Natasha's POV:
Tahimik akong pumasok sa silid ni Wade, hindi ko nakalimutang mamangha sa kwarto. Isang malaking kama sa gitna maraming unan at komportable naman, sa gilid ko ay ang malaking closet, kitang kita ko pa ang iilang mga nakahanger na damit. Katabi nun ay ang banyo, napatingin ako sa kaliwa at kitang kita ang buwan mula dito dahil sa glass window.
Napalunok ako at marahang naglakad papunta sa kama, itim at puti ang kabuaan. Nanunuot ang pabango ni Wade sa buong silid, hindi ko maiwasang mapangiti dahil hindi pa rin nagiba ang pabango niya. Hindi ko alam kung kailan ako tatagal dito, kung sisirin ko man ang dagat malamang patay na ako bago makarating sa dulo.
Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang gawin ang bagay na 'to. Naisip ko si Emmanuel, malamang nag-aalala na sila sa 'kin at baka mamaya nagtawag na ng mga pulis para mahanap ako. Tumingin ako sa tahimik at payapang dagat, walang kahit na ano maski ang mga bangka na pwede kong magamit.
Nangilid ang luha sa mata ko dahil paniguradong hahanapin ako ng mga anak ko. Nagdahilan lang ako sa kanila dahil nagulat ako sa presensya ni Wade, ayoko na malaman niya ang tungkol sa mga bata. Pagod na pagod na akong magsalita, gusto ko nalang manahimik. Pinunasan ko ang luha sa mata ko dahil wala nga talaga akong magagawa para makatakas.
Niyakap ko ang unan at tahimik na umiyak dahil nag-aalala ako sa mga anak ko. He's a bastard for taking me here! Paano na ang trabaho ko? Paano na ang mga anak ko? Peste naman na kung kailan ikakasal na ako doon pa niya naisipan na gumawa ng ganitong plano. Ano pa bang gusto niya sa 'kin? He have his own family! 'Yun naman ang matagal niya ng gusto, to have his own family.
Dahil sa pagod nakatulog rin naman kaagad ako, nagising ako dahil sa araw na tumatama sa mata ko. Napabangon ako at napabuntong hininga dahil akala ko panaginip lang, bumangon ako at pumunta sa kwarto siguro maghahalungkat nalang ako sa closet niya. Nagbihis lang ako ng isang itim na t-shirt hanggang tuhod ko ang haba, napakagat ako sa labi ko.
I have no undergarments here! Anong isusuot ko? Alangan naman na ibalandra ko ang katawan ko? Sinuot ko ang boxer niya! Bahala na. Namula ang pisngi ko nang napahinto sa salamin, para akong bata sa suot ko. Gusto niya talagang ganito ha? Papahirapan kita Wade! Hangga't sa sumuko ka! At maisip mo na pakawalan ako sa kung saan man ako.
Pagbukas ko ng pinto ay ang likod ni Wade ang nakita ko, he's freaking topless! Napakurap ako nang magtama ang paningin naming dalawa, napaawang pa ang labi niya at pinasadahan ako ng tingin. Tumikhim ako at malamig na tinignan s'ya na pinilig ang ulo.
"You have to eat baka nagugutom ka na..." kalmadong sambit niya.
"I want to go back," kalmadong sambit ko kaya napatingin s'ya sa 'kin at binalik rin ang tingin sa stove. "Wala akong gagawin dito! Anong gagawin mo sa'kin? Hindi ako preso!" dagdag ko sa mariing boses.
He sighed. "No," seryosong sambit niya at nilapag ang ginataang crab kaya natakam agad ako. "Hindi ka babalik, dito ka lang," dagdag niya sa malamig na boses.
"P-pero may naghihintay sa 'kin." natikom ko ang bibig ko dahil sa lamig ng tingin niya.
Hindi niya ako pinansin at pinagusog ako ng upuan, wala akong nagawa kung hindi umupo dahil kumakalam na ang tiyan ko sa gutom. Tinignan ko lang ang pagkain ko, wala akong ganang kumain dahil naiisip ko lang ang mga anak ko. Tinignan niya ako at pinagtaasan ng kilay.
"Eat," maotoridad na sambit niya at pinagsandok ako ng kanin.
"W-wade...g-gusto ko nang bumalik..." mahinang sambit ko at napatingin s'ya sa 'kin. Halos magmakaawa na ako sakanya na ibalik ako.
Mahigpit ang kapit niya sa kutsara at nakatiim ang panga kaya kinabahan ako. Kahit gusto kong kumain hindi pwede dahil gusto kong makausap s'ya, gusto kong maintindihan niya na hindi ako pwede dito.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 3: Chasing The Heiress
ActionBecause of her combat prowess, Natasha Veronica Martinez is referred to as a mystery lady. Her organizers dubbed her a "phantom" in the morning and a basic architect in the evening. She makes a mistake because when she returns, the man she once love...