Natasha's POV:
I feel satisfied na unti-unti kong nakikita ang paghihirap nila Shane, wala akong pakielam sa kung ano man ang magiging resulta nito. Gusto nila ng sakit diba? Gagawin ko! Wala akong pakielam. Hindi para sa kanila ang ginagawa ko kundi para sa sarili ko at sa ikakatahimik ng buong pagkatao ko. Ang kapal niyang hingin na s'ya nalang at wag na ang mag-ina niya, ano namang pakielam ko?
Nakaupo ako sa shop kung nasaan ang paborito kong brownies na may peanut. Ganun rin ang paborito kong iced coffee vanilla, kuhang kuha nila ang swak sa panlasa ko. Mas natuwa ako dahil nandito rin ang Hawaiian Pizza na gusto ko, kapag nandito kasi ako nagiging payapa ang isip ko. Maganda ang ambiance ng buong shop at hindi nakakasawa ang pagkain.
"Ma'am, may nagpapabigay po sa inyo..." halatang kinikilig na sambit ni Tessa, isa sa mga nakilala ko sa shop.
"Ha? From whom?" nagtatakang tanong ko at kinuha ang bulaklak.
Napasinghap ako nang makita ko ang paborito kong bulaklak, ang orange tulips. Natulala ako sandali at inamoy ang bulaklak na paborito ko, nagagandahan talaga ako sa tulips. Maski dito sa shop ay punong puno ng orange na tulips, tingnan ko ang card at agad na binasa ang laman nang card.
It's nice seeing you from afar. Smile, Lady.
Walang nakasulat na pangalan at letter lang. Nagkibit balikat ako at baka isa lang sa mga admirer ko, hindi ko maitatanggi na ito ang palaging binibigay ni Wade sa 'kin. Gustuhin ko mang itapon ang bulaklak na 'to hindi ko magawa dahil paborito ko ang mga ito. Kapag nakikita ko silang namulaklak ay nakakagaan sa pakiramdam.
"I want brownies and iced coffee please..." sambit ko habang nagtitipa sa laptop ko.
Luluwas si Emmanuel dito sa laguna at dito muna s'ya for good at masaya ako. Kilala naman s'ya ng pamilya ko pero ramdam ko ang pagkagusto ni Daddy sa kanya, hindi ko alam. Mabuti na lang rin at makakapunta dito si Emmanuel, wala kasi akong katulong sa pagdisenyo ng mga sketch ko. Madalas sa kanya ako nanghihingi ng tulong para na rin matapos ko kaagad.
"Here's your order, Ma'am," sambit ni Tessa, naging close ko na rin s'ya at mas matanda lang s'ya sa 'kin ng dalawang taon.
Buong maghapon ay ginugol ko ang oras ko para sa trabaho ko at nang sa ganun ay makauwi ako sa dalawa kong anak. Balak ko kasi na dalhin sila sa Siargao sa rest house ko. Gustuhin ko man na sa Palawan sila dalhin ay ayoko lalo pa't alam kong madalas si Wade doon at baka makita niya pa ang mga anak ko. May malaki akong villa sa Siargao, hindi naman siguro maiinip sina Warren doon lalo pa't malapit sa dagat.
Napangiti ako sa naisip ko at kada maiisip ko silang dalawa nawawala ang galit ko. Palagi akong tahimik na nagdadasal na sana mapatawad nila ako kung sakali mang hanapin nila ang ama nilang dalawa. Ayokong madawit ang mga anak ko sa kung ano man ang mayroon kami ni Wade, ayokong masaktan silang dalawa.
[Nakahanda na kami para puntahan ang tatlong tao na nakalagay sa death list. Kagaya ng sinabi mo...] sambit ni Blade nang mapatawag ako.
Ngumisi ako. "Papunta na ako diyan..." maikling sambit ko.
Tinapos ko ang lahat ng templates na kailangan kong ipasa mamaya, dahil baka sa susunod na araw ay bisitahin ko ang pinapagawang bahay sa Baguio. Nakapunta na ako doon at gusto kong tumira doon kasama ng magiging pamilya ko sa hinaharap. Mabilis na tumakbo ang oras at pagabi na kaya naman kaagad akong nagmadali dahil kailangan kong tapusin ang kahayupan nang tatlong 'yun.
Naging layunin ko na ipaghiganti ang mga kababaihan laban sa mapang-abusong mga tao, hangga't kaya kong lumaban para sa kanila ay gagawin ko. I wouldn't mind if I'll be dead but I promise them na gagawin ko ang lahat para sa hustisya ng mga kababaihan. Girls are weak to even find for their justice pero ibahin nila ako, kahit lumuhod o magmaka-awa ka sila sa 'kin wala akong sasantuhin. Kahit anak ka pa ng isang billionaire.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 3: Chasing The Heiress
AksiBecause of her combat prowess, Natasha Veronica Martinez is referred to as a mystery lady. Her organizers dubbed her a "phantom" in the morning and a basic architect in the evening. She makes a mistake because when she returns, the man she once love...