Natasha's POV:
Kinaumagahan nagising ako dahil mamayang gabi gaganapin ang engagement party namin ni Emmanuel. Ilang linggo ko na ring hindi nakikita si Wade at mabuti rin 'yun, sa loob ng ilang linggo ay nanatili ang mga anak ko sa Siargao. I bond with them at masaya akong nage-enjoy sila sa Siargao, everytime I see them nabubuhayan ako ng loob. Sana nalang hindi nila hanapin ang ama nila.
Natatakot lang naman ako na baka masaktan ang mga anak ko lalo pa't may pamilya si Wade. Hindi rin ako pinalaki bilang kabit nino man, kaya mas mabuti nalang rin na malayo sila sa mga taong makakapanakit sa kanilang lahat. Wala akong pakielam kung magalit sila sa 'kin dahil para sa kanila ang ginagawa ko at kahit anong gawin nila hindi ko kakayanin na masasaktan ang mga anak ko.
Lumabas ako at naglakadlakad at napahinto lang ako sa gym room dahil sa narinig kong tawanan. Nakaawang ang pinto kaya sumilip ako at nakita si Mommy at si Daddy na nasa loob, nakakandong si Mom kay Daddy na nagl-lifting habang nakangisi. Tawa ng tawa si Mommy habang nakayakap sa leeg ni Daddy.
"Come on, baby! Aminin mo na tumaba ka talaga!" Si Daddy sa nang-aasar na boses.
"What? Hindi kaya!" Si Mommy sa iritadong boses at mas yumakap sa leeg ni Daddy.
"Dati kayang kaya kita, ngayon hindi na..." nang-aasar na sambit ni Daddy.
Napailing ako at napangiti dahil hanggang ngayon nakikita ko ang pagmamahal sa kanila. Huminga ako ng malalim at kaagad na bumaba, wala sila Jake at si Cruzette gayun rin si Alexander na nag-aaral na. Tahimik ang buong bahay dahil wala naman ang mga kapatid ko, nagpakuha lang ako ng pagkain.
"O, Honey gising ka na..." narinig kong sambit ni Mommy nang makita ako.
I smiled. "Madami akong kailangan tapusin ngayon Mommy..." marahang sambit ko sa kanya.
She sat beside me. "Mamaya na ang engagement party mo, sigurado ka na ba talaga?" wala sa sariling tanong niya.
Kumunot naman ang noo ko at pinagmasdan s'ya. "Mom? We already talked about this," seryosong sambit ko sa kanya.
Alam kong ayaw ni Mommy ang ganito, ang gumamit ng tao para pagtakpan ang nararamdaman ko. Pero anong magagawa ko? Gustuhin ko mang manahimik at mamuhay ng payapa ay hindi ko magawa. Napupuno ng galit ang puso ko sa lahat, naghihiganti ako to feel satisfied.
"I trusted you..." mahina ngunit seryosong sambit niya. "Hindi kita pinalaki na manggamit ng tao para lang punan 'yang sakit na nasa puso mo. Pero kung ito lang rin naman ang makakapagpasaya sa'yo then, I go with you," kalmadong sambit niya habang hinahaplos ang pisngi ko.
I hugged her. Sumiksik ako sa balikat ni Mommy at tahimik na kinimkim ang lahat ng hinanakit ko sa buhay. Matapos nun at nagsabay na kaming kumain ng agahan, tahimik ako at nakikinig lang sa usapan nila. Tungkol sa negosyo at kung minsan ay nakikisabat ako.
"Si Shane daw ay pinalayas sa bahay na tinutuluyan. Kinuha daw ang lupa at ang bahay kaya, nandoon s'ya ngayon sa condo," biglang sambit ni Daddy habang nakatingin sa 'kin.
"Huh? Bakit?" nagtatakang tanong ni Mommy sa kanya.
Natigilan ako at napainom ng tubig, tinignan ko si Daddy nang blangko. Ayokong malaman niya na ako ang dahilan, masyado na akong nagagalit. Wala akong pakielam kung magalit sila sa 'kin ngunut gusto ko lamang maghiganti. Tumingin ako sa pagkain ko at pinagpatuloy ang pagkain kahit nag-uusap sila.
"Hindi pa alam kung sino ang bumili. Galit na galit si Shekinah at si Leo..." narinig ko pang sambit ni Daddy.
Tinapos ko ang pagkain ko at kaagad na tumayo, napatingin sila sa 'kin. Nagtaas si Daddy ng kilay at tinignan ako kaya blangko ko silang tinignan. Ayokong malaman nila ang ginagawa ko, hindi nila alam kung gaano ako nasaktan.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 3: Chasing The Heiress
AksiBecause of her combat prowess, Natasha Veronica Martinez is referred to as a mystery lady. Her organizers dubbed her a "phantom" in the morning and a basic architect in the evening. She makes a mistake because when she returns, the man she once love...