Natasha's POV:
Days goes by and I'm really enjoying my day with him, wala akong iniisip dahil puro ngiti at tawa lang ako. Minsan, hindi ko na iniisip ang pwedeng mangyari kapag pumunta na kami sa laguna at kinakabahan ako. Ginagawa ko ang ganito para sa mga anak ko dahil gusto ko silang bigyan ng kumpletong pamilya. I want them to feel like having a complete family, nilunok ko lahat ng pride na mayroon ako. Dahil balang araw maghahanap sila sa 'kin, hahanapin nila ang Papa nila.
Nagising ako dahil sa boses ni Wade, mukhang may kausap s'ya habang hinahaplos ang balikat ko at panay ang halik sa sentindo ko. Palaging ganito kapag gigising ako kaya sobrang sarap matulog dahil katabi ko s'ya, it makes me comfortable when I'm with him. Bagay na hindi ko naranasan kay Emmanuel, we slept in one bed pero hindi katulad kay Wade masarap akong matulog. Pinilig ko ang ulo ko.
"Mom...may mga doctor naman na pwedeng mag-alaga sa kanya. I'm busy right now at mas importante pa ang kasiyahan ko dito," narinig kong sambit niya.
Dinilat ko ang mata ko dahil rinig ko ang boses ni Tita, kaagad s'yang napatingin sa 'kin. Ngumiti ako at inalalayan niya naman ako paupo, sinuklay ko ang mahaba kong buhok at sumandal sa headboard ng kama. Hinalikan niya ang labi ko at niyakap ang braso ko, napakagat labi ako at ang aga aga ay ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Mom...hayaan niyo naman akong magpahinga..." pagod ang boses ni Wade. "Hindi pwedeng palagi nalang ako ang inaasahan niya at isa pa nandiyan naman sila Tita," dagdag niya sa mahinahong boses.
Napalunok ako. Marahil may sakit na naman si Shane, humigpit ang kapit ko sa kamay ni Wade dahil baka kailangan s'ya doon. Tinignan niya ako ganoon rin ako sa kanya, nginitian niya ako at niyakap ang braso ko. Sumiksik ako sa leeg niya at bahagyang nagisip, noon palaging dinadahilan ni Shane ang anak niya at ang kondisyon niya bilang pagbubuntis. Ako, ako palagi ang naga-adjust para sa kanya. Ako ang bumibili ng mga kailangan niya kapag wala si Wade dahil sa sobrang busy.
Noon ako palagi ang kasama ni Wade sa pagbili ng mga kailangan niya. Nasasaktan ako pero palagi kong iniisip si Wade, nasasaktan ako dahil hindi dapat namin 'to nararanasan. Kaya nang sumobra na pati ang oras namin para sa isa't-isa ni Wade ay doon ako sumabog ng sobra, nagawa ko pang sigawan sila Tita dahil nasasaktan ako ng sobra. Kaya ngayon kapag naulit na naman ang ganoon, hindi ko na alam at baka umuwi nalang ako sa Texas.
"Pag-iisipan ko kung pupunta ba ako diyan," malamig na boses ni Wade ang narinig ko bago ako nag angat ng tingin sa kanya.
Pumikit s'ya ng mariin at sinuklay ang buhok niya gamit ang isa niyang kamay. Mukhang may problema s'ya, huminga ako nang malalim at niyakap ang bewang niya. Humigpit ang yakap niya at hinalikan ang sentindo ko pababa sa pisngi ko. Natatakot ako. 'Yun ang totoo, kasi hindi ko alam kung ano ang mangyayari pagbalik namin sa Laguna.
"Anong problema?" mahinahon at kalmadong tanong ko.
He sighed. "Wala..." mahinang sambit niya.
Napatingin ako sa kanya at tinignan ang kabuaan niya, iniwas niya ang paningin niya. Tinaasan ko s'ya ng kilay kaya naman yumuko s'ya at tumikhim bilang pagsuko sa 'kin. Sinabi namin sa isa't-isa na kapag may problema kami ay magiging bukas kami at sabay na sosolusyunan, gusto kong maging maayos ang lahat. Gusto kong maging matibay pa kung ano ang mayroon kami ngayon.
"Tita Shekinah called my Mom..." panimula niya. "Sinabi ni Tita kay Mommy na pauwiin ako dahil kay Shane, ilang beses na daw dinadala sa hospital dahil hindi nagkakakain at palagi daw umiiyak. Hinahanap daw ako at maski si Troy naaapektuhan," mahinang paliwanag niya.
Natahimik ako. Tinignan niya ako at hinawakan ang dalawa kong kamay, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Si Shane na naman ang tinutukoy, bumabalik ang galit sa puso ko. Tinignan ko si Wade at umiling at bumuntong hininga sa kanya kaya mas lalong humigpit ang kapit niya sa dalawang kamay ko. Masuyo ang mga mata niyang nakatingin sa 'kin kaya iniwas ko ang paningin ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 3: Chasing The Heiress
ActionBecause of her combat prowess, Natasha Veronica Martinez is referred to as a mystery lady. Her organizers dubbed her a "phantom" in the morning and a basic architect in the evening. She makes a mistake because when she returns, the man she once love...