ILANG minuto lang din ay dumating na ang professor namin. Pinag-aabutan niya lang kami ng mga libro saka bumalik sa harapan namin.
"Okay guys, I need you to study what is written in that text books because tomorrow we are going to have a dry run for how to save patients who drowns in seas or swimming pools. Even not in the water area. It was just an examples anyway. By the way, kung sino man ang nasa likuran niyo, which is the second row. They will be your partners and each pair of you are going to demonstrate it. So practice the CPR now," paliwanag pa ng professor namin.
Natigilan ako sa narinig kong CPR. No way? Si Enzo ang nasa likuran ko. Napatakip ako ng mukha at napapadyak. Puwede ba mag-excuse sa dry run na 'to.
"Nel?" untag sa akin ni Enzo.
"Ano?" medyo wala sa mood kong sagot sa kanya nang lingunin ko ito.
"Let's practice the CPR," nakangisi niya pang sabi sa akin.
"Ha-ha-ha! Mag-practice ka mag-isa," inis kong sagot.
Diyos ko naman! Ang birhen kong mga labi.
"Andy dahan-dahanin mo lang ha?" Narinig ko pang paglalandi ng isang kaklase ko.
"Sure. Ako ang bahala," malanding sagot din ni Andy. Ang landi lang! Napatawa naman si Enzo na nasa likuran ko.
"Nel?" tawag niya sa akin. Pumihit naman ako sa likuran ko.
"Okay na ba?" tanong niya pa at wari ay masayang-masaya pa ang itsura niya.
"Ang alin?" taka ko pang tanong.
"Para sa date mamaya." Napakumpas ako sa ere.
"Oo naman!" sagot ko agad at humarap na ulit sa librong hawak ko.
Ang akala ko ay ikukulit niya sa akin iyong CPR. Kinabahan tuloy ako. Bakit kasi may ganoon pang dry run.
"Nel?" untag sa akin ni Enzo.
Tumabi pa talaga ito nang upo sa akin. Pambihira!
"Oh?" natataranta ko pang sagot.
Kinakabahan ako e! Inagaw naman niya sa akin 'yong hawak kong libro.
"Maybe tomorrow morning, we don't have class at the first subject. Practice tayo ng basics," sabi niya pa at nakatuon lang ang atensyon sa librong hawak niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa itinutukoy niya. Napaurong ako nang upo pero laking gulat ko nang maupo rin sa Andy sa kabila ko. Pasimple ko pa siyang pinandilatan pero nginitian
niya lang ako ng nakakaloko.
"Oo nga naman Nel. Sa swimming club kayo mag-practice. 'Di ba, tol?" segunda pa ni Andy.
Mas lalo yatang gustong lumuwa ng mga mata ko. Mariin kong tinapakan ang paa ni Andy sa ilalim ng lamesa kaya napadaing ito pero nakatawa naman siya. Kaasar!
"Yeah! I'll pick you up tomorrow Nel," sabi pa ni Enzo sa akin at nginitian ako.
"Seryoso?!" gulat ko pang sambit.
"Naman!" sagot naman ni Andy na nasa gilid ko.
Binagsakan ko ng libro 'yong kaliwang kamay niya na nakapatong sa mesa. Napadaing siya ulit pero sige pa rin sa pagtawa. Ang baliw lang!
"Of course," sang-ayon pa ni Enzo na napapatawa na rin dahil sa kakulitan ni Andy.
"Ha-ha-ha! Basics lang naman, 'di ba? Hi-Hindi na kasama 'yong..."
"Yeah! But we will do the major part," singit niya sa tanong ko at napakagat pa sa ibabang labi nito. Ang init! Mabilis akong napatayo.
"Call of nature!" sabi ko pa at nagkukumahog na tumayo at dali-daling lumabas sa klase.
Langya! Ang weird ng excuse ko! Call of nature!?
Napatampal ako sa noo ko. Wala man lang akong ibang naisip na alibay. Para rin akong gaga kanina. Kung ano-ano na kasi pumapasok sa kukute ko. Napatakip ako ng mukha at napapadyak sa sobrang kahihiyang nagawa ko. Wala sa katinuan pa akong naglakad nang hindi man lang nakatingin sa dinadaanan ko.
"Ops!" Narinig kong sambit ng kaharap ko kasabay nang pagbagsak ko sa sahig.
"Aw!" daing ko ng mahina.
"Oh god Nel!" sabi niya pa at agad akong inalalayang makatayo.
"What's wrong with you, Nel?" untag pa sa akin ni...
"Oh? Ikaw pala Enzo, sorry," nahihiyang paumanhin ko. Ang tanga ko talaga!
"Ayos ka lang ba? Are you hurt?" aniya pa habang sinisipat ng tingin ang kabuuan ko.
"Ha? Naman!" agaran kong sagot.
"Tara na sa klase," gayak niya pa sa akin at inagaw 'yong dala kong libro, matapos ay nagpatiuna na ito sa paglakad patungo sa susunod na klase namin.
Laglag balikat pa akong walang nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanya. Pagkapasok ko, agad akong umupo sa upuan ko. Napapagitnaan pa talaga ako ng dalawang adones. Si Andy sa kanan ko at sa Enzo naman ang nasa kaliwa ko. Sa mauuna lang na mauupo. Iyon na talaga ang puwesto mo sa sit plan.
"Magkaklase tayo sa lahat ng subjects?" baling ko pa kay Andy.
Ngumisi naman naman siya at napatango. Napangiwi na lang ako. Dumating naman bigla 'yong professor namin at pumuwesto na sa gitna.
"Hey, guys! Next week, we will be having a medical mission at Baguio so be there and bring these followings," paliwanag pa ng professor namin at isa-isa kaming binigyan ng maliit na coupon. Nakasulat dito ang lahat na kailangan naming dalhin.
Pupunta kami ng Baguio? Wala akong pera para sa medical mission na ito. Napatungo ako sa desk ko. Kinalabit naman ako bigla ni Enzo kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.
"Stop worrying. Let's go shopping at weekends. My treat Nel," nakangiti niya pang alo sa akin.
"Oo nga naman Nel. Libre nga rin ako ni tol e," segunda pa ni Andy. Nahampas naman siya ni Enzo bigla nang nilukot nitong folder.
"May sinasabi ka?" nagpipigil tawa pang tanong ni Enzo kay Andy.
"Wala! Ito naman, hindi na mabiro," nakanguso niya pang sagot. Napatawa na lang ako ng mahina dahil sa kakulitan nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
BUT ONLY LOVE CAN TELL
Chick-LitBut Only Love Can Tell. Kayanin kaya niya ang lahat ng dagok na darating sa buhay niya? Kakayanin kaya niyang tanggapin ang ang salitang.... "I can't be with you...anymore." Kakayanin niya kayang tanggapin na kailanman hindi na mababago ang lahat? O...
