Chapter 80
Shan's POV
Nasa sala kami ngayon walang ibang ginagawa kundi nakadungaw lang sa panganay at bunso sa dinning area. Wala pa may lakas ng loob na sumunod sa kanila kaya tahimik lang kami na nakikinig sa kanilang dalawa.
"Ang daya ng mundo no?" Sabi ni Xeena. "Tamang tama yung kanta." Dugtong niya at tsaka nagshot ng alak.
"Kung kailan ka naging seryoso tsaka ka niya gagaguhin. Hoy, jusko. Ano ba naman ito? Diba, tangina. Nagmukha akong tanga, pinagpalit na naman ako. Lecheng pag-ibig 'to."
Mahinang kanta ni Xeena at tsaka nag shot. Nagpunas pa ng luha na papatak pa lang.
Parang nagegets na namin ang nangyayari pero ayaw naman namin mag maganda.
"Hintayin na lang natin si Xeena mag open.." sabi ni Jungkook.
Tama. Wag natin siya pilitin kasi alam naman nating lahat na durog na durog pa siya ngayon.
Nagkatinginan si Xeena at Moa at sa buong pagsasama naming lahat.. Ngayon lang namin nabasa ang mga mata ni Xeena.
"Tangina.." Ani Jackson.
Lahat yata kami walang ibang nakita sa mga mata niya kundi sakit.
Walang iba kundi SAKIT.
Sumunod na kaming lahat at umupo sa mga bakanteng upuan. Dali dali naman lumapit si Moa sa kapatid niya atsaka yumakap sa balikat.
"Makikinig kami, ate.. Nandito ako. Nandito kami." Sabi ni Moa at tsaka tinapik ang balikat ni Xeena. Tumabi siya kay Angelo at hiniga ang ulo niya sa balikat nito.
Tumingin ako sa mga kasama ko at lahat naghihintay na magsalita si Xeena. Lahat nakatingin sa mga mata niya.
"Xeena, anong nangyari?" Mahinahong tanong ni Taehyung.
Tumingin si Xeena kay Taehyung atsaka naglabas ng sarkastikong tawa. Ininom ang isang shot na nakatagay atsaka tumingin ulit kay Taehyung.
"Bakit napakadali para sa inyo na ipagpalit ako?" Diretsong tanong niya.
Nasasaktan ako sa nakikita ko. Mauuna pa yata ako umiyak. Eepal ako???
Yung nasasaktan nga, hindi pa umiiyak. TAPOS MAUUNA AKO? LUH?
"Ito na naman ako sa lugar kung nasaan ako 4 years ago. Haha! Funny. Karma ko na yata 'to sa lahat ng katarantaduhan ko. Haha! Tangina, ang sakit naman pala." Dugtong niya atsaka uminom ulit ng alak.
Habang si Taehyung, ayun. LOST! Di makagets. Hays. Slow talaga!
"Buti na lang talaga at hindi ako buntis! Haha! Pero kung buntis man ako, di ko na uulitin yung nagawa ko noon. Kawawa naman yung batang magsasuffer dahil lang sa katangahan ko. Haha!"
Si Xeena lang ang nagsasalita. Wala kami balak mag-inom. Hinahayaan lang namin siya.
"Ito na naman ako, kine-kuwestyon ang sarili ko. Saan ba ako nagkulang, sumobra ba ako, may nagawa ba akong mali, o sadyang binabarubal talaga ako ng mundo? Haha!"
Shot na naman.
"Hinay-hinay sa shot, ate." Paalala ni Angelo.
"Di ako malalasing. Ako pa ba? Haha!" Xeena.
Tumingin si Taehyung kay Angelo at halata mo sa mga mata niya na nagtatanong siya. Pero di siya pinansin ni Angelo. May galit pa rin siya eh. Inaaya nga niya mag suntukan eh. Hahahahaha! Nakakatawa!
BINABASA MO ANG
Love or Friendship? || bts ff
FanfictionAre you still going to choose LOVE even if your FRIENDSHIP will be sacrificed? --- Matagal na silang magkakaibigan. Gago Squad, ang pangalan ng grupo nila. 12 silang mga babae. Lahat sila kpop fan, lahat sila gustong pumunta sa Korea para makita an...