Chapter 12

7.8K 206 20
                                    

Wade's POV:

Hanggang sa makauwi ako tanging laman ng isip ko ay ang paglapat ng labi ni Natasha sa tainga ko papunta sa leeg ko. Napapikit ako at huminga ng malalim, hinawakan ko pa ang leeg ko at ang tainga ko. Naginit ang pisngi ko dahil parang first time kong mahalikan sa leeg at tainga kaya natawa ako. Mabilis akong naligo at kaagad na nagbihis pantulog.

Niyakap ko ang unan ko at tumitig sa buwan, I can't move on with her voice. I sighed and close my eyes, marami pa akong gagawin bukas. Maaga palang ay nagising na ako dahil sa alarm na isinet ko, ginulo ko ang buhok ko at tamad na bumangon and sat on my bed.

Everytime that I bring girls here in my condo, hindi ko sila dinadala sa kwarto ko. Sa guest room ko with a plain sheet of bed and a plain room, doon ko dinadala ang mga babae ko. Ayokong madumihan ang sarili kong kama, tamad kong kinuha ang cellphone ko at nakita ang pangalan ni Faye.

"Hello, Faye?" paunang bati ko at sumandal sa headboard ng kama ko.

[Wade! God! I've missed you, babe!] Si Faye sa masayang boses.

I chuckled. "Hmm. I miss you, too..." pabirong sambit ko kaya narinig ko ang nagpipigil na tili niya.

[Sayang, we don't have a date today. I'm in Madrid at ilang buwan ako dito for my shoot. Babawi ako sa'yo okay?] malambing ang boses niya.

"Sure, take care..." sambit ko nalang habang hawak ang leeg ko.

[Oh, sige na ha? Tinawagan lang kita to say na I miss you. See you soonest, Wade. I love you...] malambing na sambit niya kaya napalunok ako.

Binaba ko ang tawag at natulala pa ng ilang sandali bago naligo para sa trabaho ko ngayon. Kaagad kong sinuot ang itim na pants at isang maroon na v-neck t-shirt dahil sa opisina na ako magpapalit. Kinagat ko ang labi ko at kaagad na sinuot ang shades ko, mabilis akong sumakay sa elevator. Kailangan kong i-check ang dalawang branch ng Tasha's Pizza and Brownies shop.

Lumabas ako at tumango lang sa mga kakilala ko, tinapik ko ang bago kong biling Jeep Commander. Ngumisi ako at agad na sumakay at hinagis ang bag ko at pinaandar ko kaagad papuntang Laguna para tignan ang shop. Kada linggo ay bonding session naming magkakaibigan dahil na rin ayaw namin na mahiwalay sa isa't-isa.

Mabuti nalang rin may mga kasama pa akong single sa barkada namin. Mas mabuting ganoon para may kasama ako sa mga kalokohan ko, nakarating ako sa Laguna kung saan nakatayo ang medyo kalakihang shop. Tinignan kong mabuti ang shop mula sa malayo kitang kita ko ang apat na maliit na upuan at bench.

Napapaligiran ng matatayog na pine trees ang paligid ng shop, puro glass wall ang kabuaan kaya kitang kita ko ang mga waiter na nandoon. Napangiti ako at kaagad na naglakad papunta doon, tumunog ang bell at kaagad nila akong binati na nginitian ko lang.

"Good morning. Maayos ba ang lahat?" pagtatanong ko sa kanila na abala sa costumers.

Brown and white ang kulay ng buong shop, si Reina ang gumawa nito kasama si Kent. Hindi nila alam kung para kanino 'to at mananatiling sikreto. Wala pang second floor dahil gusto kong s'ya na ang magd-desisyon sa bagay na 'yun. May isang pabilog na lamesa na gawa sa glass at apat na malambot na silya ang nakapaligid dito.

May mga paintings din na nakadikit sa dingding at iilang mga abstract lalo na ang gitara sa dingding. Anim na tauhan ang nagt-trabaho dito at tama lang ang suweldo nila. Moderno ang disenyo at dirty white ang tiles ng buong pasilyo. Ilang taon rin simula ng lumago 'to.

"Marami po ang costumer dito, Sir. Kaya maayos naman po ang pamamalakad namin dito katulad ng habilin ninyo..." sambit ni Tessa, isa sa mga head ng mga waitress.

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon