Chapter 63

6K 158 2
                                    

Natasha's POV:

Ngayong gabi ay ang malaking pasabog, plinano ko na ang lahat nang matapos na itong kahibangan ng mga Santiago. Hinanda ko simula sa maliit na detalye hanggang sa pinakamalaking detalye. Siniguro ko na maayos at pulido ang plano na ginagawa ko, gusto ko nang makasama ang mga anak ko. Lalo pa't nabalitaan ko ang nangyari sa kanila, galit ako oo, gusto ko na ngang sumugod doon.

Nararamdaman ko 'yun dahil sa nakakabit na bracelet sa kanila sa bandang pulso. Ramdam ko kapag natatakot, kinakaban, at iba pang puwede nilang maramdaman. Tutunog ang laptop ko at alam ko na kaagad kung may nangyari ba sa kanilang masama.

Bumaba ako dahil tinawag na ako para kumain ng hapunan, diretso ang lakad ko papunta sa kusina kung nasaan silang lahat. Umupo ako sa tabi ni Emmanuel na ngumiti sa 'kin kaya ngumiti rin ako pabalik at tinignan silang lahat.

"Malapit na nating matapos ang plano, mapapabagsak na rin natin ang mga tarantadong sumira sa ating mga pinaghirapan. Naaamoy ko na ang tagumpay!" Si Tito sa masiglang boses at ngumiti ng malaki.

"Kaunting tiis nalang at makukuha na natin ang hustisya para sa atin. Gusto ko na gawin mo pa rin ang palagi mong ginagawa, Sasha. Gusto kong lumpihin mo pa rin sila nang hindi na sila makalakad," si Tita sa seryosong boses.

I smirked. "Sisiguraduhin kong malulumpo silang lahat," malamig na sambit ko habang nakatingin sa mga mata niya.

Isa pa pala may nalaman ako sa background ni Emmanuel when he was in Madrid. Akala ko wala nang mas sasama sa kanya, pinataksilan niya ako ng ilang beses. At alam ninyo kung ano ang dahilan? She got another girl pregnant ayokong sabihin kung sino dahil nag-aalab sa galit ang puso ko.

Hindi ako umimik at nagbilang sa isip ko. Malapit na at kaunting oras na lang, tahimik kong tinapik ang bawat daliri ko sa lamesa habang pinapanood silang mag-usap tungkol sa mga plano nila sa mga magulang ko. Gusto kong ngumisi at sabihing malapit na silang mamamatay ngunit pinipigilan ko ang aking sarili dahil alam kong masisira ang ilang buwan kong plinano.

"Aakyat muna ako sa itaas gusto ko lang magpahinga," malamig na paalam ko sa kanila.

"You okay honey?" pagtatanong ni Emmanuel at bakas sa mga mata niya ang pag-aalala.

Ngumiti ako ng peke. "Oo naman, kailangan ko lang magpahinga..." kalmadong sambit ko.

Tumango siya at inalalayan akong makatayo, tinignan ko muna silang lahat at tumalikod. Sa pagtalikod ko lumabas ang ngising kanina ko pa pinipigilan, dahan dahan akong naglakad papunta sa itaas at nagbilag ng 30 seconds. Bawat hakbang ko sa enggrandeng hagdan nararamdaman ko na ang excitement sa buong katawan ko.

"20..." pagbibilang ko at binuksan ang pintuan ng kwarto ko.

Sinuot ko ang proteksyon para sa tiyan ko at pinatungan ko rin ng isang itim na hoodie, black skinny jeans, at isang high heel boots. Tinali ko paitaas ang buhok ko at sinuksok sa magkabilang gilid ko ang baril at iba't-ibang klasing kutsilyo.

"Sino kayo?" narinig kong sigaw sa ibaba kaya mas lalo akong napangisi. "Anong kailangan ninyo sa amin?" dagdag na sigaw ng kung sino man.

"Nasaan ang anak ninyo? Kailangan namin siya! Ilabas ninyo kung ayaw ninyong pasabugin ko ang buong bahay ninyo!" alam kong si Kuya 'yun dahil kahit nakavoice changer siya kilalang kilala ko ang boses niya.

Bumaba ako at nakita sila Emmanuel na nakatayo at may hawak na baril, nakita ako ni Kuya at kaagad siyang sumenyas sa mga tao niya. Bago pa sila makarating sa 'kin ay inisang sipa ni Emmanuel ang mga tao ni Kuya at tumakbo siya papunta sa 'kin.

"Hindi ninyo makukuha ang asawa ko! Dadaan muna kayo sa 'kin!" Si Emmanuel at tinago ako sa likod na para bang napakahina kong nilalang.

Tinignan ko sila at nakita si Wade sa dagat ng tao. Mariin at matalim ang tingin niya sa 'kin kaya nagtaas ako ng kilay.

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon