Chapter 24

31 4 0
                                    

J-hope's POV

Hindi ako makapaniwala na kay Xeena lahat ng sasakyan na nakita namin. Ang gaganda!! May Lamborghini, Bugatti, Audi, BMW, Dodge, Honda, Lexus, Maserati, Mitsubishi, Mustang Cobra, Porsche, Range Rover, Rolls Royce, Aston Martin at Mercedes Benz.

May tatlong Lamborghini, dalawang Porsche, dalawang Range Rover.

ANG DAMI TALAGA!!!

"Huy! Ano ba? Kanina ka pa nakatulala! Mag move on ka na! Hahaha!" Singhal sakin ni Ely. Tsh. Bawal na ba maamaze?

Nagbukas ang elevator at iniluwal nito ang maingay at naguusok na sasakyan. May isang Camaro na naka-park at sa hood nito ay naka-upo si Moa. Woah!! Sa kanya yan?

"Uy!!! Dito kayo!!! Matatamaan kayo ni Xeena diyan! Hahahaha!!" Sigaw ni Moa samin. Kung hindi niya kami sisigawan, hindi namin maririnig sa sobrang ingay ng sasakyan ni Xeena.

"Moa, anong ginagawa ng hon ko? Bat siya nag iingay ng ganiyan? At bakit ang daming upos ng sigarilyo dyan? Nagyoyosi ka?" Tanong ni Taehyung kay Moa. Hindi na namin narinig dahil lalong lumalakas yung sasakyan. Sign na malapit na samin si Xeena.

Nakalabas ang kamay ni Xeena sa bintana at boom!! May yosing hawak ito.

"Ang angas. Putangina." - GG Squad. Oo, sabay sabay nilang sinabi.

"Grabe ang galing!! Idol!!"

"Woooow!! Drifting habang nag yoyosi!! Woah!!!"

Lahat kami manghang mangha pero si Moa at Yugyeom? Parang wala lang.

"Gusto niyo ba ng mas malupit pa diyan? Teka." Ani Moa. Kinuha niya yung megaphone sa sasakyan niya.

"MOA 624.. Hmmm? Angkin na angkin yung mga sasakyan niyo ah?" Sabi ni Jin Hyung.

"ALEX EENA TUMIGIL KA!" Sigaw ng magaling kong Queen.

NARINDI AKO

SEND HELP

BASAG EARDRUMS KO

Eksaktong tumigil si Xeena sa gilid namin. Bumaba siya at humithit ulit ng sigarilyo atsaka pinatay ito sa ash tray na nasa upuan sa tabi ng sasakyan ni Moa.

"Ola, guys! Oh, bat mo ko pinatigil?" Tanong ng kapatid.

"Wala lang. Nakanganga kasi jowa mo eh oh." sagot naman ni Moa.

"Alam ko. Kanina ko pa kayo nakikita. Sa inyo ako naka tingin. Hahaha! Hi, hon!!" Lumapit si Xeena atsaka ito hinalikan sa pisngi.

Kilig na kilig na naman tong pabebeng alien na to. Psh.

"Hon, ang galing mo. Bakit kahit nagyoyosi ka, ang bango mo pa din? Tsaka ikaw, Moa. Halaaa!! Ang galing!!" Sabi ng namamangha naming alien.

Amoy kasi kahapon pa. Hahahaha!

"Tama na yan. Sige na. Tuloy mo na ginagawa mo. Pakitaan mo sila ng galing mo diyan." Sabi ng kapatid neto na si Queen ko. Hehehe!

Gusto ko mapanood si Moa na nag drift din. Hayy. Magdidrift pa kaya sila?

"Oo, Hobi. Later. Mag ta-tandem kami. Tignan niyo muna to." Sabi sakin ni Moa sabay ngisi.

SEND HELP

KINIKILIG AKO

TEXT HELP J H O P E AND SEND IT TO 8080 PARA AKSYON AGAD SI DADDY DU30!

Nagsimula ng mag maneho si Xeena. Malaki ang basement niya. Parang parking lot ng mga malls. Sa dami ba naman ng sasakyan niya eh.

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon