Natasha's POV:
It feels like hell dahil hindi ako makakilos ng maayos dahil na rin sa morning sickness ko as a pregnant. Sobrang hirap mabuti nalang napapaki-usapan ko si Lucky na samahan ako sa kung saan man ako magpunta. Hindi ko sinabi sa kanya na si Wade ang ama dahil alam ko kung gaano kagalit si Lucky sa kapatid niya. Ayoko rin munang ipaalam sa buong mundo na buntis ako.
As a heir of a billionaire mahirap dahil lahat sila ay nakikita ang bawat galaw naming magkakapatid. May mga medias at iba pang kung anu-ano at wala ka talagang takas sa kanila. Nung sinabi ko kay Mommy na buntis ako ay halos mahimatay s'ya dahil alam niya kung gaano kagulo para sa'min ni Wade. Mabuti nalang rin at napakiusapan ko s'ya na ilihim muna ang lahat, ayoko ng magdagdag ng problema dahil pagod na pagod ako.
I've been investigating Emmanuel's case at wala pa rin kaming lead puwera nalang sa nakita namin sa CCTV. Bandang alas-onse ng gabi nakita s'yang sumakay sa Van at 'yun ang una naming lead. Masyado ring ilap sina Tita Lucy at ayaw akong palapitin sa bangkay ni Emmanuel kaya naman nagtataka ako. Alam kong galit sila sa 'kin pero gusto ko ring makita si Emmanuel, ayokong manghinala na may itinatago sila pero malakas ang kutob ko na mayroon.
Today is my sister's wedding at babae pala ang anak niya. One month na ang anak nila at kanina ko lang nakita dahil nakavideo call ko silang dalawa. It's feel nostalgic because I witnessed how they loved each other and there's a time na naghiwalay sila at ako ang naging takbuhan ni Stella natatawa nalang ako kapag naalala ko ang araw na 'yun.
Wearing a pink spaghetti dress na hanggang ibaba ng tuhod ko ang haba, puting stiletto at nakasuot rin ako ng jacket dahil mahamog at baka mapano ang baby na nasa tiyan ko. Nagpacheck-up talaga ako at inalam ko rin kung ano ang mga bawal at hindi. Tumingin ako sa salamin dahil namumutla na naman ako dala ng pagsusuka kanina pa. Kakagaling ko lang rin sa Texas para sa project na ginagawa ko doon.
Matapos kong mag-ayos ay lumabas na ako at tinignan kung nakahanda na ba silang lahat. Ako ang inutusan ni Stella to be her wedding organizer at syempre pinagbigyan ko na ang bunso namin dahil baka magtampo. Tinignan ko ang set-up sa gitna ng dagat at napangiti. May magkabilang upuan at katabi ang mga pulang rosas na nakahilera sa gilid. Sa dulo ay nandoon upuan para sa kanilang dalawa.
Ilang araw nang magsimula kaming ayusin ang lahat. I want it to be perfect. Gusto kong maging maayos ang buong wedding ceremony kaya naman naghanda ako ng mga tauhan sa paligid kung sakali mang may hindi magandang mangyayari. May mga mission pa akong hindi natatapos kaya baka siguro kapag may free time ay gagawin ko kahit pa ayaw ni Mommy.
"Mommy..." nakangiting sambit ko sa kanya na nakasuot ng pink na tube dress at kitang kita ang hubog ng katawan.
"You look good. Are you okay? Wala bang masakit or wala ka bang nararamdaman? Nahihilo?" nag-aalalang tanong niya.
I smiled. "Wala naman po at maayos naman ang pakiramdam ko sa ngayon..." natawa ako sa kanya at niyakap ang bewang niya.
Even if she's in her 40's marami pa ring humahanga at nagkakagusto kay Mommy. Halatang walang anak dahil sa ganda ng katawan at sa makalaglag brief niyang kagandahan kaya naman bakod na bakod s'ya ni Daddy. Dahil may mga businessman na nag-aalok kay Mommy at palihim na may gusto sa kanya kaya naman natatawa kaming dalawa ni Mommy kapag naabutan si Daddy na tinatawagan ang tauhan niya para bantayan si Mommy kapag nasa ibang bansa.
"Kinausap mo na ba si Wade tungkol dito? Balita ko ay nasa hospital s'ya," napa-angat ako ng tingin sa kanya at napakurap.
"H-hospital?" pagtatanong ko at kumabog ng malakas ang dibdib ko.
"Hmm. Ang sabi sa 'kin ni Pamela ay na-aksidente daw si Wade dahil sa sobrang kalasingan. Paggising daw ay nagwawala at ikaw ang hinahanap," pagkukuwento niya at tinignan ako.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 3: Chasing The Heiress
ActionBecause of her combat prowess, Natasha Veronica Martinez is referred to as a mystery lady. Her organizers dubbed her a "phantom" in the morning and a basic architect in the evening. She makes a mistake because when she returns, the man she once love...