Wade's POV:
Kaagad kaming umahon matapos naming mag-usap, walang imik si Natasha at naiintindihan ko naman 'yun. Masyado ata akong naging mabilis, nagpapadala na naman ako sa emosyon ko dahil hindi ko naman kasi mapigilan lalo pa't nakikita ko ang labi niya. Kahit anong pilit ko sa sarili ko na wag hahalikan o titignan ay hindi ko magawa dahil nakaka-akit. Hinawakan ko ang bewang niya at kaagad na iniangat sa itaas.
Sumunod kaagad ako at binigay sa kanya ang towel. Tahimik akong nagpunas habang s'ya ay nakatalikod sa 'kin, ngumuso ako dahil kitang kita ko ang tattoo niya sa likod niya. Hindi ko maintindihan ang tattoo niya dahil masyadong maliit at hindi ko makita. Humarap s'ya sa 'kin at blangko ang tingin sa 'kin, ako ang umiwas ng tingin dahil para akong napapaso.
"Do you want to eat?" pagtatanong ko sa kanya matapos ilagay ang tuwalya sa balikat ko.
Tumaas ang kilay niya at hindi ako sinagot, ngumisi ako at kaagad na nalaman ang gusto niya dahil kilala ko si Natasha. Kapag nakakakita s'ya ng seafoods or adobong manok ay natatakam na kaagad s'ya. Tinignan ko pa s'ya na masungit na naglakad papasok sa kwarto kaya natawa ako at pumunta sa banyo na nasa labas para na rin makapagluto ng maaga.
Pinuntahan ko s'ya sa kwarto at nakitang nakabihis na s'ya, kaagad s'yang sumunod sa 'kin sa lamesa. Pinagsilbihan ko s'ya at wala kaming imikan, naiilang ako at alam kong s'ya rin. Well, nasanay na ako na tamad na magsalita si Natasha. Hindi na nabago ang ugaling 'yang ganoon.
"Natasha..."
"Wade..."
Sabay kaming natigilan, napatitig ako sa kanya at ganoon rin s'ya sa 'kin. Tumikhim ako at nag-iwas nang tingin sa kanya, huminga ako ng malalim. Why am I being like this? Hindi dapat ako ang mailang diba? Hindi ba dapat s'ya? What the heck?
"Mauna ka na..."
"What do you want to say?"
Sabay na naman kami kaya parehas kaming natawa, natigilan ako at napatitig sa kanya. Napakaganda talaga ng ngiti niya, ngumuso s'ya nang makitang nakatingin ako sa kanya. Ngumuso rin ako at umupo na sa katapat niyang upuan para kumain.
"Hanggang kailan ako dito?" kalmadong tanong niya, hindi nakatingin sa 'kin kundi sa plato niya.
I sighed. "Hanggang sa puntong maayos na tayo," seryosong sambit ko sa kanya.
"Alam mong hindi na natin ma-aayos ang lahat. I'm getting married anytime soon, if you're not kidnapping me then, sana nakapaghanda na ako," seryosong sambit niya.
"Natasha..." pigil ang galit ko kaya napatitig s'ya sa 'kin. "How many times do I have to tell you that you're not allowed to involve any person here. Tayong dalawa lang ang nandito, tayong dalawa..." mariin ang boses na sambit ko sa kanya.
Bumuntong hininga lang s'ya at halos matigilan ako sa lambot ng mga mata niya. Alam kong ayaw niya akong kasama pero sana naman wag niyang ipamukha sa 'kin. Umiwas ako ng tingin at kaagad na tinapos ang pagkain, ang kaninang maganda kong mood ay nawala dahil lang sa sinabi niya. Alam niyang wala ako sa mood kaya naman hindi na s'ya nagsalita at tahimik na kumain. Ako na rin ang naghugas at nag-iiwasan kaming dalawa, ayokong magalit, ayokong may masabi akong hindi maganda kaya mas mabuting itikom ko ang bibig ko.
Pumunta ako sa kwarto at nakita ang cellphone ko, tinago ko ang cellphone ko dahil baka maisip ni Natasha na tumawag sa kapatid niya. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nakitang si Tita Shekinah, napakunot ang noo ko at kaagad na sinagot ang tawag.
"Yes,Tita? Bakit napatawag po kayo?" marahang sambit ko.
[Wade, hijo...] ramdam ko ang pagod sa boses ni Tita. [Kanina ka pa hinahanap ni Shane, ayaw niyang kumain man lang o kaya ay lumabas. Gusto ka daw niyang pumunta dito, we're here in the hospital dahil nahimatay si Shane kanina kakaiyak. Maski si Troy ay nadadamay na dahil kanina pa rin tahimik at nakatingin kay Shane,] dagdag niya sa mahinahong boses.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 3: Chasing The Heiress
AcciónBecause of her combat prowess, Natasha Veronica Martinez is referred to as a mystery lady. Her organizers dubbed her a "phantom" in the morning and a basic architect in the evening. She makes a mistake because when she returns, the man she once love...