Wade's POV:
Nang masigurong maayos na ang lagay ni Natasha ay umalis na ako dahil may kailangan kaming gawin sa Siargao. May nakapagsabi kasi sa amin na may lead daw na nandoon si Emmanuel at 'yung babaeng kasa-kasama niya. Kapag nalaman kong niloko niya si Natasha babasagin ko ang mukha niya sa mismong harapan ni Natasha. Naging mabilis ang pagsakay namin sa eroplano dahil free service naman sabi ng Chief namin.
Hindi ko alam bakit natutuwa ako na pupunta ako sa Siargao. Parang may naghihila sa akin na pumunta doon dahil piling ko may naghihintay sa akin sa mismong lugar na 'yun. Madami kaming ginawa sa buong linggo na nasa trabaho ako, hindi rin mawawala ang minsanang pagtawag sa akin ng mga magulang ni Shane.
Nakikiusap sila Tita na kung maaari ay puntahan ko si Troy o si Shane. Hindi pa rin pala nila alam at nakakatawa na hindi takot gumawa ng bata si Kuya pero takot na takot na sabihin na may anak na siya. Galit pa rin ako dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na niloko nila ako sa loob ng pitong taon.
"Hanapin ninyo ang posibleng puntahan ni Emmanuel sa buong isla. Kailangan nating makakuha ng ebidensya dahil alam ninyo ang sinabi ni Natasha. Hindi natin siya pwedeng biguin lalo pa't napakalaking kaso nito," paliwanag ni Chief.
Hindi rin nagtagal ay nakarating kami sa Isla. Napakaganda talaga ng Siargao at na-alala ko palagi kaming nandito ni Natasha kapag monthsarry namin. Huminga ako ng malalim at kaagad na bumaba dala ang duffel bag ko. Ilang araw daw kami dito kaya naman nagpaalam ako kay Natasha na kaagad rin namang pumayag.
Kitang kita mula sa kinatatayuan ko ang payapang dagat. Marami rin ang dumarayo dito dahil sa napakagandang ambience ng buong isla. Naglakad kami at may nakikita pa akong mga kakilala kaya naman ngumingisi nalang ako sa kanila. Pumunta kami sa hotel kung saan kami mananatili ng tatlong araw.
"Bukas na bukas rin maguumpisa tayo. Alam kong pagod kayong lahat at bibigyan ko nalang kayo ng oras para makapaghanda," sambit niya at sumaludo naman kami sa kanya.
Kaya naman buong maghapon nagpahinga kami. Kausap ko lang si Natasha buong magdamag kaya naman hindi ako nabored sa suit ko. Buong maghapon rin naghanap kami at nagtanong sa mga tao dito dahil sikat na modelo si Emmanuel at hindi kami mahihirapan sa pagtatanong sa kanya.
"Madalas nga po siyang nandito sa isla. Madalas ay may binibisita siya dito at ang natatandaan ko ay dalawang bata 'yun. Minsan po ay kasama niya si Ma'am Natasha dahil palagi silang nasa dagat," paliwanag ng staff ng hotel.
Napataas ang kilay ko dahil nabanggit niya si Natasha. Palaging nasa dagat ha? Tumango ako sa babae at lumipad na naman ang utak ko kung papaano nagkasama sila ni Natasha nang ilang taon. Tinatanong ko pa rin sa kanya kung talaga bang may naramdaman siya kay Emmanuel sa loob ng pitong taong magkasama silang dalawa.
Kumikirot ang puso ko. Bigla ay nakaramdam ako ng insekyuridad dahil kahit saang anggulo tignan ay mas nakasama niya si Natasha kaysa sa akin. Tanga mo kasi Wade hindi ka nag-iisip. Pero teka? Sinong dalawang bata na binibisita ni Emmanuel? Kailangan kong malaman 'yun.
Kinabukasan ay naghanda na kami para sa paghahanap namin ng anong bakas na nag-uugnay kay Emmanuel. Nagbihis ako ng maong shorts at isang black v-neck t-shirt na paborito ni Natasha. Bumaba ako at sumakay sa elevator nang bumukas ang pinto ay kaagad akong pumunta sa lamesa kung nasaan silang lahat.
"Bro, usap-usapan ka dito. Madaming chicks na nag-aabang sa'yo," pagkukuwento ni Clever.
Napakunot naman ang noo ko. "Hindi ako interesado," simpleng sambit ko sa kanya.
Tumawa si Brent. "Bantay sarado niyan si Miss Natasha kaya naman wala siya palagi sa office," natatawang sambit niya.
I smiled. "Buntis kasi kaya kailangan kong bantayan," sambit ko at nagulat naman silang lahat.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 3: Chasing The Heiress
ActionBecause of her combat prowess, Natasha Veronica Martinez is referred to as a mystery lady. Her organizers dubbed her a "phantom" in the morning and a basic architect in the evening. She makes a mistake because when she returns, the man she once love...