[BOLCT-FIFTY]
STILL MARINEL'S POV
*****
Pareho kaming nakaupo ni Andy sa waiting area. Kanina pa din ako iyak ng iyak. Nasa loob pa kasi ng E.R si Enzo.
"Nel, sorry." Malungkot na wika ni Andy sakin at umiiyak na rin ito.
"Dapat kasi mas inalagaan ko siyang mabuti." Tila sinisisi nito ang sarili. Napailing ako at hinagod ang likod nito.
"Walang may kasalanan Andy." Napaayos ito ng upo at pinahiran ang luha.
"Tatawagan ko muna parents niya." Paalam nito at tinungo ang information desk.
Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang doctor na tumitingin kay Enzo. Napatayo ako at lumapit rito.
"Kamusta po siya?" Nanginginig ang mga tuhod ko sa sobrang kaba kung ano ang maaaring sasabihin ng doctor.
"He's stable now but I want to be frank. We can't do anything about his illness, I'm sorry. You can discharge him anytime. Excuse me." Nanlulumo akong napaupo sa narinig ko. Napatakip ako ng aking bibig upang huwag mapahagulhol ng matindi.
"Nel..." Napaangat ako ng tingin.
Wala pasubali akong napatayo at yumakap kay Andy."Andy...paano na..." Hindi ko na alam ang gagawin ko, kung maglulupasay ba ako o kahit ano, mawala lang ang sakit na nararamdaman ko.
"Make him happy, Nel. Please!" Humihikbing saad ni Andy sakin.
Napapikit ako ng mariin. Paano ko gagawin iyon kung pati sa sarili ko ay hindi ko makuhang maging masaya. Hinawakan ni Andy ang magkabila kong pisngi.
"Listen to me Nel. Make him happy, will you? Ipakita mo sa kanya na maayos ka. Ako na ang bahala sa lahat. Do you understand?" Napailing ako.
"Hindi ko kaya..." Umiiling kong sagot rito.
"Nel, kakayanin mo! Kaya mo! Hindi ito pakiusap Nel. Inuutusan kita." Niyakap niya akong muli.
"Umuwi ka sa bahay, mag-impaki ka, pati na ang mga gamit ni Enzo. Magkita tayo ulit dito." Habilin nito at umalis na.
Napahugot ako ng malalim na hininga. Wala akong lakas pero kailangang kayanin ko. Agad akong lumabas ng hospital at sumakay ng taxi. Pagkarating ko sa unit ni Enzo, ginawa ko ang mga inutos ni Andy sakin. Lutang ang utak ko habang nag-i-impaki ng mga gamit. Kung anu-ano na ang pinagsisilid ko sa maleta. Hindi ko nga alam kung magagamit ba itong lahat o hindi. Hindi ko alam kung saan ko pa nakukuha ang lakas ng loob para gawin ang mga bagay na ito. Si Enzo lang ang tanging laman ng utak ko ngayon. Matapos ko gawin lahat ay agad na akong tumungo sa hospital.
Sa entrance pa lang ng hospital ay nakaabang na si Andy sakin."Nadala mo lahat?" Salubong nito sakin. Napatango ako. Kinuha niya ang mga bagahe at ipinasok sa sasakyan nito.
"Sakay na Nel." Utos nito. Pagbukas ko ng pinto. Bumungad sakin si Enzo.
"Hey..." Mahinang usal nito.
Traydor talaga ang mga luha ko at panay na naman ang bagsak nito. Pumasok na ako sa loob at niyakap siya. Nahilig ito sa balikat ko at napayakap sakin.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Umungol ito at isiniksik ang mukha nito sa leeg ko.
"I'm fine Nel." Hinaplos ko ang buhok nito at masuyong dinampian ng halik sa noo.
"Matulog ka muna. Mukhang mahaba yata ang biyahe natin."
Pinipilit kong pasiglahin ang boses ko kahit na parang madudurog na ang puso ko. Kakayanin ko ito Enzo. Para sa'yo kakayanin ko.
*****
Lumipas ang ilang oras, narating namin ang La Union. Nagrenta si Andy ng isang pribadong beach house na puwede naming tuluyan ng ilang araw. Dito ang gusto ni Enzo, kung saan maaalala niya ang lahat ng surfboard events na dinadaluhan niya rito taon-taon. May kalayuan kami sa maraming tao pero mas mabuti na din naman ito para sa kanya. Napatanaw ako sa karagatan habang nakatayo sa beranda. Ang lakas ng hampas ng alon sa mga naglalakihang bato sa dalampasigan. Bigla naman may pumulupot sa beywang ko. Maingat nitong idinantay ang kanyang baba sa aking balikat.
"Bawal ka magpagod, 'di ba?" Wika ko. Napaungol ito at mahigpit na napayakap sakin.
"Okay lang ako, Nel." Napabuga ako ng hangin at napaharap rito. Nangingilid na naman ang mga luha ko sa mata.
"Hindi mo naman ako iiwan agad, 'di ba?" Ginawaran naman niya ako ng halik sa aking labi.
"May dalawang buwan pa ako kaya susulitin natin iyon." Sagot nito. Parang tinutusok ng patalim itong dibdib ko dahil sa sobrang sakit. Napayakap ako sa kanya ng mahigpit.
"Mahal kita na mahal kita, Nel." Bulong nito sa aking tainga. Bigla naman itong napakapit sakin.
"Anong masakit sa'yo!?" Nag-aalala kong tanong. Namutla kasi ito bigla at bahagyang nagbago ang expression ng mukha nito.
"Enzo..." Pukaw ko rito.
"I need to rest." Matipid na sagot nito.
Hindi na ako nagkumento pa at inalalayan siyang makapasok sa kuwarto namin. Maingat ko siyang inihiga sa kama at kinumutan. Nakatulog din naman ito agad at kalmado lang ang paghinga niya. Praning na siguro akong matatawang ngunit bawat oras laging minu-monitor ang kalagayan ni Enzo. Nag-aalala talaga ako ng husto sa kanya at sa bawat sulyap ng aking mga mata rito. Hindi ko talaga mapigilan ang aking emosyon. Tumabi ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"Mahal na mahal kita, Enzo." Huling wika ko bago ako tuluyang makatulog sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
BUT ONLY LOVE CAN TELL
ChickLitBut Only Love Can Tell. Kayanin kaya niya ang lahat ng dagok na darating sa buhay niya? Kakayanin kaya niyang tanggapin ang ang salitang.... "I can't be with you...anymore." Kakayanin niya kayang tanggapin na kailanman hindi na mababago ang lahat? O...