Natasha's POV:
Malakas pa rin ang kalabog ng puso ko habang nasa loob pa rin ako ng sasakyan, hindi ko alam na nandito ang team nila. Dahil ang sabi sa'min ay kami lang ang nandito, kung sabagay mga militar sila kaya naman alam nila kung ano ang nangyayari sa lugar. Tingnan ko pa sila Lovely at si Sassy na kinakausap pa rin si Wade habang nakakunot ang noo ko at humalukipkip.
"Get in, girls..." maotoridad na sambit ko sa kanilang dalawa.
Iniwas ko ang paningin kay Wade na nakatingin pala sa'kin at kunot ang noo. Huminga ako ng malalim at kaagad na sinarado ang bintana, hindi rin nagtagal ay kanya kanya na silang pagpasok. Tinanggal ko ang maskara ko at sinuklay ang buhok kong nakalugay hahang tinignan ko pa sila na nagkuwekuwentuhan tungkol kay Wade.
"He's so hot! Those biceps and his chest..." I heard Lovely said and she giggled.
"I hope we have a mission here in the Philippines. I want to see that guy again, he's freaking gorgeous!" Si Sassy sa kinikilig na boses at hinawi ang maikling buhok niya.
Napa-angat ang kilay ko at sumandal sa upuan, hindi na kataka-taka 'yun dahil guwapo nga si Wade. Plastik ako kung hindi ko sasabihin 'yun, he's more matured now lalo na ang matikas niyang pangangatawan. Tumingkad rin ang pagkamoreno niya pero namumula pa rin kapag naarawan, mas naging matangkad ata s'ya dahil hanggang dibdib lang ang mata ko kapag nakatingin sa kanya.
I couldn't denied it, girls love him so much. He had this charisma and he's charming smirk that everyone would love to see. Lalo na ako.
"Straight to the Airport. I'm going home to my Mom in Laguna, give me your report tommorow. It's a good job for everyone..." seryosong sambit ko sa kanilang lahat.
"You wouldn't come with us, superior?" tanong ni Bullet na nasa driver seat.
"No, I want to visit my family here in the Philippines..." sambit ko na ikinatango niya.
Hanggang sa umandar ang sasakyan ay hindi pa rin nila tinitigilan ang pagpuri kay Wade, I rolled my eyes. Kung alam niyo lang kung gaano kababaero ang taong 'yun. Pinilig ko ang ulo ko at kinalikot ang cellphone ko para kamustahin ang mga anak ko sa Italy. Napangiti ako nang makitang naglalaro sila, Tamara send me a pictures, s'ya ang nagbabantay sa mga anak ko sa Italy.
To: Tamara
Please, take care of them. Baka hindi ako makauwi ngayon, im visiting my Mom here. Send my regards to them.
Mabilis kaming nakarating sa bahay, tumango lang ako sa kanila. Kumaway ako at hinatid sila ng tingin hanggang sa mawala sa paningin ko ang kotse na ginamit namin. Huminga ako ng malalim at kaagad na pumasok sa loob, naabutan ko si Mommy na karga si Alexander na nakanguso doon.
"Mommy!" pagtawag ko kaya nilingon niya ako at nanlaki ang mata niya.
"Natasha..." mahinang saad niya at niyakap kaagad ako kaya napangiti ako. "I miss you, anak. Ngayon ka lang umuwi..." dagdag niya sa malumanay na boses.
Umupo ako sa sofa matapos halikan si Alexander. "May mga tinapos lang ako sa trabaho, remember I have mission here so, binisita ko nalang kayo. Dito ako matutulog..." malumanay na sambit ko at nagkibit balikat.
"Oh, I forgot. Ang daddy mo ay nasa trabaho na, kakaalis lang. At ang Kuya mo at si Stella ay mamaya pa pupunta, mabuti at ikaw ang nauna. Sila Cruzette kasi ay nasa school kasama ang kapatid mong si Jake..." imporma niya at tinignan ako.
"I see..." tumango ako. "Mabuti naman na pupunta sila dito, malapit na rin ang kasal nila Stella..." dagdag ko nang maalala ang kasal ng kapatid ko.
She smiled. "Yes, she's 3 months pregnant. Nagulat rin ako pero masaya naman kami ng Daddy mo para sa kanya..." sambit niya at malambing akong niyakap kaya natawa ako.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 3: Chasing The Heiress
AksiBecause of her combat prowess, Natasha Veronica Martinez is referred to as a mystery lady. Her organizers dubbed her a "phantom" in the morning and a basic architect in the evening. She makes a mistake because when she returns, the man she once love...