Wade's POV:
Nasapo ko ang noo ko nang mabasa ang dalawang sulat galing sa Navy sa America at sa States. Pinapatanggal nila ako sa mababaw na dahilan, naglagay pa talaga ng pocket money para sa serbisyo ko sa kanila. Dalawang malaking Navy Seal ang nawala sa 'kin at alam kong may ipon ako at malaki 'yun pero hindi ko akalain na matatanggal ako ng ganito kabilis. Limang taon ako sa ibang bansa, I create a name and they'll fired me? Ang babaw na dahilan.
Tinanggal nila ako dahil hindi daw sapat ang credentials ko para sa kanila. Tinanggal rin nila ang pagiging mataas ko! Hindi ko akalain na matatapos sa ganito ang lahat. 5 years kong pinaghirapan ang makapasok sa malaking Navy Seal sa bansa para na rin sa pangalan ko, tapos ganito?
Pagkarating ko sa opisina ko ay sandamakmak na papel ang nasa lamesa ko, anila utos daw ng Chief na gawin ko lahat ng kaso na nakalatag sa 'kin. Lahat ng report ay ako ang gagawa, I asked them kung bakit ako ngunit wala silang sinabi. Pumunta pa ako sa itaas para lang magtanong pero ang sinabi lang nila sa 'kin ay.
"Gawin mo lahat ng 'yan kung ayaw mong mawalan ng serbisyo sa larangan ng pagmimilitar..." maotoridad na utos ng Chief nang magtanong ako.
May parte sa'kin ang nagagalit at nanghihinayang sa nawala kong oportunidad. Anila maghanap daw ako ng tatanggap sa 'kin at nang sa ganoon hindi masayang ang pinaghirapan ko. Tell me, paano ako makakapasok kung 'yun ang pangarap kong kumpanya? Hindi ko alam bakit nagkakaganito ang buhay ko! Karma ba? Ano na naman bang ginawa ko?
Kaya maghapon wala akong kinausap maski isa sa kanilang lahat, kahit mga babae ay wala akong kinausap. Inubos ko ang oras ko para sa trabaho na kailangan ko pang dalhin sa itaas para mai-check. Hindi ako kumain kahit na pinadalhan ako ni Brent ng tanghalian at snack sa opisina ko. Kailangan kong matapos 'to dahil baka ito naman ang mawala sa'kin.
"Sir, ito na ang report nung nakaraan. Nandiyan na rin ang iba't-ibang kaso na natapos namin," mahinahong sambit ko sa kanya.
Inayos niya ang salamin at tinignan ang papel. "Okay na 'to, ayusin mo ang mga pinadala ko sa opisina mo. Kailangan ko sila hanggang mamayang gabi lalo na ang mga kasong natapos nung nakaraang linggo," aniya sa striktong boses.
I gave him a salute. "Yes, Sir," magalang na sambit ko at tumalikod para makalabas sa opisina.
Napahinga ako ng malalim at sinuklay ang buhok ko, dalawang toreng papel pa ang kailangan kong tapusin. Sumalampak ako sa swivel chair habang kagat ang ballpen, inayos ko rin alphabetically ang mga kaso na tinatapos namin. Maski ang report namin nung nakaraan ay ako rin ang nag-ayos. Halos maduling na ako sa kakabasa pero okay lang, ayokong mawala sa 'kin ang trabaho ko.
"Wade, kape ka muna..." sambit ni Clever pagkapasok sa opisina ko.
"Ilagay mo nalang diyan. May mga tatapusin muna ako..." saad ko sa kanya na hindi man lang s'ya tinignan.
"Pasensya ka na kung hindi ka namin matutulungan, kagaya mo ay may inutos rin sa'min..." sambit niya at tinignan ang mga papel na nasa harapan ko.
I smiled. "It's okay, kaya ko naman ang mga 'to. Siguro baka hindi ako matapos sa isang araw dahil tambak," natatawang sambit ko sa kanya.
He tapped my shoulder and said his goodluck. Natawa nalang ako sa kaibigan ko, napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog at si Shane. Kinuha ko 'yun at nilagay sa loud speaker para makapagtrabaho ako ng maayos.
"Bakit napatawag ka Shane?" tanong ko habang inaayos ang mga papel.
[Wade...] umiiyak na sambit niya kaya natigilan naman ako. ['Yung mga design ko! Nasabotage at lahat ay sira na pagdating ko sa opisina ko! Tinanggal rin nila ako sa fashion show para sana sa mga gown na ginawa ko! I loose it, Wade! Matatanggal pa ata ako sa trabaho!] dagdag niya sa humahagulgol na boses.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 3: Chasing The Heiress
AcciónBecause of her combat prowess, Natasha Veronica Martinez is referred to as a mystery lady. Her organizers dubbed her a "phantom" in the morning and a basic architect in the evening. She makes a mistake because when she returns, the man she once love...