[BOLCT-TWENTY-SEVEN]
STILL MARINEL'S POV
*****
Nagtayo kami ng mga tent para may masilungan habang nag-aasikaso ng mga pasyente.
"Hi." Bati ng pinsan ko habang abala ako sa paglalabas ng mga antibiotics.
Matipid akung ngumiti kahit na may inis akung nararamdaman.
"So rude of you Nel." Mapait na saad nito.
"May ginagawa ako, kung maari lang? Mamaya na tayo mag-usap." Sabi ko pa at pinipilit na maging kalmado.
Ngayon lang ulit kami nagkausap simula ng magtalo kami. Tinalikuran ko na ito pero bigla naman niya akung hinawakan sa kaliwang braso ko.
"Akin lang siya, Nel." Mariing saad nito. Inalis ko ang pagkakahawak nito sa braso ko.
"Hindi ko alam 'yang pinagsasabi mo." Sagot ko at muli siyang tinalikuran.
Ang kapal ng mukha niya! May gana pa siyang sabihin iyon gayong halos isuka na niya si Enzo. Sa sobrang pagkainis ko ay napagpasyahan kung maglakad-lakad muna. Napadpad ako sa lugar kung saan may maliit din silang taniman ng strawberry.
"Gusto niyo po ba?" Alok sakin ng matandang nag-aani ng mga hinog na strawberry.
"Sige po." Agad na sagot ko.
Kumuha ako ng isang piraso pero laking gulat ko na may kakambal ito.
"Eh? Ano ho 'to? Forevermore ang peg?" Natatawa kung kumento.
"Naku ma'am, may ganyan ho talagang bunga pero hindi ko ho alam kung totoo iyong sinasabi nila sa teleserye." Sagot naman ni manang.
Kumikit-balikat lang ako at tipid na ngumiti. Pinaghiwalay ko 'yong dalawa at kinain 'yong isa. Bigla namang may bumangga sakin. Laking gulat ko nang makita si Enzo. Ngunit laking pagtataka ko sa pag-iiba ng anyo nito. Nakasuot ito ng sombrerong palos, may itim na hikaw din ito sa magkabilang tainga. Kumikinang din sa leeg nito ang suot niyang kwentas na may cross pendant. Nakasuot ito ng jacket na pahaba ang tabas, 'yong parang nasa korea na dress style. Ang angas ng dating nito at ang tindig nito, grabe! Wala akung masabi! Bigla namang kinuha nito ang strawberry na nasa kamay ko.
"This is mine..." Maangas na sabi nito sabay kain sa straberry at kinuha ang basket na hawak ni manang.
Mabilis itong naglakad palayo at hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko.
"Ma'am..." Untag sakin ni manang.
"Po?" Sagot ko.
"Tulala ho kayo. Pasensya ho doon kay Sir, order niya po 'yon."
Napalunok ako.
"Kasi 'yong---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may tumawag sakin bigla.
"Nel! Time for lunch now." Tawag sakin ni Enzo. Nagsalubong ang dalawang kilay ko.
Nakasuot ng Hospital uniform si Enzo at wala itong hikaw sa tainga. Napalapit ako agad sa kanya.
"Iba yata damit mo ngayon?" Taka ko pang tanong. Napakunot-noo naman ito.
"Huh? I never change my outfit Nel." Nakangiting sagot niya. Napaawang ang bibig ko.
"Ha-ha-ha!" Kunwarian kung tawa.
"Magkasama tayo kanina." Sabi ko pa.
"Are you sure Nel?" Natatawang sagot pa nito sakin.
"Magkasama kami buong oras Nel." Singit naman bigla ng pinsan ko. Hindi ko napigilang mapataas ng kilay.
"Namalikmata lang siguro ako." Sagot ko nalang.
"Tara Enzo, lunch na tayo." Yaya pa ni Moana.
"Sure, tara Nel." Baling din naman ni Enzo sakin.
"Hindi na Enzo. Umuna ka na." Tipid kung sagot at agad na lumayo sa kanila.
Pakiramdam ko ay parang gusto kung sabunutan ang pinsan ko. Nabwebwesit ako sa inaasta niya at hindi talaga maganda ang kutob ko.
BINABASA MO ANG
BUT ONLY LOVE CAN TELL
Literatura FemininaBut Only Love Can Tell. Kayanin kaya niya ang lahat ng dagok na darating sa buhay niya? Kakayanin kaya niyang tanggapin ang ang salitang.... "I can't be with you...anymore." Kakayanin niya kayang tanggapin na kailanman hindi na mababago ang lahat? O...