo.

"After exam nalang Enzo." Aniya.

"Ikaw ang bahala." Pinakasakay ko siyang muli sa skateboard at inalalayan ito. Ang saya niyang panoorin.

"Enzo, nagugutom na ako." Aniya. Napatango ako.

"Minute burger lang ang malapit dito." Napahinto ito sa pagpapatakbo ng skateboard.

"Masarap kaya iyon." Ginulo ko ang buhok niya at ako na din ang nagdala ng skateboard na hawak niya.

"Let's go..." Hawak-kamay kaming tinungo ang food stall. Napatigil ako sandali dahil bigla nalang lumabo ang paningin ko. Epekto na yata ito ng gamot ko.

"Bakit Enzo?" Puna sakin ni Nel. Napaakbay ako sa kanya at hinalikan ang buhok nito.

"May naalala lang ako Nel." Pagdadahilan ko.

Hinila ko na siya at nagpatiuna na ng lakad. My lives everyday are like a candle, it thaws me slowly. I should never waste it nor let it melts without doing nothing. I held her hand so tight.

"I love you very much Nel." I whispered in her ear.

She just pout on me and smiled so lovely.

"Order you want Nel. I'll wait here." I said. Tatlong dipa nalang kasi ang layo ng food stall sa amin.

"Sigurado ka?" Napatango ako.

"Go..." I let go of her hand and she walks forward, headed to the food stall.

It feels like I am a dust. The more the wind blows, the more I faded. I smiled at myself. God's will eh! And that wouldn't change.

"Tulala ka na naman." Hinawi ko ang buhok niya at isinukbit sa likod ng tainga nito.

"May iniisip lang." Napakagat ito sa burger.

"Ano naman?" I half smirked and smiled.

"Out of town after this exams." Napatigil ito sa pag nguya at gulat na napatingin sakin.

"Seryoso ka ba diyan?" Napatango ako at pinunasan ang labi niyang may ketchup gamit ang tissue.

"I am taking you to a place where we can hang out." I said. Mas lalo itong napangiti.

"Game ako diyan." I kissed her forehead. I want to spent my life being with you Nel.

MARINEL'S POV

The exam day...

Sa pagmulat ng mga mata ko ay nagpapasalamat ako sa diyos na siya ang una kung nakikita.

"Morning ..." Mahinang wika nito pero nakapikit pa din. Hinaplos ko ang buhok nito.

"Exam na natin ngayon." Paalala ko sa kanya. Pinulupot naman  niya sa beywang ko ang kanang braso niya.

"Alam ko..." Mahinang usal pa din nito. Bahagya akong natigilan at napabangon.

"Diyos ko Enzo! Ang dami mong pantal sa katawan." Napabangon ito at pumaling sakin.

"Allergy lang 'to Nel." Mariin akong napakagat ng labi ko.

Bakit ang dami niya kayang sakit ngayon at hindi ko maiwasang mag-alala ng husto.

"Sigurado ka?" Paniniguro ko.

Napatango lang ito at pumasok sa banyo niya. Napatakip ako ng aking mukha gamit ang mga palad ko. Heto na naman itong kakaibang kaba ang nararamdaman ko. Hindi ko maiwasang mangamba. May inililihim talaga si Enzo sakin. Bumaba na ako ng kama para makapag-ayos na. Panay ang pagbuha ko ng hangin. Nag-aalala talaga ako at hindi ako mapakali dahil sa mga napapansin ko kay Enzo.

"Nel..." Napabaling ako rito.

Nalaglag ko ang mga damit niya dahil sa pagkagulat. Lumabas ba naman ng nakatapi lang ng tuwalya.

"E-Enzo...magbihis ka na..." Natataranta ko pang sabi habang pinagpupulot ang mga damit nito. Grabe! Narinig ko namang napahagalpak ito ng tawa. Napanguso ako.

"Sige! Mang-asar ka pa." Inis kong sabi.

Lumapit naman ito sakin at kinuha ang isang polo shirt na hawak ko. Napalunok ako. Hindi ko maiwasang mapatitig sa katawan nito. Malutong itong napatawa.

"Masarap ako titigan?" Asar nito. Napairap akong kunwari.

"Pangit kaya!" He grinned.

"Mahal mo pa din." Sagot nito at tuluyan nang isinuot ang polo shirt na kanina lang ay nakasukbit sa balikat nito.

"Ewan ko sa'yo." Naiilang ko pang ani at napatakbo na papasok sa banyo.

Nakahinga ako ng maluwag. Para akong nasa sauna kanina dahil sa sobrang tense. Alam ko, magkatabi kaming natutulog pero hindi naman porke't magkatabi kami ay gagawa na kami ng milagro. Kahit papaano ay nirerespeto niya pa din ako.

BUT ONLY LOVE CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon