Chapter 68

6.3K 153 2
                                    

Wade's POV:

Napailing nalang ako, excited masyado si Lolo na magkaroon ng apo sa aming dalawa ni Natasha kaya naiintindihan ko kung bakit ganoon ang tanong niya. Tinignan ko si Natasha at ganoon rin siya sa 'kin, parang nag-uusap ang mga mata namin kaya tumango ako sa kanya. I knew her, hindi siya masyadong palasalita at gusto niya palaging pasikreto ang kung ano man ang nangyayari sa amin.

Kapag maraming nakaka-alam, maraming mangingielam.

"Yes, Lolo. She's 3 months pregnant with my child," nakangiting sambit ko at tinignan si Daddy.

Gulat ang rumehistro sa mukha ni Daddy, Kuya, at Francheska pero si Lolo ay nanatiling nakangiti at nakamasid sa amin. Pinisil ko ang kamay ni Natasha kaya tumikhim siya at nagsalita.

"Nito ko lang rin nalaman, kaya naman sinikreto namin ang tungkol dito. Ayokong malaman nino man na may anak ako, magulo pa sa ngayon kaya iniingatan ko lang ang sarili ko dahil apektado ang baby na nasa loob ko," aniya sa kalmadong boses.

Hindi niya talaga ako kailan man binigo, pinapahanga niya talaga ako sa araw-araw na magkasama kaming dalawa.

"Alam na ba ito ni Tristan?" Si Daddy sa kalmadong boses.

Natasha nod her head. "Yes, Tito. Alam na rin ni Mommy ang tungkol dito," aniya sa mahinahong boses.

Tumikhim si Lolo. "Don't get me wrong hija. Ang alam nang lahat ay fianceè mo na si Emmanuel. May plano ka ba tungkol doon?" mahinahong sambit ni Lolo.

Napatikhim ako at tinignan si Natasha, walang kaba at nanatiling seryoso ang mukha niya. Pinatong ko ang kamay ko sa hita niya at mataman siyang pinagmasdan.

"I'm going to have a press conference about that issue. Alam kong may agam-agam pa rin kayo sa kung anong mayroon sa amin ng apo ninyo, I want to protect him, I know what I will do dahil ayokong masira si Wade," mahinahong sambit niya.

"Babe..." mahinang bulong ko at napalabi dahil parang may kung anong kumikiliti sa katawan ko.

Tumango si Lolo at pinaghanda na ng pagkain ang mga kasambahay na naka-abang lang. Pinagsilbihan ko si Natasha dahil may mga pagkakataon na maselan siya sa pagkain.

"Ilayo mo ang chicken fillet please," aniya sa mahinang boses at halatang pinipigilan niya ang pagsusuka.

"Oh," nataranta ako at marahang inusog ang chicken. "What do you what to eat, then?" pagtatanong ko at pinunasan ang bibig niya.

She gulped. "Stop what you're doing! Lahat sila nakatingin sa atin kaya..." aniya sa nahihiyang boses.

Napatingin naman ako kila Mommy at tama nga si Natasha, napapahiyang tumikhim ako at umayos ng upo. Narinig ko ang pagtawa ni Lolo at ang pagpipigil niyang ngumisi habang hinahati ang meat niya.

"Ano na ang plano ninyo? Alam niyong ayaw ni Tristan ang hindi pinapakasalan ang anak niya. Now that you're having a baby, what are your plans Wade?" si Daddy sa seryosong boses.

Napalunok ako at matapang siyang tinignan. "Papakasalan ko si Natasha," pinal at seryosong sambit ko.

Nakita ko ang ngiting kumukubli sa labi niya. Hindi pa kami nakakapag-usap ni Daddy, pero matagal ko na siyang pinatawad sa lahat ng ginawa niya. Ngumiti ako sa kanya at marahang tumango bago ibaling ang atensyon kay Natasha. 

"Maayos naman po ang kalagayan ko, bukas na bukas ay magpapatingin ako sa Doctor tungkol sa anak ko. You can visit my twins if you want," aniya sa mahinahong boses.

The dinner went well, panay ang pag-uusap nila tungkol sa negosyo namin. Napag-usapan rin ang tungkol kay Shane kaya matapang kong sinabi ang lahat ng plano ko  para hindi madamay ang mga anak ko.

Mafia Series 3: Chasing The Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon