[BOLCT-FORTY-THREE]
MARINEL'S POV
Napatayo naman bigla itong si Andy pagkapasok ni Enzo sa kwarto.
"Mauna na ako Nel, may pasok pa ako." Paalam nito.
Napatango ako bilang pagtugon. Kumaripas ito nang takbo palabas. Napailing na lamang ako at iniligpit na din ang mga pinagkainan namin. Napatitig ako sa kwartong pinasukan ni Enzo. Nag-aalala talaga ako sa kanya at hindi ko alam kung tungkol saan ang pag-aalala kong ito. Mukha siyang pagod pero hindi niya pinahahalata sakin iyon. Napabuntong-hininga na lang ako at sinimulan ko nang maglinis. Nilibot ko pa ang aking paningin sa kabuoan ng condo niya. Sobrang linis ng sahig. Nagwawalis pa ba sila dito? Iyong kalat naman na sinasabi ni Enzo sa kusina ay kaunting hugasin lang naman. Nanliit ako sa aking sarili. Talagang ipinapakita sakin na mas nakakaangat nga sa buhay si Enzo. May pamilya siya, may kaibigan at ako. Anong meron sakin, siya lang at si Nica. Napapilig ako ng aking ulo at sinimulan nang maghugas ng pinggan.
Matapos kung maglinis ay agad din naman akong nagbuklat ng aking mga libro. Sa dami nang babasahin ko ay parang sumasakit ang ulo ko sa dami ng kailangang tandaan. Napasulyap akong muli sa pinto ng kwarto ni Enzo. Malapit na ang tanghalian at hindi pa ito lumalabas simula pa kanina. Itiniklop ko ang mga librong naibuklat ko at tumayo. Lumakad ako at nahinto sa tapat ng kwarto nito. Napapakamot pa ako sa aking sintido dahil nag-aalangan akong kumatok sa pinto. Huminga pa ako ng malalim at kumatok ng tatlong beses. Wala akong narinig na may sumagot. Napapaisip ako kung tulog pa kaya siya hanggang ngayon. Kumatok ako ulit pero wala pa ding sumasagot sakin. Walang pag-alinlangan ko nang pinihit ang doorknob. Hindi ito naka-lock kaya sumilip na ako sa loob. Napatakbo ako agad kay Enzo. Pawis na pawis ito at bahagya pang nanginginig.
"Diyos ko! Enzo!" Naisambit ko sa sobrang pagkataranta. Sinalat ko ang noo nito at mukhang mataas ang lagnat niya."Nel..." Mahinang usal nito.
"Sandali lang..." Napatakbo ako agad sa kusina para kumuha ng planggana.
Kinuha ko na din ang bimpo ko sa maleta ko at pumasok na muli sa kwarto niya. Naghalungkat din ako ng medicine kit sa banyo niya at laking pasasalamat ko at nadala niya pala 'yong mga gamit namin sa laboratory. Bumalik ako sa kay Enzo at sinimulang pababain ang lagnat niya. Tinurukan ko din siya ng gamot para bumaba na ng tuluyan ang lagnat niya. Pinunasan ko ang buong mukha niya at idinikit 'yong coolfever sa noo nito. No choice kong winasak ang puting sando nito at tumambad sakin ang matipuno nitong katawan. Napalunok ako pero agad ko din namang itinakip ang kumot sa kanya. Pambihira! May sakit na nga, pinagnanasaan ko pa. Napabuga ako ng hangin matapos kong gawin ang lahat.
"Nel..." Mahinang usal nito. Ginagap ko ang kamay niya at marahang pinisil ito.
"Narito ako sa tabi mo Enzo." Mahinang wika ko.
Para itong nagdidileryo sa sobrang taas ng lagnat niya. Tumayo ako at naghalungkat ng dami sa closet nito. Dinampot ko iyong pulang sando niya. Napabuga ako ng hangin nang masagi ulit sa isipan ko ang napakahitik nitong pandesal sa katawan. Pinilig ko ang ulo ko at muling lumapit rito. Pinagpapawisan ito ng husto kaya imposibleng magamit niya rin itong sandong hawak ko. Itinabi ko na lamang ito at pinunasan nalang siya ng maigi. Tsinek ko din ang temperatura nito kung bumaba ba. Laking pasasalamat ko at bumaba ito ng kaunti mula sa 39°C to 38.5°C. Lumabas ako ng kwarto niya ng masiguro kong tulog na tulog na ito. Pagkaabot sa kusina ay naghagilap ako ng mga puwedeng lutuin para sa kanya. Napagpasyahan kong aroscaldo ang lulutuin ko para kay Enzo. Iyong akin naman, simpleng pancit canton ay ayos na sakin.
*****
Ilang minuto din ang ginugol ko sa pagluluto nang may mag-doorbell. Itinabi ko pa iyong sandok na hawak ko, pati na ang apron na suot ko. Lumapit ako sa pinto at binuksan ito.
"Anong ginagawa mo dito!?" Wika nito ng makita ako. Napaismid ako.
"Dito na ako nakatira." Sagot ko.
"What!? Are you serious? Bahay ito ni Enzo. Sino ka ba para tumira dito!" Bulyaw niya.
"Huwag ka nga sumigaw. Nakakahiya sa kapitbahay." Kalmado kong sita sa kanya.Itinulak naman niya ako ng malakas dahilan para matumba ako sa sahig. Namumuro na talaga siya!
"Huwag ka nga'ng epal! Pinsan lang kita at ako, ako ang nobya niya." Napatayo ako at muling inayos ang aking sarili.
"Sa pagkakaalam ko kasi, hiwalay na kayo. Correction din, pinsan lang kita sa papel at hindi kita kadugo kaya huwag mo ako tratuhin na parang isang pulubi na namamalimos ng pagmamahal ng isang pamilya!" Buwelta ko.
"How dare you!" Naningkit ang mga mata nito at handa na akong sugurin.
Mabilis ko siyang hinawakan sa magkabila nitong braso at buong puwersa ko siyang itinulak palabas. Isinirado ko ang pinto at napahugot ng malalim na hiningo. Napasapo ako sa noo. Mukhang mas lalo na yata siyang magagalit dahil sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
BUT ONLY LOVE CAN TELL
ChickLitBut Only Love Can Tell. Kayanin kaya niya ang lahat ng dagok na darating sa buhay niya? Kakayanin kaya niyang tanggapin ang ang salitang.... "I can't be with you...anymore." Kakayanin niya kayang tanggapin na kailanman hindi na mababago ang lahat? O...