Natasha's POV:
Nakatingin ako sa bagong kasal na nasa harapan ko, nandito kami ngayon sa reception ng kasal nila Kuya at Zein. Kitang kita ko ang saya sa mukha nila at nagtatawanan pa at hindi ko maiwasang mainggit dahil na rin sa pangugulila na mayroon ako sa dibdib ko. Masaya ako para sa kanila 'yun ang totoo, pero mas sasaya siguro ako kung wala ako dito sa pinas. I don't want to see him again, tama na ng makita ko s'ya sa event sa Pampanga, sapat na 'yun.
Ngayon na nakikita ko na naman s'ya na kasama si Shane ay mas lalo lang akong nagagalit. Katulad ng sinabi ko, parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi ko akalain na aabot kami sa puntong kailangan naming pakawalan ang mga sarili namin dahil hindi kami pwede. Natawa ako sa isip ko, bakit ko ba iniisip ang ganitong bagay? Masaya na ako sa totoo lang at masaya na ako na mayroon akong tatlong tao sa buhay ko.
"Kiss!" sigaw ng mga pinsan ko kay Kuya na nakangisi na sa kanilang lahat.
Sa isang round table kami ng mga pinsan ko nakaupo kasama ang kani-kanilang asawa at nobyo. Malas rin dahil nasa tapat ko si Wade kasama si Shane na kausap niya at para akong hangin sa paningin niya at ganoon rin ako sa kanya. Ano bang pakielam ko sa kanya?
"Kiss na bilis!" nagtitilian na ang mga pinsan ko sa dalawa na nasa unahan.
Nagsigawan ang lahat ng hinalikan ni Kuya si Zein sa labi at sabay silang natawa. Iniwas ko ang paningin ko sa kanila at ininom ang wine na nasa harapan ko. Hindi nakakatulong dahil nandito si Faye, ang girlfriend ni Wade na nakalingkis sa kanya.
"Are you okay?" bulong ni Stella sa'kin at nakataas ang kilay.
"Bakit naman ako hindi magiging okay?" nakataas kilay na saad ko rin sa kanya.
"Alam mo, mas maganda ka pa sa kanya. Siksik lang ang dibdib niya pero sa'yo natural na malaki..." bulong niya na ikinangiwi ko.
Namula ang pisngi ko at kinurot ang braso niya. Natawa s'ya sa akin at tinignan si Wade na ngayon ay nakatitig na naman sa akin. Kumalabog ang puso ko sa hindi malamang dahilan dahil lang sa nakatitig lang s'ya sa'kin.
Maangas akong nagtaas ng kilay bilang pagtatanong kung anong tinitignan niya. Nawala lang ang tingin niya ng paharapin s'ya ni Faye at humalik sa labi niya kya doon ako napaayos ng upo. Kitang kita ko ang aliw sa mga mata ni Wade kakatingin kay Faye.
"Still the naughty girl I know..." baritonong boses ni Wade sabay hagkan kay Faye para yakapin ang bewang niya.
Kinagat ko ang labi ko at para akong nakalutang sa ere. Hindi ko alam kung dapat ba akong manatili dito o dapat na ba akong umalis nalang. Sa huli, nanaig ang gusto ko. Tumayo ako at lahat sila napatingin sa'kin na para bang kanina pa nila ako pinapanood.
"Comfort room," malamig na saad ko sa kanilang lahat.
Sinuklay ko ang buhok ko at eleganteng lumakad papunta sa loob ng hotel. Bukas kasi ay honeymoon nila at bukas rin ang pagbalik ko sa Italy dahil may naghihintay sa akin doon. Naglakad pa ako at panay ang tango sa mga bumabati sa'kin ng 'Magandang Gabi'.
"Excuse me. Where's the comfort room?" mahinahong tanong ko sa isang waiter.
"Diretso lang po kayo then, turn left makikita niyo na po doon ang comfort room..." magalang na saad niya.
Nginisian ko lang s'ya at mabilis na pumunta sa tinuturo niya at agad ang pagpasok ko. Tinukod ko ang kamay ko sa sink at pinakatitigan ang sarili ko sa malaking salamin. I'm wearing a purple dress kitang kita ang dibdib ko at ang pisngi nito, nakalugay ang buhok ko na may kulay tsokolate. Binasa ko ang pangibabang labi ko at mabilis na nag-ayos.
Napatingin ako sa pinto ng makita si Faye, kilala ko ang babaeng 'to at isang FHM model sa sikat na kumpanya. She's wearing a purple dress na kita rin ang dibdib niya, kagaya ng sinabi ni Stella siksik nga ang dibdib niya. I can't help but to stare at her, maganda s'ya, matangos ang ilong, at maputing balat. Expressive black eyes and a thick eyelashes, makurba ang katawan, at may masasabi sa buhay.
![](https://img.wattpad.com/cover/291592185-288-k129877.jpg)
BINABASA MO ANG
Mafia Series 3: Chasing The Heiress
ActionBecause of her combat prowess, Natasha Veronica Martinez is referred to as a mystery lady. Her organizers dubbed her a "phantom" in the morning and a basic architect in the evening. She makes a mistake because when she returns, the man she once love...