Chapter 47

6.1K 172 1
                                    

Natasha's POV:

Buong gabi kong binantayan si Wade dahil ayaw niya akong paalisin kahit anong pilit ko sa kanya ay ayaw niya. Kaya nilunok ko na naman ang pride ko at nanatili sa tabi niya dahil wala akong magawa. Gulat pa rin ako sa lahat ng sinabi niya pero hindi ako nagsisi na pinahirapan ko si Shane, wala s'yang karapatang umiyak dahil lang sa walang kwenta niyang paliwanag. Sinira niya kaming dalawa, pinamukha niya sa 'kin na may anak na sila at wala na ako.

Nag-aalala rin ako sa bata dahil masyado s'yang inosente sa lahat ng bagay. Napamahal na sa 'kin si Troy wala akong galit sa kanya kasi napakabata niya pa. Malambot ang puso ko pagdating sa mga bata dahil may anak rin ako.

"Daddy!" narinig ko ang boses ni Troy na kadarating lang kasama si Shane.

Tumabi ako at pinanood silang magyakapakan. Hinaplos ko ang tiyan ko at pinanood silang dalawa na mag-usap. Tinignan ko si Shane na hindi maipinta ang mukha at nakatingin sa 'kin kaya tumingin rin ako sa kanya. Hindi ko alam na sarili kong kadugo ay tatraydurin ako. She's so kind way back then, naging malapit ako sa kanya dahil palagi kaming magkasama.

"Daddy, what happened you? I woke up without you by my side," sambit ni Troy habang nakaupo sa gilid ng kama.

"I'm sorry, buddy. May nangyari lang na hindi maganda," mahinahong sambit ni Wade.

Kaysa makinig sa mga pinag-uusapan nila ay minabuti kong lumabas. Kakagising ko lang at nagugutom ako dahil na rin sa cravings ko. May humablot sa braso ko kaya napahinto ako at napatitig kay Shane, taas baba ang dibdib niya kaya naman kumunot ang noo ko.

"Anong kailangan mo?" kalmadong tanong ko at lumayo dahil baka may gawin s'yang hindi maganda at mapamahak ang baby ko.

"Pwede ka nang umuwi. Ako na ang magbabantay kay Wade at hindi mo ba nakikita na masaya na kaming dalawa? I love him at ayokong nagkikita kayong dalawa. Anong iispin ng bata?" seryosong sambit niya.

Natawa ako. "Talaga? Kasi kung masaya nga kayong dalawa bakit ako ang tinawagan at sinabihan na kailangan niya?" nakangiting sambit ko sa kanya.

Nagtagis ang panga niya. "Pwede ba? Kaysa nandito ka asikasuhin mo ang fianceè mo! Wag ka nang sumawsaw pa sa'min," sambit niya sa galit na tono.

Humalukipkip ako. "7 years, Shane and you lied to us. Kaya what would you expect from me? Kung dati naga-adjust ako para sa'yo at kay Troy, hindi na ngayon. You make him so sick! Can't you see him? Binuhay niya ang anak mo sa ibang lalaki, pinaniwala mo s'ya na anak niyo si Troy. You make us separated when we decided to get married. You're selfish," mariing sambit ko sa kanya.

"I love him! Ginawa ko 'yun dahil mahal ko s'ya! Pwede bang magpaubaya ka nalang! You have your fianceè for pete sake kaya ano pang dinidikit dikit mo kay Wade?!" Si Shane sa galit na boses at nakita ko ang pagtatagis ng panga niya.

Lahat ng nurse ay napatingin sa aming dalawa. Umayos ako ng tayo at galit ring tinignan s'ya dahil ang kapal ng pagmumukha niyang sabihin na layuan ko si Wade. I believe in her! Ginawa ko ang tama at iniwan si Wade dahil alam kong magiging masaya sila. Pero ngayon? Hindi ko na kaya.

I slapped her. Yes. I slapped her so hard dahil lahat ng galit sa katawan ko ay umakyat. Lahat ng nurse ay gulat na gulat dahil sa sampal ko. Matunog at malutong kaya naman nagdugo ang labi ni Shane.

"How dare you? Ginawa ko ang lahat para sa inyo! Ginawa ko ang alam kong tama dahil hindi ko kayang mabuhay 'yung bata ng walang ama! Tangina ako ang nagparaya para sa'yo! Kaya huwag na huwag mo akong uutusan na layuan si Wade dahil simula pa lang akin s'ya. Akin ang lalaking inagaw mo!" singhal ko sa kanya at nanginginig ang mga kamay ko kaya tinago ko sa likod ko.

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon