Chapter 67

6.5K 169 0
                                    

Natasha's POV:

Ilang linggo rin ang pinahinga ni Wade bago namin siya ilabas ng hospital, naka-usap ko na rin ang mga magulang ni Emmanuel. Okay naman sa 'kin na ilabas nila si Emmanuel, wala akong pakielam dahil kailangan kong asikasuhin ko si Wade. Namiss ko na rin ang mga anak ko kaya I want to spend my time with them. 

Ganoon rin si Shane, ang sabi ni Mommy kakausapin niya daw si Tita para magkalinawagan na. Ani ko kaya ko naman kaso mapilit si Mommy kaya hinayaan ko nalang rin baka mapakiusapan pa ni Mommy si Tita.

"You are welcome, Ma'am," kalmadong sambit ko sa mag-asawang San Diego na tunay na magulang ni Emmanuel.

"Kung hindi dahil sa'yo hindi pa namin makikita ang anak namin. We lose my friend, pero dahil sa ginawa niya sa anak ko hinding hindi ko siya mapapatawad kahit pa patay na siya," aniya sa seryosong boses.

I smiled. "Naging mabuti sa 'kin si Emmanuel at sa palagay ko mas maiging bigyan niyo siya ng oras para makapag-isip," sambit ko.

Pagkatapos nang sandaling pakikipag-usap ay inasiko ko na si Wade. Sumakay ako sa kotse ko at tinignan siyang nakapikit habang nakasandal sa upuan niya.

"Hindi ka muna magt-trabaho ha?" mahinahong sambit ko.

"Baby, I need to work. Paano ko kayo bubuhayin kung palagi akong nasa condo?" aniya sa marahang boses at tinignan ako.

I sighed. "Ilang araw lang naman. I just want to make sure na magiging maayos ka kaya huwag nang matigas ang ulo," sambit ko habang pinapaandar ang kotse pauwi sa condo.

I heard him sighed and nod his head. Nakarating kami sa condo at inalalayan ko siya pababa dahil hindi pa rin hilam ang sugat niya.

"Good afternoon," pagbati ko sa mga empleyado na nagugulat pa rin dahil sa palagi nila kaming nakikitang magkasama.

Naka-akbay sa 'kin si Wade habang nakasakay kami sa elavator. Nang tumunog ang elevator ay kaagad naming tinahak ang unit niya kung nasaan sina Waybe. Binuksan ko ang pinto at naabutan sina Wayne na naglalaro sa tablet nila kasama si Lucky.

"Mommy!" si Warren at kaagad akong niyakap sa bewang. "Daddy, are you okay na?" dagdag niya at marahang niyakap si Wade.

"Yes, nakita ko na kayo eh," nakangiting sambit ni Wade at ginulo ang buhok ni Warren.

Pumasok ako sa kwarto at inayos ang gamit ni Wade. Umupo ako at hinilot ang sentindo ko dahil sa sobrang pagod ko, humiga ako sa kama at pinikit ang mga mata ko dahil hindi ko alam kung ilang oras ba akong babad sa trabaho nitong nakaraan.

"Hello?" unang sambit ko matapos sagutin ang cellphone.

[X, natapos na namin ang pinapagawa mo. Mr. Henz are now dead,] narinig ko ang boses ni Blue.

"Really?" nakangising sambit ko at kinuha ang laptop sa side table.

[Yes, lahat ng pinapagawa mo sa 'min ay tapos na,] batid kong nakangiti si Blue.

Dati naisip ko na ibigay na lang kay Blue ang Organization. Dahil sa lahat ng tauhan na hawak ko siya ang bukod tanging pinagkakatiwalaan ko. Gusto kong nasa tamang kamay ang organization na binuo ko ilang taon na ang nakalipas.

"Blue, tipunin mo lahat ng tauhan ko. May malaking announcement ako bukas," kalmadong sambit ko.

[Makakaasa ka, Phantom,] aniya sa mahinahong boses.

Huminga ako ng malalim at napatingin sa pintuan nang makita si Wade. Ngumiti ako sa kanya at marahang tinapik ang katabing unan ko, niyakap niya ako galing sa likod at hinalikan ang pisngi ko.

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon