Chapter 57

28 1 0
                                    

Marie's POV


Lahat kami nandito sa training grounds. Ang daming mesang nakatayo na may mga baril at bala. Sa kabilang side, ang mga human target vector. Siguro mga bente o lagpas benteng hakbang ang distansya nito mula sa mesa. Shit. Ang layo. Baka hindi umabot....

"Sige na. Pumunta na kayo sa kanya-kanya niyong pwesto. Wag na wag niyong kakalimutan, sa ulo lang ang tutok. Go and fix your guns,"

Agad akong pumunta sa gitnang mesa. Ang layo talaga!!!! Tangina. Tinignan ko ang mga bala. Pucha, lima lang???? Moa, why you do this????

Nasa kanan ko si JB at sa kabila naman si Bambam. Pareho silang namomroblema kung paano nila paaabutin at pagkakasyahin ang limang balang nakalatag sa mesa namin. Pare-pareho lang kaming tatlo. Jusko. Huhuhu. Bahala na.

Pumusisyon na kaming lahat at hinintay ang signal ni Moa.

"Hoo! Pakshet, kinakabahan talaga ako. Pakiramdam ko, hindi kakayanin."

"Oo nga, hyung. Taeng yan. Bahala na. Kaya natin 'to, hyung! Ulit nalang kung sakaling hindi umabot pero sana."

Nilingon ko ang dalawang taong nasa magkabilang dulong table. Nung nag late night talk kaming squad, narinig kong nag-usap ang bangtan sa kwarto ni Hoseok. Narinig ko ang sagutan nung dalawa at pakiramdam ko nagkasakitan pa sila. Hindi na siguro narinig ng iba dahil masyadong malakas ang kantahan nila nung oras na yun.



Flashback.....

"Kumalma kayong dalawa. Hoseok, kumalma ka." narinig kong awat sa kanila ni Jin. Nanatili na muna ako dito sa veranda at kungyaring may ginagawa para hindi magtaka masyado ang squad.

"Tangina! Bakit?! Hindi ko kasi maintindihan eh! Sabi mo wala kang gusto sa kanya tapos ganito?! Alam mong mahal ko siya tapos bigla kang aamin?! Ang matindi pa don eh nanliligaw ka na!! Ang galing! Grabe, hyung! Sobra! Diba kay Rain ka?! Anong nangyari?! Ha?! Pinaasa mo siya ganon?! Sana inisip mo o kahit sumagi man lang sa isip mo na masasaktan ako sa gagawin mo bago ka umamin kasi ang sakit eh! Sobra! Sa dinami daming lalaki, ikaw pa?! Bakit ka grupo ko pa?! Bakit kapatid ko pa?!"

Nakakatakot ang tono ni Hoseok. Ramdam na ramdam mo yung galit niya.

"Naiintindihan ko kung bakit galit ka sa akin. Sinubukan kong pigilan, Hoseok. Sinubukan ko talaga pero wala eh. Mas lalo lang lumala,"

"Bullshit."

"At hindi ko rin pinaasa si Rain. Maniwala ka man o hindi. Magkaibigan lang kami at alam niya 'yon. Hindi ko kasalanan kung umasa siya sakin. Tsaka bago mo sana ako pagsalitaan ng ganyan, alalahanin mo muna yung mali mo. Oo, aminado ako sa kasalanan ko sayo pero hindi kasama doon ang pagkatorpe mo kaya wag ka masyadong mag--"

*BLAAG*

"TORPE NA KUNG TORPE PERO YUNG POINT NA ALAM MONG MAHAL KO SIYA TAPOS BIGLA KANG AAMIN AT MANLILIGAW EH KAGAGUHAN NA 'YON! NAUNA AKO SA KANYA, HYUNG!"

"Nauna ka ngang nagkagusto pero nauna akong umamin. Hindi ko kasalanang mabagal at duwag ka."

*BLAAG*

"ANO BA?! Tama na! Awat na! Kaya nga tayo nag-usap para maayos tapos ganito?? Hindi naman tayo umaabot sa ganito ah! Pwede naman tayo mag-usap sa maayos na paraan! Hindi niyo kailangan magsakitan!" pag-aawat ng bangtan sa dalawa.

"Sa susunod na tayo mag-usap. Pag kalmado na si Hoseok. Tch."

Yan ang huling salita ni Yoongi at nakarinig na ako ng pagsara ng pinto. Naiintindihan ko si Hoseok pero may point si Yoongi. Kung umamin sana si Hoseok nang maaga, hindi na sana hahantong sa ganito. Pero kung hindi rin naman umamin si Yoongi at nanligaw, hindi rin hahantong sa ganito na kailangan pa nilang magkasakitan. Ay ewan. Sana magkaayos na sila.

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon